Chapter 78: Tagu-taguan

14 1 0
                                        

*****

         "Haha! Sasabi-sabihin mo yon kay Joel. Tapos magtatago ka ngayon?" Ryzza teasingly said to Bea ng mahalata nila ang ilang araw ng pag-iwas nito kay Joel. Kaya naman sinabi nito sakanila ang nasabi sa binata.

        "And imagine. You say that in front of all of them?" Hindi makapaniwalang sabi naman ni Max.

      "I can't imagine kung ano ang naging reaksyon ni Joel." Natatawang sabi ni Sab.

      "Ugh! Your not helping guys. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko, at nasabi ko yon." Namomoblemang sabi ni Bea. "Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin ngayon. Nakakahiya!" Isinubsob nya ang mukha sa throwpillow sa frustration.

       "Just face him naturally?" Patanong na-suggest ni Kylie.

       "Oo nga. Act as if wala kang nasabe." Donna.

       "Sana ginawa ko na kung ganun lang kadali. But, I can't eh." Bea.

       "B, just face him and admit that you already like him too." Sheena said na abala sa pag-aayos ng mga gamit nya.

       "Tama! It's about time para mag-aminan na kayong dalawa noh." Ryzza.

        "At magsisimula yon sa pagharap mo sakanya." Sheena.

       "Take our advice, B. Stop that hide and seek thing." Max.

        "Do it now. Papunta sya dito sa office ko ngayon." Sheena said kaya agad na natarantang tumayo si Bea.

       "What?!? He's coming? Waahhh!!! I can't face him!" Saka nagmamadaling nagtago sa likod ng malaking sofa si Bea.

      "B!" Sabay-sabay na tawag sakanya ng mga nagulat na kasama.

      "Haha! Seriously? Nasaan yung matapang na Bea na kilala namin?" Donna.

       "Naduduwag ka ngayon because of Joel?" Sab.

       "Magtago talaga, B?" Natatawang sabi ni Kylie.

       "Just shut up, guys." Pabulong pero madiing sabi ni Bea.

       "Hahaha! I can't believe this. Lumabas ka na dyan. Im just kidding. Hindi naman pupunta dito si Joel." Hindi na napigilang tumawa ni Sheena.

        "Sheena!!!" Bea exclaimed ng marealize na niloloko lang sya nito. "Stop laughing!" Pinandilatan nya ang mga kasamang pinagtatawanan sya.

       "Your so cute, B." Max.

       "Tse! Makaalis na nga. Pinagtitripan nyo lang ako dito eh." Naiinis na dinampot nito ang bag na nasa couch saka nagmartsa palabas ng opisina ni Sheena. Pero nanlaki ang mga mata nya at nahigit nya ang hininga ng bumukas ang pintuan at bumungad doon si Joel.

       "Ops! Huli ka." Pabulong na sabi ni Ryzza.

       "Pasensya na Sheena kung hindi muna ako kumatok."  Apologetic na sabi ni Joel.

      "It's okay." Nakangiting sabi naman ni Sheena.

      "Sheena!" Bumaling si Bea dito at tinignan ito ng masama ng makabawi.

       "What?!? Hindi ko naman alam na pupunta sya dito eh. I was just really joking a while ago." Depensa ni Sheena sa sarili.

       "Ahm... Totoo yon. Inutusan kase ako ni Tommy na sunduin si Sheena dito. Nasa parking na sya." Joel explained.

      "I see. Bakit nya pa ko pinasundo sayo? Kaya ko na naman tong dala ko eh. Dapat tinext nya nalang ako na nandoon na sya." Sheena.

      "Actually, I volunteer? Since may ipinadaan pa sakanya si Rex sa office nito. Ahm... Let's go? Ako na ang magdadala nyang bag mo." Joel.

My "KIND" of bae.Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon