Chapter 47: Goodshot

22 2 0
                                    

Joel

        
        Mukhang isa-isa ng tinatamaan ang mga kaibigan ko ah.

     Si Kim at Jon, mukhang malapit ng sagutin nina Donna at Sab.

    Si Gab naman hindi na mapigilan ang sarili na mahulog kay Max.

     Si Kenneth, sooner or later baka sagutin na din ang persistent na manliligaw na si Kylie.

    Si Migs at Ryzza, friendzone kahit obvious naman na may gusto sila sa isat-isa.

       Si Tommy, naman mukhang hindi pa rin nakakamove on sa ex nya na nagbabalik. Sayang bagay sana sila ni Sheena.

     At ako? Ito badshot parin kay Bea.

     Napaka-amasona naman kase ng isang yun eh. Plus, hindi maganda ang first impression nya saken dahil sa nangyaring encounter namin sa bar na yon.

     But i guess, kaylangan ko ng kumilos.

     I have to do something to change her mind.

    Kaylangan kong patunayan sakanya na hindi talaga ako gaya ng iniisip nya.

    Or maybe i am. But it was before i meet her.

     It's so gay. Pero tinamaan talaga ko sa amasonang yon. And im gonna makesure na ako ang makakapagpalambot sakanya.

       I smiled at that thought.

      "Seriously, dude. Your smile looks creepy." Napalingon ako kay Kim na nakatingin pala saken.

       Kakatapos lang namin mag-rehearse. At kanya-kanya kameng pwesto habang  nakasamlampak sa floor.

      "What's with that creepy smile huh?" Jon.

       "Naku! May  binabalak kang masama kay Bea noh?" Miggy.

     "Ulol! Itulad mo pa ko sayo na idinadaan sa friendzone si Ryzza." I said sabay bato sakanya ng towel.

     "Yuck, bro! Amoy pawis!" Inihagis saken pabalik ni Miggy ang towel ko.

     "Haha. Ayan na naman kayo sa bromance nyo eh. Pero seriously Joel anung iniisip mo at napapangiti ka dyan?" Tommy.

    "Yuck! Bromance ka dyan, Tommy!" Napangiwing reklamo ko.

    "Ikaw pa ang choosy ha. Ang yummy ko kaya." Miggy said na nagpose pa. Kaya natawa nalang kameng lahat.

    "Tsk! Conceited. Im just thinking kung paanu magbabago ang impression saken ni Bea." Seryoso ng sabi ko.

     "Ah... Yung impression nya sayo na playboy ka at manyak? Haha!" Kenneth.

     "Whatever Kenneth. Alam nyo naman na lasing na lasing lang ako nung time na yon eh." Trip na naman ako ng mga mokong na to.

     "What's your plan?" Tanong ni Gab na as usual seryoso.

     "Siyempre magpapagoodshot muna ako sakanya." Nakahawak sa babang sagot ko.

     "How can you do that?" Kim.

     "Saken nalang yun. Abangan nyo nalang." Tumayo na ko para mag-shower.

    "Goodluck, dude!"  Pahabol na sigaw ni Jon.

     
       Hindi ko na sila nilingon dumiretso na ko sa locker namin kung saan may sarili kameng shower room.

      Pagkatapos kung magbihis lumabas na ko ng studio hindi na ko nagpaalam sakanila dahil siguradong aasarin na naman nila ko.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon