Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 59: Pandesal

17 0 0
                                        

******

The vacation is overrr!!!

Kaya balik na ulit silang lahat sa everyday hectic routine nila.

"Rai, hindi ka maihahatid sa location ng mall show mo today kase walang available na driver at van. Sorry." Apologetic na sabi ni Sheena sa pinsan.

"It's okay couz. Sasabay nalang ako kay Max." Rai.

"Kanina pa nakaalis si Max. Hindi mo ba alam?" Sheena.

"Wha?!? Eh, paano ako pupunta sa mall show?" Ryzza.

"Dont worry i call a back up. Actually he volunteer. And he is waiting for you sa parking lot. Kaya pumunta ka na don. Sa basement A." Nakangiting sabi ni Sheena sa problemadong pinsan.

"Wait! Teka lang ha. Whats with that smile ha?" Nag-dududang tanong ni Ryzza.

"What? It's nothing. Sige na. Umalis ka na baka mainip yung maghahatid sayo sa mall show mo." Pagtataboy ni Sheena sa pinsan.

"Fine! See you later. Wag kang magpapagod masyado ha." Bilin ni Ryzza sa pinsan saka nagbeso dito.

"Opo. Ingat! And update me ha." Bilin din ni Sheena dito.

"I will. Bye!" Ryzza.

"Bye!" Nangingiting hinarap ulit ni Sheena ang mga papeles na dapat nyang asikasuhin ng makaalis ang pinsan.



Samantala sa parking lot ng building, hindi inaasahan ni Ryzza kung sino ang naghihintay sakanya.

"Oh-em-gee! May papandesal si mayor." Hindi napigilang bulalas ni Ryzza ng makita nya palang mula sa malayo ang lalaking naghihintay sakanya.

"Ui! Hi, Trops! Nandyan ka na pala." Bati ni Miggy ng makita ang papalapit na si Ryzza.

"Wait lang ha. Alam ko may pandesal ka trops ah. Pero kaylangan talagang i-display? Kaylangan nakabukas ang damit? Ganun?" React ni Ryzza ng makalapit na sa kinaroroonan ng binata.

"Ah. Pasensya ka na trops ha. Nilinis ko kase tong kotse habang hinihintay kita. Kaya nainitan ako. Kaya binuksan ko muna tong damit ko." Katwiran ni Miggy habang isa-isang sinasara ang butones ng polo nya.

"Ayos lang trops. Anu ka ba! Enjoy naman ako eh. I mean mukhang enjoy ka naman eh. Ahm... Bakit nga pala nag-volunteer ka na ihatid ako? Wala ba kayong schedule ngayon?" Pag-iiba ni Ryzza sa usapan.

"Wala trops. Wala kameng schedule ngayon. Kaya nung narinig ko na namomoblema si Sheena, kung sino ang maghahatid sayo. Nag-volunteer na ko. Ano? Tara na? Baka ma-late ka sa mall show mo." Miggy na pinagbuksan ng pinto ng kotse si Ryzza.

"Wow! May pabukas-bukas ka pa ng pinto trops ha." Ryzza habang pumapasok sa sasakyan.

"Siyempre naman. Ikaw yan trops eh." Umikot si Miggy saka sumakay na rin ng sasakyan. "Ahm... Trops, wag mong kalimutan ang seatbelt mo ha. Alam mo naman i cared for you eh." Hininaan ng binata ang huling sinabi nya.

"Ha? Anu yung huli mong sinabi? Hindi ko masyadong narinig eh." Ryzza.

"Ah. Wala yon! Wag mo nalang intindihin yon. Alis na tayo ha." Nag-iwas ng tingin si Miggy saka inumpisahan ng paandarin ang kotse.

Hindi nya nakita ang nangingiting si Ryzza. "Akala nya naman hindi ko narinig yung sinabi nya. Narinig ko kaya. Eeee!!! He cared for me!" Kinikilig na sabi nalang ng dalaga sa isip nya.

My "KIND" of bae.Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon