Chapter 74: Kinikilig, Continuation

5 0 0
                                    


*****

      "Ui! Hindi ka ba hahanapin ni Direk?" Tanong ni Kenneth ng makitang sumunod si Kylie sakanya sa loob ng elevator.

     "Naka-break naman kame eh. Sagutin mo yung tanong ko. Nag-seselos ka ba kay Al?" Tanong ni Kylie sa binata.

     "Sinagot ko na yang tanong na yan di ba? Hindi ako nagseselos. Bukod sa alam ko naman na nagtatrabaho lang kayo. Trabaho lang to." Kenneth.

     "Eh, bakit ganyan ang itsura mo?" Kylie asked na nakatitig sa mukha ng binata.

    "Anu bang problema sa itsura ko?" Kunot ang noong tanong ni Kenneth.

     "You looked frustrated or something?" Kibit balikat na sabi ni Kylie.

      Napahinga ng malalim si Kenneth saka tinitigan sa mga mata si Kylie. Then he said, "Sorry...."

      "Bakit ka nagso-sorry?" Naguguluhang tanong ni Kylie.

      "Sorry.... Kase dapat hindi ko to nararamdaman. Kase, bukod sa alam ko namang katrabaho mo lang sya, wala din naman akong karapatang magselos. Dahil hindi naman tayo." Kenneth said saka nag-iwas ng tingin sa dalaga.

     "Aw. So, nagseselos ka nga?" Pigil ang ngiting tanong ni Kylie.

     "Sinabi ko na di ba?" Napapakamot sa batok na sabi ni Kenneth.

     "Eeee!!! What if, bigyan kita ng karapatang magselos?" Hindi na napigilan ni Kylie ang kilig. Kaya ngiting-ngiting tinanong nya ng ganun si Kenneth

      "Sigurado ka na bibigyan mo ko ng karapatang magselos? Ibig sabihin papayag ka na maging tayo na?" Si Kenneth naman ang nagpipigil ng kilig.

     "O-Oo? Pero di ba priority mo muna ang mga pangarap mo?" Kylie.

     "Oo. Pero narealize ko na... pwede ko naman sigurong isabay sa pag-abot ng mga pangarap ko yung pakikipag-relasyon sayo eh. Kesa naman maagaw ka ng iba saken." Kenneth.

     "Aaaaa!!!!" Kinikilig na napayakap si Kylie sa binata. "Ibig sabihin payag ka na talaga na maging tayo?" Naniniguradong tanong nya pa sa binata.

     "O-Oo. Tayo na." Napapangiting sagot naman ni Kenneth.

     "Eeeee!!!! Sabi ko na hindi mo rin ako matitiis eh. You made me so happy, Kenneth!" Nakayakap parin sa binata na sabi ni Kylie.

     "The feeling is mutual. Teka! Baka hanapin ka na ni Direk." Kenneth.

     "Ihatid mo ko pabalik don." Naglalambing na reguest ni Kylie.

     "Sige na nga. Itetext ko nalang si Rex na mahuhuli ako ng konti. Tara." Aya ni Kenneth sa dalaga.

       "Yehey!" Napalakpak naman sa tuwa si Kylie saka kumapit sa braso ng binata.

*****

       "Rex!" Tawag ni Bea sa manager ng mga bae's na papasok na sana dance studio ng mga ito.

      "Oh! Bea, may kaylangan ka?" Rex asked na napahinto.

      "May itatanong lang sana ko sayo." Bea.

      "Shoot. Anu ba yon?" Rex.

      "Ahm.... Anu kase..." Hesitant na simula ni Bea.

      "C'mon, dont hesitate. Tell me." Nakangiting sabi ni Rex.

     "Wag kang mag-isip ng kung ano ha. Gusto ko lang itanong. Kung, totoong magkakaroon na ng kalove team ang mga alaga mo?" Bea.

     "Specifically, Joel?" Nanunuksong tanong ni Rex sa dalaga.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon