MARAMING BAGAY ang gumugulo sa isipan ni Louise lately. Numero uno sa listahan ang lumalalim na fascination niya kay Harold. Bakit ang lakas ng epekto sa kanya ng lalaking iyon? Nahihirapan na siyang alisin ito sa sistema niya kahit anong pilit niyang pagkumbinsi sa sarili na gulo ang papasukin niya sakalaing tanggapin niya ang pakikipaglapit nito. Harold Deviera seemed trouble to her. Pero iba ang idinidikta ng kanyang puso.
Sa paglipad ng utak, napapitlag siya sa boses ni Francine mula sa kanyang likuran.
"Mas importante ba 'yang iniisip mo kaysa sa uulamin natin? Kung oo, bumili ka na lang ng lutong bopis o pakbet kay Aling Choleng sa labas."
Natauhan siyang bigla sabay tingin sa pini-pritong porkchop. Halos hindi na makilala ang karne sa tindi ng pagkakasunog. Natarantang inalis niya ang kawali mula sa stove.
"Akin na at ako na ang bahala diyan. Ihanda mo na lang ang take-out food sa mesa."
Walang imik na tumalima ang dalaga. Ilang sandali pa ay naroon na din ang ina. Humila ng upuan katapat niya.
"May problema ka ba ha, Louise? Ano, may kailangan kang bilhin sa school? Magkano ba? Teka-"
"Wala, ma." Putol niya.
Pagkatapos ay inumpisahan na niyang kumain. Pinagtyagaan na lang nila ang uwing kare-kare ng ina kagabi. Wala na kasing nasalba sa porkchop na niluto niya. Nagmukha itong na-cremate na karne.
"Hindi tayo madalas nagkakausap pero alam kong may pinagdadaanan ka. Makikinig ako." May lakip ng paglalambing na untag nito.
"Maliit na bagay lang naman, ma."
"Boyfriend?"
Kailan pa naging maliit na bagay ang boyfriend? Sabagay, very consenting naman ang ina sa aspetong iyon.
"Wala ho akong boyfriend. Hindi na ho muna ako magbo-boyfriend. Sa studies lang ang focus ko."
"Huwag mong sabihin 'yan. Ganyang-ganyan din ang prinsipyo ko noon kaya 'ayun, seventeen years old ako noong nabuntis ng tatay mo. Ang pagkakaiba lang natin, mas responsable ka at ako, tanga." Nagpakawala ng pagak na tawa ang babae. "Pero maluwag naman ako sa'yo pagdating sa pakikipagrelasyon basta alam mo lang ang limitasyon mo. Ano, wala ka bang sasabihin sa beautiful mother mo?"
Tumigil siya sa pagsubo. "Wala ho, ma. Kumain na lang ho tayo."
Lumabi ang ina. "I'm not convinced. Pero sige, kapag feel mo nang magkwento sa akin, hagilapin mo na lang ako, okay?"
Tumango siya.
"Siyanga pala, may ipapakilala ako sa'yo sa sunod na linggo."
Nahulaan na niya. Bagong boyfriend ng mama niya.
Maliit lang ang angkan nila at lahat ay nasa Cotabato pero simula nang lumuwas at manirahan silang mag-ina sa Maynila seven years ago, hindi na niya mabilang ang lalaking ipinakilala nito sa kanya. Lahat, tito ang tawag niya. Kaya nagmukhang malaki ang pamilya niya. Tito Baron, Tito Niel, Tito Larry, Tito William, Tito Gary, Tito Hector, Tito Joseph, Tito Arnel, Tito Bert at ang last nga ay iyong inabutan niya noong nakaraan lang. Hindi na niya matandaan ang pangalan ng huli dahil sa lahat ng lalaking dinadala ni Francine sa bahay, iyon ang walang imik.
Pero mas okay sa kanya iyon, naalibadbaran siyang makipag-usap sa mga kliyente ng mama niya. Kliyente, in the sense na sex lang naman ang habol ng mga ito. Idagdag pa ang mama niya na non-committal din sa seryosohang relasyon.
"Matutuwa ka kapag nakilala mo siya. I think he's the one."
Ngayon lang niya nahimigang masaya ulit ang mama niya. Good for her. Pero sana naman walang sabit gaya ng mga nauna.
"Paano n'yo naman ho nasabi?"
"Well, gwapo siya. Matanda sa akin ng sampung taon. Binata. Not technically. Hiwalay sa asawa saka may anak na. Mayaman, ubod ng bait at higit sa lahat, mukhang seryoso sa akin."
"Mukhang seryoso? Hindi ka sure."
"Hindi ko pa naman masasabi pero may pakiramdam ako na iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Iba siya kay Bert. Saka isa pa, sa kanya ko nararamdamang secured ako sa lahat ng bagay."
Lumuwang ang ngiti niya. "Sana siya na ang last, ma."
"Sana nga. Saka naisip ko, hindi naman ako habambuhay na fresh-looking and beautiful, 'di ba? Hindi na nga tumatalab ang mga anti-wrinkles cream ko, eh. Kaya kailangan ko na ding maghanap ng lalaking seseryoso sa akin."
"Paano na ang application mo pa-Japan?"
"Makapaghihintay naman 'yun. Saka hindi pa yata ako ready na iwan ka." Tila bata siyang pinisil nito sa baba. "Siyanga pala, may lakad ako mamayang gabi. May dinner date kami ni 'the one' mamaya." Kinikilig pang sabi nito saka minadali ang pagkain.
Sa maraming pagkakataon, naging linya na rin ng ina niya iyon. He's the one. Siya na ang seseryoso sa akin. Pero kahuli-hulihan, uuwing luhaan ang mama niya. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na makahanap ng lalaking magmamahal at mag-aalaga kay Francine. Bukod sa kanya. Pero habang hindi pa nito natatagpuan ang kaligayan sa isang relasyon, siya ang mag-aalaga sa ina niya.

BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomansaSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...