Along Came Danielle

8.4K 127 0
                                    

"WHY are you still bothering me, Danielle? Hindi pa ba sapat ang sinabi kong hindi na kita mahal?" matigas ang ekspresyong tanong ni Harold sa babae.

"I want you back, Harold. Pinagsisihan ko na ang ginawa kong pakikipaghiwalay sa'yo noon. Noong nawala ka, na-realize ko kung gaano ka ka-importante sa buhay ko."

"Ano'ng sinasabi mo? Matagal na tayong tapos. Tinapos mo ang lahat sa atin nang makipaghiwalay ka. May mga bagay na itinatapon na hindi na pwedeng ibalik. Kaya pwede ba, stop making lame excuses para lang mapapayag akong makipagkita sa'yo ulit."

"Pupunta ako ng Disciplinary Office bukas. They would know about you and Louise living under one roof." Walang gatol na saad nito.

Bahaw na natawa si Harold. "Are you serious?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Nagtagis ang panga ng binata. "You're crazy."

"Dahil mahal kita. Baliw na kung baliw pero kaya kong sirain sa isang iglap ang anumang namamagitan sa inyo ng girlfriend mo ngayon."

Napailing ang binata, hindi makapaniwala sa naririnig na argumento ng dating kasintahan. Danielle was downright desperate and irrational.

"Selfishness ang sinasabi mong pagmamahal, Danielle. Hindi ka ba nahihiyang kailangan mo pa'ng mang-blackmail makuha molang ang gusto mo? That's downright pathetic."

"Crazy, desperate, pathetic, blackmailer. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Hindi mo ako mapipigilan sa gusto kong gawin."

"Alam kong may malalim ka lang na problema kaya mo ginagawa ito. Was it about your father? Was it the same issue?" Paglilihis niya ng usapin.

Ngunit may sapantaha siyang dahil sa isyu sa pamilya kaya ganitong parang nawawala sa huwisyo si Danielle. Batid niya ang nangyayari sa pamilya nito.

Katulad ng ama niya, Danielle's dad was a cheating manwhore. Ang ina naman nito ay isang alcoholic bukod sa pagkakaroon ng bipolar disorder. Hindi kayang harapin ng dating kasintahan ang isyu ng mga magulang nito. Isa iyon sa dahilan ng pakikipaghiwalay nito noon. Naunawaan niya iyon. Mahirap noong unang tanggapin kasi first serious relationship niya ito sa kabila ng batang edad. Eventually, he managed to move on.

Sa halip na sumagot ang babae at nakagat nito ang ibabang labi kasabay ng pag-agos ng luha. Kagyat nitong pinahid iyon. Nakadama siya ng awa, napalitan ang galit na nadama niya sa panggigipit nito. Ngunit hanggang doon lamang ang pwede niyang maramdaman.

"Pwede kitang tulungan bilang kaibigan, Danielle. Please huwag mo nang idamay si Louise sa problema mo."

"You can't sway me, Harold. Kung hindi ko lang din makukuha ang gusto ko, hindi mo na mababago ang desisyon ko. They would know. Everybody would know."

Nabahala si Harold sa kasiguraduhan ng sinasabi ni Danielle. Bakit ba kailangan pang magsabay-sabay ng mga problema niya? Kailangan niyang mag-isip ng paraan para mapa-kalma si Danielle. Pwede naman siyang pumayag sa gusto nito habang inaayos niya ang komplikasyong kinakaharap. Hindi muna niya ipapapaalam kay Louise ang desisyon hangga't wala pa siyang naiisip na solusyon sa problema niya sa ex-girlfriend.

"Sakaling pumayag ako sa gusto mo, maatim mo bang pakisamahan ang taong hindi ka mahal?" nanghihinang tanong niya.

Nagliwanag ang mukha ni Danielle sa narinig. "At least I have you."

Nakagat ni Harold ang ibabang labi, tiim ang panga. Umalon ang kanyang Adam's apple sa ginawang paglunok. Pinukol niya ng masamang tingin ang kaharap. Pagkuwa'y humugot siya nang malalim na hininga saka marahas na ibinuga iyon.

"Give me time." Sa wakas ay nasambit niya.

Agad niyang tinapos ang pakikipag-usap kay Danielle saka magkahiwalay silang lumabas ng babae. Sa pintong papasok ng mall ito dumaan samantalang sa pintong palabas ng establisyemento siya dumerecho. Upang mahagip ng paningin ang nakatalikod na bulto ng babaeng pamilyar sa kanya habang magiliw na kausap ang kaibigan niyang si Drake.

Pakiwari niya ay umakyat ang dugo sa kanyang ulo at akmang susugurin upang komprontahin ang kaibigan ngunit pinigil niya ang sarili. He could not make a scene. Walang alam si Drake sa namamagitan sa kanila ni Louise. Baka lalo lang makadagdag sa problema niya kung magpapadala siya sa bugso ng damdamin.

Hindi na siya nagpakita sa dalawa, bagkus ay palihim siyang pumasok ulit sa Starbucks. Sa ibang pinto na lang ng mall siya dadaan patungo sa kotse niyang nakahimpil sa bandang dulo ng parking space.

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon