Chapter 34: Courting Kakaibabe

24 2 0
                                    

"Aaaahhhhhh!!!!!!" Nagising si Sheena sa maingay na tili ng mga pinsan at kaibigan nya. Kaya halos pikit pa na bumangon sya.

"Ano ba... Ang aga-aga kung makatili kayo wagas...." Inaantok na dinaganan nya sa sofa si Ryzza.

"Couz! Ano ka ba! Wag mo nga akong daganan! Yung paa ko." Pilit na tinutulak ni Ryzza si Sheena patayo pero lalo lang itong nagpabigat. "Sheena!"

"Wag kang magulo.... Inaantok pa ko eh..... Tsaka pabor naman sayo na daganan ko yang paa mo eh. Kase mas matagal ka pang masasamahan ni Miggy sa theraphy mo." Pikit pading sabi ni Sheena.

"Haha! I agree on you, She." Max.

"Tse! Tanghali na tulog parin yang diwa mo, She. Mukhang nag-enjoy ka sa party ah." Nagba-blush na bawi ni Ryzza.

"Change topic? Pero infairness mukhang nag-enjoy nga si She sa party. Kaya napuyat sya kase hanggang sa panaginip kasama nya si Tommy." Nakangising sabi Kylie.

Nanlaki naman ang mata ni Sheena sa narinig.

"P-Paano nyo nalamang kasama ko sya?" Sheena.

"We saw the pictures. And infairness ha. You two are both stunning last night." Sab.

"Oo nga. You look good together!" Kinikilig pang sabi ni Bea.

"Anong pictures yon?" Nagtatakang tanong ni Sheena.

"Hindi mo alam? You're face is all over the internet." Donna.

"Yeah. With a caption.... "The Manager's Bae." Medyo exagge pang sabi ni Kylie.

With that mabilis na napabalik si Sheena sa kwarto nya. Kasunod nun ay narinig nila ang malakas na sigaw nito.


"No way!!!!!" Sheena.

"Haha! Alam na." Bea.

"Nakita na nya." Ryzza.

"Bakit hindi nyo agad sinabi saken? Humanda saken ang nagkalat ng mga pictures na toh!" Lumabas ng kwarto nya si Sheena dala ang laptop dito.

"Actually, kaya nga kame nandito early this morning dahil nakita namin yung pictures nyo ni Tommy noh." Max.

"Kaya nga. Hindi mo sinabi samen na kasama mo pala sa party si Tommy ha." Sab.

"Siguro kayo na noh?" Donna.

"Ofcourse not!" Mabilis na palag ni Sheena."Nagkataon lang na representative sya ng uncle nya noh. Pareho kameng walang kilala don. Kaya sinamahan nya nalang ako." Sheena.

"I see. Akala namin nag-usap kayo. Kase you both wearing white." Bea.

"Sobrang coincidence ha. Pero baka sign na yan di ba?" Kylie.

"Sign na ano?" Sheena.

"Na meant to be kayo ni Tommy." Max.

Saka sabay-sabay na tumili ang mga ito kaya napatakip sa tenga nya si Sheena.

"Tumigil nga kayo! Ang ingay nyo!" Sheena.

"Kj? Attracted ka rin naman kay Tommy di ba?" Ryzza.

"At walang masama kung susubukan mo." Max.

"I dont think so." Napaiwas ng tingin na sabi ni Sheena.

"She, alam namin takot ka lang mag-took ng risk." Donna. Lumapit sya at niyakap si Sheena.

"Tama. Pero walang mangyayari kung di mo susubukan." Sab.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon