*****
"Hello?.... Rai! Where are you?" Tanong agad ni Sheena ng sagutin nito ang tawag nya.
"Im here na sa taping." Ryzza.
"Taping? You mean yung taping ng newest telenovela na gagawin mo?" Kunot noong tanong ni Sheena sa pinsang kausap sa phone.
"Yeah. Ikaw pa nga ang nag-ayos sa schedule ko di ba?" Nagtataka namang sabi ni Ryzza.
"Oo nga pala. Pasensya na nawala sa isip ko." Nasapo nalang ni Sheena ang noo ng maalala ito.
"Bakit parang aligaga ka dyan? May problema ba?" Ryzza asked.
"I have a problem. Sa tingin mo aabot si Kylie at Max before evening?" Sheena.
"I dont think so. Hapon pa ang flight nila pabalik dito sa Manila. Eh, sa island pa sila mangagaling di ba? Anu bang problema?" Ryzza.
"Nawala sa isip ko na Um-oo pala ko dun sa bridal collection fashion mamaya. Eh, may gig sina Sab at Donna mamaya. Si Bea naman may out of town taping din dun sa travel show. Ikaw nalang sana ang pag-asa ko. Pero mukhang hindi ka rin aabot." Problemadong nagpalakad-lakad sa opisina nya si Sheena habang kausap sa phone ang pinsan.
"Naku, mukhang malabo nga akong umabot, couz. Nakadepende sa mga eksenang kukuhanan yung oras ng pack-up eh." Ryzza.
"Its okay. Magconcentrate ka nalang dyan. Kakausapin ko nalang yung organizer ng event. Mag-sosorry nalang ako." No choice na sabi ni Sheena.
"Well, wala ka namang magagawa. Unless magvolunteer ka na ikaw nalang. Na alam kong hindi mo naman gagawin. Wait! Sasalang na ko couz. I have to go, bye!" Nagmamadaling paalam ni Ryzza then nawala na sa linya.
"Bye." Walang ganang sabi nalang ni Sheena kahit binabaan na ng kausap. "Bakit ngayon pa sila sabay-sabay na naging busy. At bakit ba kase nawala sa isip ko yung bridal collection event na yon eh." Namomoblema parin na naupo sya sa swivel chair nya.
And she decided to personally talk to the event organizer. Para sabihing busy lahat ang mga talent nila. Kaya wala syang maisasali sa nasabing fashion show.
*****
"Trops, akala namin nakamove on ka na? Eh, anong ginagawa natin sa event na to?" Salubong ang kilay na tanong ni Miggy kay Tommy.
"Mga trops, nandito tayo para suportahan si Julie. Hindi man sya natuloy na maging miyembro natin, naging kaibigan rin naman natin sya before di ba?" Tommy.
"Sabi nga namin eh. And besides wala naman tayong gagawin." Joel.
"Yeah. Might as well enjoy the show." Jon.
"Himala wala kayo sa gig ng mga girlfriend nyo." Miggy.
"Well, exclusive for those businessmen kase yung gig nila tonight sa hotel. Kaya hindi kame pwedeng bumuntot sakanila." Kim.
"Aw! Hands off pala muna kayo. Eh, ikaw Miggy bakit hindi ka bumuntot sa taping ni Ryzza?" Joel.
"Ayoko namang isipin nya na masyado akong clingy noh. Kaya distansya din minsan." Miggy.
"Ang sabihin mo pamiss ka lang." Natatawang biro dito ni Tommy.
"Parang ganun na rin nga." Miggy.
"Haha! Aminado." Kim.
"Atleast di ba?" Miggy.
"Yeah right. Wait, is that Sheena?" Kunot-noong turo ni Jon sa may direksyon ng stage kung saan kausap si Sheena ng organizer ng nasabing event. Kaya napalingon rin ang mga katabi nito sa upuan na mga Bae.
BINABASA MO ANG
My "KIND" of bae.
FanfictionHere's another fan-fiction story. Eeeeh!!!! I love Eat Bulaga's That's my Bae. And i decided na baguhin ang draft na nasimulan ko. Instead na si Tommy lang, pagsasamahin ko nalang silang lahat sa isang story. At sana mabigyan ko ng justice ang pagg...