Chapter 30: Theraphy

29 2 0
                                    

Miggy pov

           Nakatayo ako sa labas ng theraphy room ni Ryzza. At dahil salamin ang ding-ding nakikita ko sila mula sa waiting area.

        Nakikita ko na napapangiwi  sya sa tuwing susubukan nyang humakbang. Kaya kapag napapatingin sya saken, ngingitian ko sya saka ako sumesenyas na kaya nya yon. Gumaganti naman sya ng ngiti saka nya sinusubukang humakbang.

      Nang matapos ang theraphy pinapasok na ko sa loob.

       "Nainip ka ba sa paghihintay? Sabi ko naman sayo pwede mo na kong iwan eh. Mag-papasundo nalang ako kay Sheena." Tuloy-tuloy na sabi nya. Magpipinsan nga sila pareho silang madadaldal tulad na din ng mga kaibigan nila.

         "Ano ka ba! Wala naman akong sinabing nainip ako ah. Nag-enjoy pa nga ako eh." Natatawa kong sabi sakanya.

       "Ah, ganun? Nag-enjoy ka na nahihirapan ako ha!" Hinampas nya ko ng pabiro sa braso.

      "Hindi ah. Ang cute mo kase kapag ngumingiwi ka." Asar ko sakanya.

      "Ang sama mo! Pasalamat ka injured ako." Ryzza.

      "Thank you." Nakangiti kong sabi.

       "At nag-thank ka pa talaga ha." Ryzza."Tara na nga sa labas"

       "Binibiro lang kita. Alam mo na, to lighten your mood. Napagod ka ba sa theraphy mo?" Inalalayan ko syang makaupo sa labas, sa waiting area.
          
       "Medyo. Tsaka medyo makirot parin kase. Pero sabi ng doktor ko. Dapat daw igalaw-galaw ko na para wag manigas ang muscle sa paa ko. Salamat talaga sa pagsama mo saken dito ha." Ryzza.

       "Wala yon. Partner tayo diba?" Sagot ko sakanya.

       "Tsk! Sayang nga lang hindi na tayo nakasale sa competition. Kasalanan ng Chari na yon eh. Dapat sumali ka nalang at naghanap ng ibang partner." Biglang lumungkot ang mukha nya.

     "Ano ka ba! Wag mo ng isipin yon. Sumali ako don na ikaw ang partner. Kaya kung wala ka hindi nalang din ako sasale. Kulang na rin naman sa preparation kapag humanap ako ng ibang partner. Makakasali pa naman tayo sa ibang competition eh. Ang isipin mo ang paggaling mo. Cheer up! Okay?" With killer smile parin ako sakanya.

      "Thanks talaga ha. For cheering me up na rin. At dahil dyan treat nalang kita sa labas." Ryzza.

     "Wow! Gusto ko yan ah. Tamang-tama gutom na ko. At forsure gutom ka na rin." Inalalayan ko na syang tumayo.

      Buti nalang naghihintay parin samen yung driver at van nila. Kaya hindi kame nahirapang mag-abang pa ng taxi.

       "Wow! Favorite mo din ang resto na to?" Di makapaniwalang tanong ni Ryzza ng makapasok na kame sa isang resto sa may makati.

       "Dito kame madalas kumaen nila Gab." Inalalayan ko syang maupo saka ako sumenyas sa waiter.

       "Dito ko din madalas yayaing kumaen sila Sheena. Anong favorite mo dito?" Ryzza.

     "Siyempre yung kare-kare at steak nila." Sagot ko.

     "Pareho din tayo!" Tuwang-tuwang sabi ni Ryzza. Para talaga syang bata minsan.

      "Talaga? Steak? Hindi ka ba nag-dadiet?" Tanong ko sa kanya.

     "Hindi ah. Pwede namang bawiin sa gym eh." Ryzza.

      "Edi, ayun nalang ang orderin natin." Sabi ko.

     "Sige!" Sang-ayon naman nya.

      "Okay. Waiter, ayon nalang ang order namin. Salamat." Baling ko sa waiter.

      "How about dessert and drinks, Mam, Sir?" Tanong ng waiter.

      "Mango juice and leche flan!" Magkasabay naming sagot ni Ryzza. Kaya nagkatinginan kame at sabay na natawa.

      "Wow! Mukhang compliment kayo for each other, Mam, Sir. Your order will be ready after 30 minutes po." Waiter.

     "Okay. Salamat." Sabi ko sa waiter. Pagkaalis nito humarap ulit ako kay Ryzza.

      "Akalain mo yon pareho tayo ng favorite orderin dito?" Di makapaniwalang sabi ko.

     "Hehe... Oo nga eh." Medyo nag-iwas sya ng tingin saken.

      "Hear that? Bagay daw tayo? Lokong waiter yon ah." Pabiro kong sabi sakanya.
   
      "Hindi nya sinabing bagay tayo." Nakita kong lalong namula ang mukha nya.

       "Ganun na rin yon. Iba lang ang term na ginamit nya." Nangingiti paring sabi ko.

       "Kaylangan ko palang itext si Sheena." Kinalkal nya ang bag nya at ng makuha nya ang phone nya nakayuko syang nagtype ng message dito.

         Ang cute nya. Nahihiya sya.

         Pagdating ng order namin, tahimik kameng kumaen.

         Pareho nga kase naming paborito yung pagkaen.

         Pero gumagawa ako ng conversation namin kahit papano.

         "Ikaw lang yata ang babaeng nakasama ko sa pagkaen na walang pakealam kahit ilang order ng kanin ang maubos." Amuse na sabi ko habang tinitignan ko sya habang sinasalin nya ang pangatlong cup ng kanin sa plato nya.

        "Usually one cup lang talaga ko. Pero kapag gutom ako nakakalima ko. Wag mong pagkakalat na matakaw ako ha." Nakapout na sabi nya.

       "Haha!" Di ko napigilang tumawa sa itsura nya. Ang cute nyang mag-pout.

     "Kita mo toh! Pinagtawanan pa ko. Hindi na ko ulit sayo sasamang kumaen." Naka-pout parin ang ngusong sabi nya.

      "Wag kang mag-alala. Safe saken ang sekreto mo. Mamaya hindi ka na ulit sumabay saken sa pagkaen eh." Pinigilan ko na ang tawa ko. Baka mapikon na sya eh.

        "Tse! Pinagtatawanan mo ko eh." Ryzza.

       "Hindi ah. Nakakatuwa lang na magana kang kumaen." Palusot ko.

        "Kunwari ka pa! Pasalamat ka sinamahan mo ko sa theraphy." Ryzza.

      "Salamat." Sabi ko sabay ngiti sakanya.

      "Ano ba! Ako dapat ang magpasalamat di ba?" Ryzza.

     "Kumaen ka na baka maubusan kita. Sige ka." Sabay subo ko ng pagkaen.

        "Psh! Tumigil ka na nga sa kakangiti mo!" Ryzza.

       "Bakit naiinlove ka na ba sa ngiti ko?" Pabiro konh sabi at nakita ko na namang namula ang mukha nya."Biro lang! Baka mapikon ka na saken ha."

        "Dont worry hindi ako pikon. Pasalamat ka talaga injured ang paa ko. Kaya hindi kita mahamon ng showdown." Ryzza.

      "Kaya magpagaling ka na. Dont worry din sasamahan kita sa theraphy mo hanggang gumaling ka." Sabi ko sa pagitan ng pagnguya.

       "Ha? Seriously?!? No need. Naabala na nga kita ngayon eh." Shock na react nya.

      "Seryoso ko. At hindi ka abala wag kang mag-alala, promise." Sabay kindat ko sakanya.

     "Ewan ko sayo." Inirapan nya naman ako.

       Natawa nalang ako.

      Pagkatapos naming kumaen inihatid ko na sya sa bahay nila dahil kaylangan nya ng magpahinga. Inihatid naman  ako ng van sa agency.

        Napapangiti parin ako habang naglalakad papunta sa studio namin.

        Akala ko dati masungit sya at palaban.

      May pagkachildish at cute din pala sya.

A.M: Nakakainspire ang smile ni Miggy!

    Vote and comment! Thanks.

   Josahannbercasio.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon