SA LOOB NG NAKAPARADANG kotse ni Harold ang sinasabi nitong sorpresa sa kanya. Sa malawak na parking area malapit sa auditorium ng university iyon naka-park. Medyo malayo sa pinanggalingan nila kanina kaya habol niya ang hininga nang sapitin iyon.
"Bakit tayo nandito? Huwag mong sabihing sasakay pa tayo ng kotse mo?" takang tanong ni Louise sa binata.
Sa ilang linggo nilang pagkakilala, ngayon nga lang niya nalamang may sarili pala itong kotse. Mukhang bago pa iyon, siguro kabibili lang.
"Last week bago ako um-absent, nakausap ko si Amie at may sinabi siya sa akin. Mas na-convince ako na compatible tayo dahil sa impormasyong nakuha ko sa kanya." He said wearing a smug expression.
Nakasandal lang ito sa kotse samantalang nakaharap siyang nakahalukipkip dito.
Tumaas ang isang kilay ng dalaga. Huwag lang magpapakita sa kanya ang bestfriend niya dahil makukutusan niya ito. Ano kaya ang pinagsasabi nito kay Harold at sa ngiti nito sa kanya ay parang ang dami nitong alam.
"Ano naman ang tsinismis sa'yo ni Amie?"
"It's not really a big thing. Nalaman kong February 14 pala ang birthday mo."
"Oh, ano?"
So iyon ang impormasyong nakalap nito sa kaibigan. What was the big deal about her birthday falling on the Valentine's day, eh halos mag-iisang buwan nang lumipas iyon.
"Well, guess what? We were born on the same year, same day and same hour."
Hang on, what?
Not really a big deal but totally coincidental. Madalas kasi niyang ikwento kay Amie na Valentine baby siya dahil saktong alas-dose ng araw ng mga puso siya ipinanganak. Kaya siguro, malas siya sa love department. First attempt niya na mag-boyfriend, semplang agad. Nasaan ang hustisya?
Gayunpaman, nagulat din siya sa nalaman na magka-birthday sila ni Harold. Pero gaya ng paulit-ulit niyang saksak sa isip niya, hindi naman iyon big deal. Dios mio, sangkatutak na sanggol naman siguro ang ipinanganak kasabay ng pagkapanganak sa kanya. Wala namang pumigil sa mga matris ng mga ina noong panahong iyon para masolo ang oras ng panganganak sa buong mundo.
Nabura ang ningning sa mga mata ni Harold sa nakitang indifference sa mukha niya. "Hindi ka ba natutuwa?" nagtatampong tanong nito.
"Matuwa saan? Na magka-birthday tayo?"
"Baka nga hindi big deal 'yun sa'yo pero sa akin, oo. It has something to do with compatibility. I mean, of all people, tayo pa. It tells something, come on."
"Like what?"
"Something about destiny."
Nabibingi ba siya?
Harold Deviera just spoke to her about destiny and compatibility and so many corny coincidences. Ang higanteng lalaki nito para umaktong hopeless romantic. Eh, hitsura pa lang, mukhang may tinatago itong kalokohan. Naughtily handsome. Iyong parang maamong tupa na may nakakubling kapilyuhan sa loob.
"Oh sige na, matahimik ka lang. Pwede ring nagkataon lang. What do you want me to say? Belated happy birthday? To us? Saka Happy Valentines na din?"
Tumango ang lalaki, nakapagkit sa mga labi ang maluwang na ngiti. Kapagkadaka ay itinaas ang dalawang kamay sa ere.
"Belated happy birthday to us!" sigaw nito.
Buti na lang walang tao sa parking na makakarinig ng eskandalo nito. "You know how I felt right then? It's like the 14th was our monthsary or anniversary or daysary. Ang saya, hindi ba?"
Hindi niya mapigilan ang matawa sa mga pinagsasabi ng kaharap na mas aligaga pa sa manganganak dulot ng excitement sa isang bagay na hindi naman dapat ika-excite. Para itong timang na nagtatagni ng kung ano-ano. Somehow, may kinilig sa bahagi ng kasu-kasuan niya. Hindi pa man siya nakakasabad ay binuksan ni Harold ang kotse nito. Kapagkuwan ay inilabas ang isang tazmanian stuff toy na kasing-laki at kasing-tangkad yata nito.
"Paborito mo daw si Taz sabi ni Amie. So I thought, ito ang iregalo ko sa'yo kahit lumipas na ang birthday mo. Birthday natin. Sa Bacolod ko pa binili 'to kasi out of stock na dito sa Metro Manila." Bakas ang exciement sa tinig ng lalaki.
Sa totoo lang, para nga itong nasobrahan sa energy. Nawala lang ng isang linggo, nakahugot na ng enerhiyang walang kapantay.
"Hindi mo man lang ba yayakapin o hihimasin ang regalo ko?"
Buong lakas na binuhat ni Harold ang stuff toy. Natatakpan na nga nito ang binata.
"Hey, Louise. Just give Harris a hug. Come on, sweetheart." Anito sa batang tinig.
"Harris?" lumapit siya at hinawakan ang stuff toy.
"Pinangalanan ko na siya. Syempre, katunog ng pangalan ko para tuwing niyayakap mo siya, maiisip mo ako ang kayakap mo. Actually, pina-process ko na ang birth certificate niya. His full name is Harris Delgado Deviera."
"Tantanan mo nga ako ng kalokohan mo." Kunwang sinuntok niya ang stuff toy at napaatras ng ilang hakbang si Harold sa impact niyon.
Upang hindi na mabigatan, muli nitong inilapag sa nakabukas na driver's seat si Wilemn.
"Are you happy?"
Kinilig siya, actually. Pero hindi siya nagpahalata, slight lang.
"Of course. Thank you. Nakakahiya, ako ang walang regalo sa'yo."
"Wala ba? Parang meron."
Kumunot ang noo niya. "What? Buti ka pa alam mong may regalo ako sa'yo."
Harold grinned at her. Naningkit din ang mga mata nito sa pagtawang iyon. Kapagkuwan ay may dinukot ito sa bulsa. "Ito ang regalo mo sa akin." Nilaparan ng binata ang ngiting iwinagayway ang dalawang tickets na hawak nito. "VIP passes for two sa upcoming concert ng One Direction na favorite band mo ayon pa din sa bubuwit ko."
Nagliwananag ang mukha ni Louise. "Amie just sold me out."
"Luckily, you got a guy like me to buy that out."
"Makakatanggi pa ba ako? Patay na patay kaya ako kay Harry Styles."
Lumabi si Harold. "Gan'un? Akala ko pa naman, ako ang ultimate crush mo."
Hinampas niya ito sa braso. "Ang dami mo yatang pambili ng lakas ng loob."
"Fine. Okay lang na crush mo si Harry Styles. Hindi naman ako selosong tao. Pagkatapos ng concert, then you can stick with me. I will be your Harold Styles or Harold Payne." Nag-bow ang lalaki.
Bumulanghit ng tawa si Louise. Harold Deviera had got a lot of trick up his sleeve. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa mga ipinakita nitong sweet gestures?
Oops! Nagkakagusto na siya kay Harold?
"Paano ko ngayon iuuwi si Harry? Baka makuba ako pagbitbit mamaya. Ang laki n'yan, eh."
Pilyong ngumiti ang lalaki.
"That is why I brought the car. Ako ang maghahatid sa'yo mamaya."
Hanep sa diskarte ang isang ito. Naisahan yata siya. Pero ibayong kiliti sa puso ang hatid niyon sa kanya. Hindi naglaon ay hinatid na siya ni Harold pabalik sa building para sa klase niya. Imi-meet niya ito after class para naman ihatid siya at si Harry sa kanilang bahay. Baka sasabay rin naman si Amie.
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...