Chapter 24: The Fall

30 2 1
                                    

Ryzza

          "You mean Kim is really there?!?" Di makapaniwalang tanong ni Kylie.

       "Oo nga. Paulit-ulit tayo girl? Kaya nga he is the one who save me di ba? From that holdaper i guess." Donna.

      "I told you! Dapat nagpasama ka sa mga crew ng bar." Sheena.

     "Ano ka ba, She! (Pronounce as in She na gender) Kung may kasama sya, e, di hindi mag-aalala si Kim. Hindi nya susundan si Donna at hindi nya malalaman na gusto sya ni Kim." Singgit ko sa usapan nila.

     "Eh, panu kung hindi sya sinundan ni Kim? E,di  napahamak na sya!" Sheena.

    "Relax. Im okay lang naman di ba?" Pagpapakalma ni Donna dito.

    "More than okay actually. Eeee!!! Imagine inamin nya na he like you!" Kinikilig naman na react ni Max.

      "So, papayag ka ba na ligawan ka nya?" Tanong ni Sab.

     "Infairness good catch sya. My instant bodyguard ka na." Nakangising sabi ko kay Sab.

     "Actually, i like him din naman. Kaya lang pag-iisipan ko muna." Donna.

    "Tama yan. Pag-isipan mo muna. Dont be rush." Sheena."Ry, tama na yang pagpapasexy mo. Baka malate ka sa rehearsal nyo ni Miggy. Wait! Bago yung rehearsal may pictorial kayo para sa contest. Kaya yung dress na binili ko ang suotin mo." Baling saken ni Sheena.

      "Okay." Binitiwan ko na ang dambell. "Max, make-upan moko ha." Sabi ko sakanya bago ako pumasok ng kwarto ko para maligo.

      We are here sa bahay dahil trip nila.

     "Uyyyy!!! Magpapaganda sya para kay Miggy." Tukso saken ni Kylie.

     "Shut up! Itulad mo pa ko sayo na nagpapaganda para kay Earl." I said to her bago ko isinara ang pinto.

    "Aaahh!!! Dont call him with his second name! Ako lang may karapatan na tawagin sya sa pangalang yon!" Narinig kong maktol nya mula sa labas.

     "Feeling mo naman pag-aari mo na sya. Nililigawan mo palang sya ui!" I heard Bea's voice na inaasar lalo si Kylie.

     Napailing nalang ako. Kapag nagsama-sama talaga kame hindi mawawala ang asaran at tuksuhan.

      Medyo napasarap ang babad ko sa bathtub kaya ang busangot na mukha ni Max ang nabungaran ko paglabas ko ng banyo.

    "I just want to let you know na may lakad din ako. At malelate ako sa appointment ko kung magtatagal pa tayo." Nakapamewang na talak nya saken.

     "Hehe... Sorry naman couz. Napasarap ang babad ko sa tub eh. Ayusan mo nalang muna ako saka ako magbibihis." I said to her habang naka-peace sign.

     "Tsk! Kung hindi ko lang kayo love eh." Naka-pout na sabi nya habang hinahanda ang make up kit.

    "And i love you too, couz!" Pasweet na sabi ko sakanya saka ako naupo sa harapan ng salamin.

     "Okay. I'll makesure na mapapanganga sayo si Papa Miggy." Nakangiting sabi nya.

    "Whatever, Max!" I rolled my eyes at tinawanan nya lang ako.

     "Nauna na silang umalis. Ang tagal mo kasing maligo." Max said habang inaayusan ako.

     "Sorry na.... Alam ko naman na miss mo na si Gab Bayan eh." Tukso ko sakanya. Na dapat ko yatang pagsisihan."Ouch!" Idiin ba yung browliner sa kilay ko?

    "Dont mention that jerk name. Kung wala lang akong contract sa company nila hindi na ko sisipot sa pictorial." Inis na sabi ni Max.

     "Haha! Relax! Init ng ulo? Masakit yun, couz ha." Nakapout na reklamo ko sakanya.

    "Now you know when to keep your mouth shut." Max.

    "Oo na." Nanahimik nalang ako. Mahirap na baka madagukan pa ko.

      Maya-maya lang tapos nya na kong ayusan.

     "Ayan tapos na. Get dress na. Bilisan mo ha. I'll drop you sa location nyo bago ako pumunta sa pictorial ko rin." Max.

     "Okay lang. Mag-tataxi nalang ako, couz." I said to her habang nagbibihis.

    "No! Gusto mong maghysterical na naman si Sheena kapag nalaman nya na hinayaan lang kita na mag-taxi?" Max.

     "Yeah. Our OC cousin." Ako.

     "She is just over protective to us." Max.

    "Yeah. Kaya nga confident ang parents natin na kayang-kaya tayong i-manage ni She." Nagsusuot na ko ng stilleto."Why?" Tanong ko ng makita ko na nakakunot ang noo nya habang nakatingin saken.

   "Hindi kaya parang masyadong mataas ang suot mong stilleto?" Max.

    "It's okay. Para ma-intimidate saken yung mga kalaban ko sa competition. Im done! Let's go." Aya ko sakanya. Saka ko kinuha ang purse ko.

    "Infairness maiintimidate talaga sila sa ayos mo." Nakangising sabi ni Max.

   "Naman! It runs in our genes couz." Inakbayan ko sya at inakay na palabas ng kwarto ko.

     Wala na nga yung iba. Umalis na kame at gaya ng sinabi nya ibinaba nya lang ako saka nya pinasibad ang kotse nya. Paniguradong magsasalpukan na naman sila ng topak ni Gab.

       Taas noo akong pumasok sa loob ng building. Sa first floor lang ang kwarto kung saan kame magpipictorial para sa contest. And Miggy texted me na nasa loob na sya.

     Pagbukas ko ng pinto bumungad saken ang mga crew, director, photographer at ang mga makakalaban namin sa contest and of course  si Miggy.

    Na, Oh My Dazzling with awesomeness kagwapuhan sa suot nyang three piece suit.

    Natulala ako and i fall.

    I fall literally dahil may bumangga saken mula sa likuran ko. Dahil sa taas ng heels ko hindi ko nabalance ang sarili ko. Natapilok ang paa ko at bumagsak ako sa sahig.

    Narinig kong napasinghap ang mga tao sa paligid.

      "Ops! Sorry! Bakit ka kase nakaharang sa daan?" Napatingin ako sa nakabangga saken. And its Chari ang mahaderang insecurang babae na isa sa makakalaban ko.

    "Ry! Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong saken ni Miggy. Nakalapit na pala sya saken pati ang direktor ng show.

     "Oo. Ayos lang ako." Ngumiti ako to assure them.

     "Miggy, alalayan mo syang tumayo." Utos ni Direk.

     "Opo. Wala bang masakit sayo?" Tanong nya saken habang tinutulungan nya kong tumayo.

    "Wala naman. Ok- Aray! Ang saket!" Daing ko ng maramdaman ko ang kirot sa paa ko.

   "Ry! Direk, mukhang napilayan ang paa nya." Miggy.

    "Oh my! Paano yan direk? Baka matanggal sya sa competition." Sabi ng mahadera.

    "Dream on! Hindi mangyayare yon!" Asik ko sakanya. Kung maldita sya di ko sya uurungan.

     "Mabuti pa dalhin mo sya sa clinic para matignan ang paa nya." Sabi ni direk kay Miggy.

    "Sige po, direk." Sagot ni Miggy dito."Let's go, Ry. Makakalakad ko ba? O, bubuhatin nalang kita?" Tanong ni Miggy saken.

     "No! Kaya kong maglakad." Maagap kong sabi sakanya. Nakakahiya magugusot pa ang damit nya dahil saken. Pero paghakbang ko..."Ouch! Sobrang saket!" Mangiyak-ngiyak ako sa sakit ng paa ko.

     "Bubuhatin na kita." Hindi na ko nakapalag ng buhatin ako ni Miggy. "Direk, saan po ang clinic?"

     Infairness ang lakas nya ha.

    "Sasamahan ka ng crew. Samahan nyo sila. Ako ng bahalang tumawag sa manager nyo." Sabi ni direk.

    "Okay direk." Bago kame makalayo nakita ko pa ang nakangising mukha ni Chari.

    Remind me to punch her in the face kapag okay na ko. And im hoping na maging okay nga ako.

A.N: Vote and comment please!....

          Josahannbercasio.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon