Chapter 62: Diskarte ala cutie bae.

10 0 0
                                    

******

        "Trops Joel, sigurado ka ba talaga dyan sa pinapasok mo?" Tanong ni Miggy sa nag-aayos ng gamit na si Joel.

      "Oo naman trops noh. Wala ng atsaran to." Sagot ni Joel na ipinagpatuloy lang ang ginagawa.

      "Handa ka na ba sa sakit ng katawan na mararamdaman mo?" Kenneth.

      "Yeah. Wushu is not as easy as you think." Jon.

       "Right. Lalo na hindi ka naman sanay." Slang na sabi naman ni Kim.

      "Wala ba kayong tiwala sa kakayahan ko mga trops? Makikita nyo, bibilib si Bea sakin sa gagawin ko." Kumpyansa sa sarili na sabi ni Joel.

      "Haha! Bahala ka. Mukhang hindi ka naman namin mapipigilan eh." Tommy.

      "Hindi talaga." Joel.

       "Basta hindi kama nagkulang ng paalala sayo ha." Gab.

       "Trust me on this mga trops. Paano, alis na ko ha." Paalam ni Joel sa mga kasama.

       "Goodluck." Sabay-sabay na sabi ng mga ito na ikina-iling nalang ng binata.

          At desidido ngang nagpunta si Joel sa wushu class. Kung saan nag-enroll sya. Dahil nandoon lang naman si Bea.

      Pero mapabilib nya nga kaya nga dalaga?

*******

         "Oh, master! Mukhang may mga bago kang estudyante ah." Bea na ready na sa training nya for that day.

       "Oo. Meron mga bagong nag-enrol. You know what to do after your warm up ha." Sabi sakanya nito.

      "Yes, master. Tutulong ako sa pag-train sa mga bago." Bea.

       "Good. Okay, let's all get ready. Let's start sa warm up. Ms. Bea will help me to show you what to do." Sabi ng master sa mga bago at dati ng mga estudyante nito.

       Natigilan naman si Bea ng mamukhaan ang isa sa mga baguhan.

       And during the whole time ng training hindi nya maiwasang mapatingin sa partikular na taong yon na mukhang hirap na hirap.

       Kaya naman hindi nya natiis na lapitan ito during the break.

       "Water?" Alok dito ni Bea hawak ang isang bottled water.

        "Salamat! Ang galing mo kanina ah. Walang kahirap-hirap mong nagagawa yung mga pinagagawa ni master." Kinuha ni Joel ang inaalok na tubig ng dalaga.

       "It's because, sanay na ko. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Tanong dito ng dalaga.

       "Gusto ko ring matuto." Joel.

       "But i can see that this is not your thing." Bea.

         "Bakit naman? I can do this." Joel.

         "Sabihin mo nga saken. Are you doing this dahil saken?" Bea.

        "Ha? Hindi ah! Gusto ko lang talagang matuto ng wushu. Ang astig eh." Joel said sa mukhang hindi naman kumbinsidong dalaga.

       "Talaga lang ha. Eh, mukhang hirap na hirap ka eh." Bea.

       "Siyempre beginner palang ako." Joel.

       "So, pangangatawan mo talaga to?" Nanghahamong tanong ni Bea.

       "Oo naman!" Palabang sagot naman ni Joel.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon