Louise's Fool's Gold

9.7K 149 8
                                    

NANGANGALUMATA nang pumasok si Louise nang umagang iyon. Napuyat siya sa paghihintay kay Harold na magdamag na hindi nagpakita sa condo. Galit man siya rito ngunit hindi niya maiwasan ang mag-alala.

Nang mag-umpisa ang kanyang pagdududa, umiigting din ang pagnanais niyang komprontahin ang nobyo. Tungkol sa mga nangyayari. Tungkol sa estado ng relasyon niya. Tungkol kay Danielle.

Louise should have been more open about her feelings. Naalala niya ang naging usapan nila ni Harold noon. Walang puwang ang paglilihim sa kanilang relasyon. They would have each other's back. They have each other's secrets. Pundasyon ng isang matagumpay na relasyon ang tiwala. Ang katapatan. Commitment required one's honesty.

At least sa parte niya, naging matapat siya rito.

Si Harold?

No, he kept something from her.

Nang unang beses niyang itanong ang tungkol sa posibleng dahilan ng kawalan nito ng sigla noon, ni hindi man lang siya inimikan ng nobyo. Na para bang mabilis lamang nitong nalimot ang pangako nila sa isa't isa. Na para bang balewala lamang siya rito.

The past few days, Harold acted like she never existed. In his life. It hurt her to the core. Nasanay siya sa presensya nito. Sa concern na ipinapakita nito. Sa pagmamahal na ipinapadama nito sa kanya. Sa murang edad, nakita ni Louise kay Harold ang pagiging committed nito. Ang maturity nito sa pag-handle ng kanilang relasyon.

O baka naman masyado niyang pinapaniwala ang sarili sa maling akala. Paano kung nagkamali siya ng pagkakilala sa nobyo? Paano kung hindi pala mabilang ang mga bagay na inililihim nito sa kanya?

That what she had just recently uncovered, the fact that he was still seeing his ex-girlfriend, was just the surface of even nastier secrets?

Hindi nga ba kamukat-mukat, nalaman niyang may komunikasyon pa ito sa ex-girlfriend nito? Na isang text lang ni Danielle, tila sinilihan ang puwit nitong kinatagpo ang dating nobya? Ano'ng matibay na rason ang pwedeng ibigay sa kanya ng lalaki kung bakit kailangan nitong ilihim ang pakikipagtagpo kay Danielle?

Wala.

Maliban na lang kung sa simula pa lang, pinlano na ng nobyo na ilihim sa kanya ang bagay na 'yun. And if that's the truth, hindi niya alam kung paano haharapin iyon.

"Louise!"

Mula sa malalim na pag-iisip, umangat ang mukha niya sa tawag na iyon. Upang salubungin ang seryosong mukha ni Danielle.

Tinangka niyang ignorahin ang babae ngunit paglagpas niya'y agad nitong hinaklit ang braso niya.

"Mag-usap tayo, please." Nakikiusap na sabi nito.

She could not face her at this time. Si Harold ang gusto niyang kausapin. Hindi niya pwedeng direktang itanong dito ang relasyon nito kay Harold. Baka lalo itong maghinala sa sekretong ugnayan nila ng nobyo. Baka lalo lamang nilang mailagay ang isa't isa sa alanganing sitwasyon. Na maaring maglugmok sa kanila sa mas malalim na predikamento.

Louise stood facing Harold's ex, she was somewhat stonefaced.

"Hindi mo pwedeng balewalain ang sasabihin ko, Louise." Mula sa kaninang malumanay na tinig, nagkaroon ang kombiksiyon ang bawat katagang binitiwan ng babae. Wala pa man itong sinasabi ngunit nangungusap na ang mga mata nito. Louise could glean the urgency in Danielle's aura. Nababanaag dito ang otoridad.

Tumango siya.

Maybe it was abot time they talk. Pakikinggan niya ang sasabihin nito at kung tama ang kutob niya sa ipinupunto ng babae, gagamitin na niya ang pagkakataon para linawin mula rito ang maraming bagay na gumugulo sa kanyang utak.

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon