Chapter 20: Cry baby?

28 3 1
                                    


Bea

          Gusto kong magtanong.

         Kung bakit sya nasa lugar na to.

      Kung paano nya nalaman na nandun ako sa lugar na yon.

      Pero nanahimik nalang muna ako.  Dahil bukod sa di ako makapaniwala na naiwan ako sa liblib na lugar na yon. Of all people sya pa ang tutulong saken na makaalis sa lugar na yon.

       Gusto ko din sana syang batukan. Dahil ang bilis nyang magpatakbo ng motor nya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Kumapit nalang ako ng mahigpit sa bewang nya para hindi ako mahulog.

     Saka ko na lang sya haharapin about that. Ang importante sa ngayon makakauwi na ko.

     

Someone's pov

          Napapangiti ako habang nag-dadrive.

         Ang higpit ng kapit nya sa bewang ko.

         At himala hindi yata sya  nag-susungit ngayon.

         Buti nalang nagdala ko ng extrang helmet.

       Buti nalang sumama ako sa mga tropa ko na mag-ride ngayon.

      Buti nalang nakasalubong ko ang van ng mga staff na kasama nya. Kaya nalaman ko na naiwan sya dito. Kaya ako nagprisinta na ako na ang bhalang sumundo sakanya.

      Kaya kasama ko na sya ngayon. At nakayakap pa saken habang angkas ko sya sa bigbike ko.
      

Sheena

           "She, calm down. Papunta na doon ang driver para hanapin si B." Pagpapakalma saken ni Ryzza.

       "K-Kasalanan ko eh... Dapat sinamahan ko nalang sya doon. Dapat hindi ako pumayag na pumunta sya don ng walang kasamang driver." I said habang umiiyak. I felt guilty. Tumawag kasi yung staff na kasama sa photoshoot nya kanina. Sabi nila hindi daw nila napansin na wala pala sa van si Bea ng umalis sila. Ang masaklap gabi na. Bukod sa liblib yung lugar na yon. Malayo pa ang terminal ng bus doon.

     "It's not your fault. Matigas ang ulo nya. Bakit ba kase naisipan nyang mag-commute noh." Kylie.

    "Knowing B, gusto nya lang ng adventure. Kaya siguro napagtripan nyang mag-commute." Sab.

    "Ang mahirap pa mukhang nag-enjoy sya sa nature tripping kaya sya naiwan." Donna.

    "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak sya!!!!!! Bea!!!!" Atungal ko padin. Wala akong pakealam kahit pinagtitinginan ako ng mga empleyado sa building namen.

     "My gosh, She! Wa poise ka na oh. Stop crying. Bea, will be fine." Max.

    "Oo nga. Knowing B. Di yon mapapahamak noh." Ryzza.

    "Tama. Kaya tahan ka na." Sab.

     "Kasi naman naguguilty ako. Kanina nagpapasundo sya saken hindi ko sya sinundo." Di ko padin mapigilan ang luha ko. Sana lang talaga walang mangyari kay Bea.

     "I guess you need this." Napa-angat ako ng tingin sa nagsalita sa harapan ko. And i saw tommy na nakangiting inaabot saken ang isang puting panyo.

     Nakakahiya nakita nya kong umaatungal ng iyak dito.

     "Ei! Get the hanky na. Gusto mo bang sya pa magpunas ng luha mo, She?" Bulong saken ni Max.
    
     Mabilis ko tuloy na kinuha ang panyo mula kay Tommy.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon