Chapter 57: Bonding sa pool.

14 1 1
                                    

         "That was rude, Max." Sab.

         "Oo nga. Bakit mo naman sinabi yon kay Tommy." Bea.

          Inirapan ni Max ang dalawa nag-aalmusal sila sa may terrace ng resthouse that morning ng mapag-usapan nila ang nangyari last night.

       "Im just telling the truth. Kaya anong mali don? Totoo naman na nakakasama sya kay Sheena. Kaya dapat lang na lumayo sya kay Sheena." Max.

      "Hay naku! Kasalanan ni Gab pinainit nya kase ang ulo ni Max kagabe." Ryzza na namamapak ng bacon.

      "Rai! That's too much fat. Ang diet mo." Saway ni Sheena dito.

       "Couz, we are on vacation. Wala munang diet noh." Ryzza.

      "Hay.... Bahala ka. Basta makesure na mag-gigym ka pagbalik natin sa Manila ha." Sheena.

      "Aye, aye, couz." Ryzza. Ipinagpatuloy nito ang pamamapak sa bacon.

      "Paano kapag nagtaka sila Tommy sa sinabi mo,Max?" Kylie.

      "Edi magtaka sya." Max.

      "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya kapag nagkita kame. Siguradong magtatanong sya about that." Sheena.

     "Dont worry about that. Hindi ka na nga makikipagkita sa kanya di ba? Layuan mo sya because he is not good for your heart." Max.

   "That's impossible couz. Nasa iisang lugar tayo ngayon. Kapitbahay lang natin sila oh." Donna.

      "We'll make it possible." Max.

       "Wow lang ha. Ang tigas mo ha. Lq ba kayo ni Gab?" Bea.

      "Tsk! Im just worrying about, Sheena. Kagabi naabutan ko sya na naninikip ang dibdib nya habang kausap nya si Tommy." Max.

      "Ano bang nangyari? Okay ka lang ba?" Tanong ni Sab kay Sheena.

     "Ayos lang ako. Kase naman tong puso ko hindi ko mapigilan eh. Ang bilis ng tibok sinabi lang naman ni tommy na namimiss nya kong makasabay sa elevator eh." Nagbablush na kwento sakanila ni Sheena.

       "Oh my! Namimiss ka nya?" Kinikilig na react ni Kylie.

       "Grabe naman ang effect ni Tommy sa puso mo." Donna.

       "See? Just the mere sight of him tumitibok na ng mabilis ang puso nya. Which is bad for her." Max.

     "Anong sasabihin natin sakanila? Forsure magtataka sila." Ryzza.

     "Basta Tommy is bad for sheena. Kaya wag nyong hayaan na lapitan nya si Sheena that's it." Max.

    Nagkatinginan nalang ang magpipinsan.

      Nag-stay sila sa pool area ng resthouse pagkatapos nilang mag-almusal. Kanya-kanya sila ng way ng pagrerelax.

       Sina Max, Ryzza, at Bea ay nag-sasun bathing. Habang nagbabasa naman ng libro sina Sheena at sab. At naghaharutan sa pool sina Donna at Kylie.

      "Aaahhh!!! Kai naman eh! Wag mo nga akong sabuyan ng tubig! Nagflofloating ako eh." Donna.

      "Haha! Magsalbabida ka baka lumubog ka. Ang liit mo kase eh." Pang-aasar ni Kylie kay Donna.

     "Ah, ganun ha." Sumisid si Donna saka hinila ang paa ni Kylie mula sa ilalim.

     "Ahhhhh!!!!! Donna! Humanda ka saken!" Sigaw ni Kylie saka hinabol si Donna.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon