Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 15: Compliment or Insult?

53 3 0
                                        

Max pov

Pare-pareho yata kameng badtrip last night. Kaya kinabukasan pare-parehong hindi maipinta ang mukha namin.

"What's with the face guys?" Kunot ang noo pero nakangiting tanong samen ni Sheena.

Nandito kame sa dinning area ng bahay nila para mag-almusal. Dito na kameng lahat natulog. Dahil sina Sheena, Sab at Donna lang yata ang walang tama kagabe.

Sa alak at dancefloor kasi namin ibinuhos ang pagkaasar namin sa mga lalakeng yon. Except of Ryzza na nag-enjoy lang talaga.

"Ang aga-aga nakasimangot kayo?" Donna na naglalagay ng mga plato sa mesa.

"Oo nga eh. Dapat early in the morning nakangiti tayo. Para maganda ang maging araw natin." Sab na tumulong sa mga maids na maghain ng pagkaen.

"Pano magiging maganda ang umaga ko kung sinira ng lalakeng yon ang gabi ko ha?" Bea.

"Hay... Ako wala akong problema. Masakit lang ang ulo ko dahil sa hang-over." Ryzza.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na uminom ka ng marame kagabe?" Sheena.

"Wala lang. Dinamayan ko lang itong tatlo." Sabay nguso ni Ryzza sameng tatlo nina bea at kylie.

"Wow ah. Idahilan mo pa kame. Ang sabihin mo nag-enjoy kayo nung partner mo." Kylie said na hinihimas-himas ang sintido nya. Hangover din yan.

"Well, nag-enjoy talaga ko. Ang saya nyang ka-jamming." Ryzza.

"Ikaw na nag-enjoy." Sabay-sabay naming sabi nina Kylie at Bea ng nakasimangot.

"Haha! Kayo talaga. Malay nyo naman pang-front lang nila yung pagsusuplado at pang-iisnob nila sainyo diba?" Sheena.

"Mabuti nga sana kung inisnab nalang ako ng feelingero na yon eh." Bea sabay tusok sa ham na nasa harapan nya.

"Sana nagkapalit nalang sila ng ugali ng Joel na yon." Kylie na ang pinag-initan naman ay ang hotdogs.

"Seriously? Wag nyo na ngang isipin yon." Natatawang sabi ni Donna.

"At wag nyong ibunton sa pagkain yang inis nyo. Sige kayo masisira ang diet nyo nyan." Sab.

"Okay lang mag-gigym nalang kame." Ang sunny side up naman ang nilantakan ko.

"Kayong bahala. By the way, Max. May photo shoot ka mamaya. Dadaanan kanalang ng Van sa condo nyo. Kaya umuwi ka dun after breakfast para makapag-prepare ka." Sheena.

"Wait. Tuloy yung photo shoot ko today? Akala ko ba cancelled yon? Kaya nga ako nagpuyat kagabi eh." Kunot ang noong tanong ko.

"Nagbago ang schedule nila eh. Tinawagan nila ko kanina lang. Sabi nila Gabriel Bayan re-schedule the photo shoot." Sheena.

"What?!? Kasama natin sya kagabi ah. Bakit wala man lang syang sinabi?" Di makapaniwalang react ko. Any minute sasabog na ko sa inis.

"Baka napag-tripan nya lang na ituloy ngayon." Ryzza.

"Your not helping, Ry. Ginagatungan mo pa ang inis ni Max eh." Sheena.

"Hehe... Sige na nga. Tatahimik nalang ako. Takot ko lang na ikaw ang magalit. Ang sarap nitong pandesal ha." Ryzza.

Imbes na sumabog ako sa inis sa Gab na yon. Natawa nalang ako.

"Im not going to let him ruin my day. Humanda sya mamaya. Dahil sisigiraduhin ko na sya ang uuwing badtrip." Nakangising sabi ko.

"Wow! Pwedeng sumama?" Kylie.

"No, Kylie. May schedule ka sa derma ngayon. And then magsusukat ka ng mga gown para dun sa wedding collection. Besides hindi naman kasama ni Gab mamaya si Kenneth kaya wala kang gagawin don." Sheena.

My "KIND" of bae.Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon