Chapter 56: Bad for her?

8 1 0
                                    

   
          "Huh? Saan sya pupunta? Bakit mag-isa lang sya?" Nagtatakang sinundan ni Tommy ang dalaga.

         Pero hanggang marating nya ang lugar kung saan nya nakita si Sheena ay hindi nya na ito nakita.

      "Saan na nagpunta yon? Baka namalikmata lang ako." Naiiling na maglalakad sana sya pabalik sa mga kasama ng maisip nya na bumalik nalang sa resthouse. "Mukha namang nag-eenjoy na sila. Itetext ko nalang siguro sila." Sabi ni Tommy sa sarili saka bumalik na sa resthouse.

         At dahil magkatabi lang anh resthouse nila at nila Sheena, malayo palang tanaw nya na ang dalaga na nakaupo sa labas ng gate ng resthouse ng mga ito.

       "Hi! Bakit ka nandito sa labas?" Tanong ni Tommy sa nakayukong dalaga pagkalapit nya dito.

      "T-Tommy!" Medyo gulat na napa-angat ng tingin si Sheena.

       "Malamig dito sa labas bakit nandito ka? Wait! Ikaw ba yung nakita ko kanina malapit don sa party?" Tommy.

      "Ha? Ahm... Nakita mo ko? Actually i was looking for them pero hindi ko sila nakita kaya bumalik nalang ako dito." Sheena.

      "I see. You are waiting for them kaya ka nandito sa labas?" Tommy.

     "O-Oo." Tipid na sagot ni Sheena.

     "Ahm... Okay lang ba na samahan kita?" Tommy.

     "Ha? Ahm...." Napaisip saglit si Sheena saka sinagot ang tanong ng binata. "O-Okay."

      "Good." Nakangiting naupo si Tommy sa tabi ng dalaga. "Ay, wait! Can i sit here?"

       "Oo naman. Nakaupo ka na eh." Natatawang sabi ni Sheena.

      "Late na ang tanong ko noh." Natatawa ring sabi ni Tommy.

      "Oo. Ahm... Bakit nauna ka ng umuwi sakanila?" Sheena.

      "Actually they are with your cousins. And.... mukhang nag-eenjoy na namam sila kaya nauna na kong umuwi. Hindi mo ba nakita si Max? Gab drag her somewhere eh." Tommy.

     "Si Gab? Hindi nyo naman sya kasamang umalis kanina di ba?" Nagtatakang tanong ni Sheena.

     "I texted him na may kasayaw na mga lalake si Max. Ayun nakita ko nalang salubong ang kilay na dumating. Then he drag Max palayo sa mga kasayaw nito." Kwento ni tommy.

     "It seems that he already likes Max. He is being possesive eh." Sheena.

     "Oo nga eh. Ngayon ko lang nakitang ganun si Gab. Si Max lang yata ang babaeng nagkaroon ng effect sa kanya." Tommy.

      "Ganun? Well, Max is something that's why." Sheena.

     "Yeah. Actually all of you have somthing." Tommy.

     "Anong klaseng something? Hindi naman something sa utak anoh?" Sheena joke.

      "Haha! Hindi naman. Well, i guess you have something that makes you different from some other girls." Tommy said then look at sheena nag-iwas naman ng tingin ang dalaga.

      "Wow! Thanks for the compliment." Sheena. Pero sa loob-loob nya.... Ano ba heart! Stop beating so fast! Kastigo nya sa puso nya.

       "Oo nga pala napansin ko nitong mga nakaraan you are missing in action." Tommy.

      "What do you mean missing in action?" Sheena.

       "I mean hindi na kita madalas na nakikita sa agency." Tommy.

      "Ah... Kase mas office naman kame sa bahay kaya kung hindi ako kaylangan sa office doon nalang ako nag-isstay." Sheena.

      "I see. Nasanay na kase siguro ako na lagi kitang nakakasalubong sa building. Kaya nanibago ako nung hindi na kita madalas makita. Nakakamiss makasabay ka sa elevator." Tommy said that makes Sheena heart skip a beat.

     "G-Ganun...." Napahawak si Sheena sa dibdib nya.

     "Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Tommy sa dalaga ng makita nya itong parang nahihirapan.

       "Ahm.... Ok- ."

       "Sheena!" Naputol ang sasabihin ni Sheena ng biglang dumating si Max. "What are you doing here outside? Malamig na ah." Salubong ang kilay na tanong nito kay Sheena. "Are you okay? Halika pumasok na tayo sa loob." Inalalayan nito patayo si Sheena.

      "Wait! Ahm... Anong problema?" Nagtatakang tanong ni Tommy.

     Hinarap naman ito ni Max. "Stay away from Sheena. You are bad for her."

      "Ha?" Lalong nagtaka si Tommy sa pagtataray sakanya ni Max napatingin ito kay Sheena.

     "Max, ano ba!" Sita nito sa pinsan. "Ahm... Tommy- ."

     "Let's go, Sheena." Hinila na ni Max papasok sa resthouse nila si Sheena kaya wala ng nagawa ang dalaga kundi bigyan nalang ng apologetic look si Tommy na nagtataka ang reaksyon ng mukha.

       "What happen?" Tanong ni Gab na nakatayo na pala sa likuran ni Tommy.

      "Did you pissed Max? Bakit sya galit?" Tommy ask pagkaharap nito kay Gab.

     "Anong sabi nya?" Gab.

     "She told me to stay away from Sheena. Sabi nya im bad for her." Tommy.

      "So, its about you not me. The question is why you are bad for Sheena. What happen ba bago dumating si Max." Gab.

     "Nothing. Nag-uusap lang kame ni Sheena tapos parang biglang sumama ang pakiramdam nya. Then ayon biglang dumating si Max. She seems mad at me." Tommy.

      
      "That's strange. Bakit kaya?" Gab.

      "Bakit umuwi na kayo? Nasan yung apat?" Tommy.

      "Tsk! Nag-eenjoy pa sila. Pumasok na din tayo sa loob." Nauna ng maglakad papunta sa resthouse ni Rex si Gab.

      "Your possesiveness ruin Max mood ano?" Tommy ask habang nakasunod kay Gab.

     "Tsk! Anong gusto nya hayaan ko syang makipagsayaw kung kani-kanino? Ayaw nya namang mapirmi lang na nakaupo kaya inaya ko na syang umuwi." Gab habang binubuksan ang pintuan dumiretso ito paakyat sa hagdan.

      "Seriously, Gab? Kayo na ba para higpitan mo ng ganyan si Max?" Tommy habang sinusundan ng tingin ang kaibigan.

    "She is the one who come after me first. She have to deal with it." Gab said saka tuluyang umakyat mg hagdan.

     Naiiling nalang na naupo sa couch sa living room si Tommy na napapaisip.

      Bakit yun nasabi ni Max?

      Why i am bad for Sheena?

      Is she okay? Bakit parang may masamang nararamdaman si Sheena kanina?

      Is she sick?

A.N: Isip pamore Tommy!

      Please vote and comment. Thanks!

     Josahannbercasio.

My "KIND" of bae.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon