Chapter 65: How to un-friendzone.

3 0 0
                                    

****

"Ang gwapo ni Miggy noh? Ang galing pang sumayaw." Sheena.

"Oo nga eh. Ang sarap nyang panooring sumayaw." Nakasalumbabang sabi ni Ryzza habang pinapanood nila sa isang tv guesting ang mga bae.

"Haha! Inlove na inlove?" Hindi napigilang tumawa ni Sheena sa itsura at sinabi ng pinsan.

"Ito naman makatawa wagas. Tsaka inlove na inlove agad, couz? Hindi pwedeng crush lang muna?" Ryzza.

"Wow ha. Crush talaga? Pabebe couz? At tsaka ayan nga oh, yang mata mo naghuhugis puso habang pinapanood mo si Miggy." Sheena.

"Shhh... Wag ka ngang maingay, couz. Baka may makarinig sayo. Malaman pa ni trops Miggy." Saway ni Ryzza dito.

"Asus! Ayan eh, friendzone. Why we are even here. Dapat nandoon tayo sa mall show ni Donna eh." Sheena.

"Nandoon naman si Sab at Kylie to support her eh. Tsaka you are here din naman to support Tommy di ba?" Nanunuksong sabi ni Ryzza.

"Ofcourse not! Im here kase nagpasama ka saken. Remember?" Sheena.

"Sabi ko nga eh." Napasimangot na sabi ni Ryzza. "Napakasupportive mo talaga pinsan. Thanks ha." Sarcastic sabi nya pa dito.

"Haha! Hay naku, couz. If you really like him, i-unfriendzone mo na kase ang status nyo noh." Sheena.

"Paano ko naman gagawin yon? Eh, hindi naman sya nanliligaw saken." Ryzza rolled her eyes to her cousin. "Alangan namang ako ang manligaw sakanya."

"Why not? Kaya mo naman yon di ba?" Sheena.

"Seriously, Sheena?!?" Hindi nakapaniwalang react ni Ryzza sa sinabi ng pinsan.

"Shhh... Wag ka ngang maingay. Nakakahiya, baka may makarinig sayo." Sheena said sa kontrol na boses.

"Ikaw kase eh. Ayan tapos na ang performance nila. Puntahan natin sila sa backstage, dali!" Excited na hinila ni Ryzza ang pinsan.

"What?!? Rai! Ano ka ba. Nakakahiya." Wala ng nagawa si Sheena sa panghihila ng pinsan.

Sakto namang papunta ng dressing room ang mga bae's nang makalabas sila sa studio.

"Hey! Sheena and Ryzza is here." Si Jon ang unang nakakita sa dalawa.

"Ui, trops! Napanood mo yung performance namin kanina?" Tuwang-tuwang lumapit si Miggy kay Ryzza.

"Oo, trops. Ang galing mo nga eh. I mean ninyong lahat. Ang galing nyo guys." Ryzza.

"Hi, Sheena." Bati ni Tommy sa dalaga.

"H-Hi." Nahihiyang bati din ni Sheena. "Ahm.... May pinuntahan kame ni Ryzza dito. Kaya dumaan na kame para panoorin kayo. Pero paalis na kame. Bye, guys. Ang galing nyo kanina. Let's go, Rai." Tuloy-tuloy na sabi ni Sheena saka hinila na sa braso si Ryzza.

"Ha? Couz, sandali naman." Sinadya naman ni Ryzza na magpabigat para hindi sya mahila ni Sheena.

"Aalis na kayo? Sumabay na kayo samen." Kenneth.

"Oo nga naman, trops. Kung gusto nyo pwede rin kayong sumabay na saming maglunch." Miggy.

"Ha? Ahm...." Hesitant na nag-iisip si Sheena ng alibi.

"Tama. Sumabay na kayo sameng mag-lunch." Nakangiting sabi ni Tommy.

"Mabuti pa nga. Papunta na rin si Max doon sa restaurant." Gab.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon