Chapter 68: Reverse

4 0 0
                                    

*****

           "Anong nangyayare?  Anong pinag-kakaguluhan nila?" Kunot ang noong tanong ni Bea ng dumating sya sa wushu class nya na may pinag-kakaguluhan ang mga kasama.

         "Si Joel kase ka-isparing ni coach. At infairness, magaling na sya ha." Sagot ng isang babaeng classmate nya sa wushu.

       "Ang hot nya. Infairness." Kinikilig na sabi pa ng isa.

       "Lalo ngang dumami ang may crush sakanya dito sa class natin eh. Hindi lang daw pala sya sa sayaw magaling." Sabi pa ng isa.

     "Plus pogi points pa na mabait sya at down to earth." Todo ngiting sabi pa ng isa while looking at Joel dreamily.

      "Gentleman pa!" Pahabol na sabay-sabay na sabi ng mga ito kaya nagkatawanan.

       Hindi nila napansin ang pag-iiba ng timpla ng mood ni Bea. Iniwan nito ang mga kaklase saka nagpunta ng locker room para magpalit ng damit.

      And during the whole time ng wushu training nila, nagsasalubong ang mga kilay ng dalaga sa tuwing nakikita si Joel na masayang  nakikipag-usap at biruan sa mga kaklase nila.

       "Hey! Water?" Nakangiting alok ni Joel sa dalagang hindi maipinta ang mukha.

      "Thanks but no thanks. May dala kong tubig." Mataray na response ni Bea sa binata.

     
      "Aw. Okay. Sige kila tammy ko nalang to ibibigay." Joel said and he is about to leave ng....

      "Wag! Sandale!" Pigil ni Bea sa binata.

     "Huh? Bakit? Di ba sabi mo may tubig ka na?" Pigil ang ngiting tanong ni Joel sa dalaga.

     "Kulang saken to. Akin na yan." Inilahad ni Bea ang kamay.

      "Okay. Sayo nalang to." Iniabot ni Joel ang bottled water kay Bea.

       "Thanks." Nakairap na sabi ni Bea pagkakuha nya ng bottled water sa binata para mapagtakpan ang hiya.

       "Joel! Sasabay ka ba samin nila Sasha?" Tanong ni Tammy sa binata.

      "Si--

        Hindi na natuloy ni Joel ang sagot kay Tammy ng unahan syang magsalita ni Bea.

        "Sasabay sya saken." Bea said na nag-iwas ng tingin sa medyo nabigla ring si Joel.

       "Ow. Ganun ba. S-Sige. Mauna na kame sainyong umalis." Alanganin ang ngiting sabi nalang ni Tammy ng makabawi. "Bye, Joel."  Kumaway ito kay Joel

       "Bye! Tammy. Ingat kayo." Nakangiting kumaway din si Joel sa dalaga.

      "Kunin mo na ang mga gamit mo. Nasa parking lot na si Manong Jerry." Agaw ni Bea sa atensyon nito.

       "Ah. Sige. Gusto mo ako na rin ang kumuha ng mga gamit mo sa locker?" Joel.

      "No! Ako na. Yung gamit mo nalang ang intindihin mo." Bea.

       "Okay. See you in a bit." Ngiting-ngiti na tumakbo si Joel paalis papunta sa locker room ng boys.

      Habang ang naiwang si Bea....

      "Haist! Ano ba B! Bakit hindi mo mapigilan ang sarili mo." Kastigo nya sa sarili nya bago nagpunta na rin sa locker room nya.

          Sabay ngang bumalik sa building ng talent agency ang dalawa.

       And during the whole time... Ngiting-ngiti si Joel. Ngiting tagumpay. Habang todo iwas naman si Bea na magkatitigan sila ng binata.

*******

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon