Delusion

8.3K 116 22
                                    

"AND I'm hoping

Remember I'm a kid

I know not what I did

Just having fun

You couldn't wait for something new

And yesterday I thought of you

It left me to think as if I couldn't walk away

It's too late, I fell through"

"COME on, man. Pumayag akong samahan kang uminom hindi para magmukmok lang. We are going to have the craziest night of our lives, Deviera!" Hinaklit siya ni Levi sa braso upang isama sa dance floor.

Nanlalabo na ang kanyang paningin sa epketo ng maraming beer na nainom niya. Lalong pumintig ang ulo niya nang tumapat sa naglalarong ilaw ng disco. Dumagdag pa sa tila disorientation ang magaslaw na galaw ng mga sumasayaw at ang nakakatulig na ingay na likha ng disco remix music.

Nanatili siyang nakatayo. Nadudunggol siya ng ilang sumasayaw ngunit balewala sa kanya iyon. Ipinikit niya ang mga mata. At nang pinilit niyang magmulat muli, wala na sa harap niya si Levi. Naabutan pa ng kanyang mata ang paghalo nito at ng babaeng kapareha sa umpukan.

Palinga-linga si Harold, hindi sigurado kung paano gagalaw. Kung mananatili ba siya sa pwestong iyon. Kung ano ang gagawin niya. Muling sinaklot ng pait at sakit ang puso niya. Pakiwari niya anumang sandali ay titiklop ang paligid, unti-unting nilalamon ng kalamlaman ang lugar na iyon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, pinakiramdaman ang sarili. Hinanap ang katahimikan sa kanyang utak.

"I love you, Harold."

"Louise..?"

Bumaling siya sa likuran nang marinig ang tinig na iyon. Nasa umpukan ito ng mga babaeng maharot na gumagalaw sa musika. Kasama ng pares ng babaeng naghahalikan habang nagdi-dirty dancing. Ano ang ginagawa ng kasintahan sa lugar na ito? Paano itong nakasunod sa kanya. Bumalik sa kanyang memorya ang aksidenteng pagkakita niya sa babae kasama si Drake. Bumabangon ang panibugho sa kanyang dibdib ngunit mas nangibabaw ang pagkasabik niya rito. 

Dagli niyang tinawid ang pagitan niya at ni Louise. "Louise!" hinaklit niya sa braso ang babae.

"Hey, what's wrong with you?" galit na protesta ng babaeng inakala niyang kasintahan. Pinaglalangan siya ng kanyang mga mata. Agad na idinistansiya ng binata ang sarili. Paroon at parito. Pasuray-suray sa gitna.

"Halika, Harold. Magsayaw tayo."

Nagmula sa gilid niya ang tinig na iyon. Parang bumulong sa kanyang tainga. Agad niyang nilingon ang pinanggalingan ng malamyos na boses. Nasumpungan niya si Louise. Nang-aakit ang mga matang pinapalapit siya. Halos madadapa siyang humakbang. Agad niyang hinapit ang baywang nito nang makalapit.

"Kiss me, Harold." Utos nito saka inangkla sa kanyang batok ang dalawang braso. Akmang sasayad na ang mga labi niya sa labi ng kasintahan nang pigilin siya ng lalaking hinila siya sa kwelyuhan.

"That's my girl, asshole." Sabi nito saka padarag siyang  itinulak palayo. Kamuntikan na siyang masubsob sa sahig.

Damn, ano ba'ng nangyayari sa kanya? Napahawak siya sa magkabilang sentido nang dinaluyong siya ng matinding kirot. Hagya na niyang imulat ang mga mata sa pamimigat ng talukap niyon. Ang pigura ng mga sumasayaw ay parang abstract na lang sa kanyang paningin. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, pilit na hinamig ang pumapanaw na diwa. Tinangka niyang maglakad pabalik sa upuan niya kanina ngunit pakiwari ni Harold ay nanlalambot ang mga tuhod niya.

"Louise!" sigaw niya bagaman nalunod lamang sa malakas na musika ang pangalang iyon. "Louise, huwag mo akong iwan, please." pausal niyang bigkas pagkatapos.

"Harold, I'm here."

Lumingon siya at nasumpungan ang babae. Naaaninag niya ang pigura ng nobya. He was sure it was her. Patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan nito. "Thank God, it's you, Louise."

Mabilis niyang niyakap ang babae. Tinulungan siya nitong makuha ang stance niya. Umakbay siya sa kasintahan habang hinihila siya palayo sa gitna ng dance floor.

"Take this para mawala ang kalasingan mo." Hindi pa man siya nakakatugon ay may pulang tabletas na itong isinubo sa kanya. Hindi niya mawari ang lasa niyon ngunit kung anuman ang gamot na ibinigay sa kanya ng kasintahan, wala na siya sa tamang huwisyo at kapasidad para tumanggi. He swallowed the pill.

At ang huling ala-ala niya ay ang mabilis na pagsargo ng dugo sa buo niyang katawan. It seemed, whatever that pill was, it unleashed the beast in him. Tila anino iyong sinakop na ang utak niya. Hanggang sa pakiwari ng binata, iba na ang katauhan niya.


Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon