Chapter 66: Lunch out

5 0 0
                                    

*****

        "Seriously, Rai?!? You let Sheena be with Tommy para lang makapanligaw ka kay Miggy?" Nakapamewang na tanong ni Max kay Ryzza. Hinila nya sina Sheena at Ryzza papunta ng restroom ng restaurant na kinainan nila after knowing what happened.

       "Wow ah. Sana kinongratulate mo muna ako di ba?" Sarcastic na sabi ni Ryzza. "Trops no more! Kame na ni Miggy." Biglang hyper na sigaw nito.

       "See? Sabi ko naman sayo, kayang-kaya mong i-unfriendzone ang status nyo ni Miggy eh. Congrats, couz!" Masayang niyakap ito ni Sheena.

       "Thanks, couz!" Ryzza.

       "Im happy for you, Rai. But you shouldn't let Sheena be with Tommy." Nakukunsuming sabi ni Max.

      "Max, chill okay? Wag kang mag-alala. Okay lang naman ako eh. My heart is in good condition." Sheena.

      "Until when? You know naman na prevention is better than cure di ba? And we both know na you should avoid being near with Tommy." Worried na sabi ni Max sa mga pinsan.

       "Alam mo Max, ang overprotective mo kay Sheena." Ryzza.

      "It's because of her condition. And we both know na si Tommy ang nag-trigger ng pagbalik ng sakit nya sa puso. Thats why Tommy is not good for her." Max.

      "Nandun na tayo. Pero unfair kay Tommy. Kase wala naman syang idea sa epekto nya sa puso ni Sheena di ba? Kaya magtataka sya kung iiwasan sya ni Sheena. Unless we let him know the reason." Ryzza.

      "No way!" Palag agad ni Sheena sa sinabi ng pinsan. "Para ko na ring inamin na gusto ko sya noh."

      "Well, come to think of it. May point si Rai." Max.

      "What?!? Anong pinag-sasabi nyong dalawa?" Hindi makapaniwalang react ni Sheena.

       "Pakinggan mo muna kame okay? Atleast kung alam na ni Tommy yung reason hindi na sya magiging pafall di ba?" Max.

     "Tama! Magiging cautious sya sa pakikitungo sayo. Knowing na very fragile ang kalagayan ng puso mo di ba?" Ryzza.

      "He doesn't have to know. What if malaman nya tapos maawa sya saken di ba? Ayokong kaawaan ako. And besides okay na naman ang puso ko eh. I can control my emotion when Tommy is around. Kaya wag na kayong mag-alala, okay?" Sheena.

      "Are you sure you can handle your emotion when Tommy is around?" Naninigurong tanong ni Max kay Sheena.

     "Oo nga. Paano kung tumibok ng mabilis yang puso mo?" Ryzza.

      "Wow ha. Sana naisip mo yan kanina nung hinayaan mo syang makasama si Tommy."  Pagtataray na naman ni Max kay Ryzza.

      "Sorry na couz. Forgive na please???" Naglalambing na niyakap ni Ryzza si Max ganun din si Sheena.

     "I forgive you na dont worry. Tsaka masaya ko for you and Miggy." Nakangiti at sincere na sabi dito ni Sheena.

     "Eeee!!! Thanks, She." Masayang sabi ni Ryzza saka hinigpitan pa ang yakap kay Sheena.

      "Sige na nga. Congratulations." Nakangiti ng sabi ni Max kay Ryzza.

     "Ayan! Thank you mga couz. I cant wait to tell the others about it." Excited na sabi ni Ryzza saka kumalas sa pagkakayakap sa dalawa.

      "Well, for now bumalik muna tayo doon. Baka hinahanap na nila tayo." Sheena.

      "Oo nga. Baka akalain nila naflush na tayo sa toilet. Kase ang tagal na natin dito." Ryzza.

      "Fine. Baka maparanoid na naman si Mr. Sungit." Max rolled her eyes while saying that.

      "Haha! Are you referring to Gab?" Natatawang tanong ni Ryzza habang palabas sila ng restroom pabalik sa table nila.

      "Meron pa bang iba,couz? Eh, sya lang naman ang masungit sa mga baes noh." Max.

     "Sandali nga. Kayo na ba?" Sheena.

      "Oo nga. Hindi pa kayo umaamin na kayo na. Pero kung umasta kayo, parang kayo na." Ryzza.

     "What you see is what you get mga couz." Max.

     "Oh my! So, kayo na nga ni Gab?" Ryzza.

      "As in?" Napasinghap din na tanong ni Sheena.

      "Obvious na naman di ba?" Max.

      "Aaahhh!!! Congrats, couz!" Duet nina Sheena at Ryzza na napalakas kaya pinagtinginan tuloy sila ng mga tao sa resto including the baes.

      "Ssshhh... Ang ingay natin." Sheena.

      "Eeee!!!! We have to celebrate later." Ryzza.

      "Oo na. Shut up. Nandito na tayo." Bulong ni Max sa dalawa.

     "Are you okay? Bakit ang tagal nyo?" Tanong ni Tommy kay Sheena.

     "Ha? Ahm... Yeah. Okay lang naman ako. Pasensya na medyo natagalan kame." Alanganin ang ngiting sagot ni Sheena.

      "We already pay the bills. Lets go?" Aya ni Gab sakanila.

      "Ahm... Nakakahiya naman. Mag-sheshare kame sa bayad." Sheena.

     "Ayos lang yan. Boyfriend naman ni Max si Gab kaya okay lang na sya ang magbayad ng bill." Ryzza.

     "Will you lower your voice, Rai. People might hear you." Pinandilatan ng mata ni Max si Ryzza na napatakip naman sa bibig.

     "Ow! Sarreh naman couz. Maybe you want your relationship private?" Ryzza.

      "Whatever, Rai! Lets just get out of here." Inirapan ng nagbablush na si Max ang pinsan saka nauna ng lumabas ng restaurant. Sinundan naman ito kaagad ni Gab.

       "Haha! Nagbablush sya oh." Ryzza.

     "Ikaw talaga, Rai. Halika na nga. Kaylangan ko ng bumalik ng office." Sheena.

      "Gusto mo ipag-drive ulit kita?" Tommy asked habang naglalakad sila palabas.

      "Ui! Nawili ka naman maging driver ni Sheena. Pero ako din trops pwede mo akong maging driver/bodyguard." Sabi naman ni Miggy kay Ryzza.

      "Trops? Di ba tayo na? Dapat iba na ang tawagan natin." Ryzza.

      "Sabagay. Ano bang gusto mo? Honey? babe?  Sweetheart?" Napapaisip na tanong ni Miggy habang nakaakbay kay Ryzza.

      "Hmmm... Gusto ko kakaiba. Wait. Mag-iisip ako." Ryzza.

      "Ayos yung dalawa ha. Parang kaylan lang tropzone lang sila." Kenneth.

      "Oo nga eh. Akalain mo yon? Naunahan pa tayo ni Miggy na magka-girlfriend." Joel.

     "Galingan mo kase ang panliligaw mo kay Bea. Para sagutin ka nya." Tommy.

      "Psh! Mag-move on ka muna sa ex mo." Balik pang-aasar ni Joel.

      "Haha! Boom basag!" Tumatawang sabi ni Kenneth.

     "Lokong tong ah." Naiiling nalang na sabi ni Tommy. "Ahm... Sheena, ipagmamaneho na kita."

      "Thanks but no thanks, Tommy. May dadaanan pa kase ako bago bumalik sa office eh. Kaya mauna na ko sainyo ha." Sheena.

     "Ganun ba? Sige. Ingat ka." Tommy.

     "Salamat. Kayo din ingat kayo. Bye!" Nginitian din ni Sheena sina Kenneth at Joel saka sumakay na sa kotse nya. "Hay.... Hindi parin talaga sya nakakamove on sa ex nya. Infairness medyo may ouch sya ha. Pero keri lang. Tolerable naman sya. Kaya mo yan, Sheena." Nakahawak sa may bandang puso nya na napabuga sya ng hangin saka nagmaneho paalis sa lugar na yon.

A.N: Vote, comment and share. Thanks!

     Josahannbercasio.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon