5 months later..
Maine's POV
Rj cleared his schedule for this check-up. Ako naman I already file a leave, first month palang ng pagbubuntis ko. Yun din kasi ang gusto ni Rj, mas makabubuti raw samin ni baby kung nasa bahay lang kami. Mas OA pa nga sakin ang mokong eh, lalo na ngayon. Kung ako excited sa ultra sound ni little peanut. E, tayms payb pa ang excitement ng ama. Daig pa ang uod na winirikan ng asin, di mapermi sa isang tabi.
"Love, alam mo nakakahilo kana. Umupo ka nga muna. Para kang pusang di maihi e."
"Ang tagal naman kasi ni Doc, tss!tawagin ko na kaya ulit?"
"Naku, tumigil ka. Pang limang tawag mo na yan, ano ka ba?!nakakahiya na uy!"
"Fine."
Sa wakas, umupo na rin ito. Pero ako naman ang di mapakali, inaatake nanaman ako ng balik-balik sa c.r ko. Kailan lang, halos sa c.r na ako napermi dahil sa constipation.
"Love, c.r ulit tayo?"
"Luh!baka mapa anak kana nyan, pang 8 mo na yan ah?"
"E, sa naiihi ako eh. Alangan pigilan ko?O, gusto mo dito nalang. Tara saluhin mo."
"Hehe, Oo na. Tara na nga."
//
After namin mag C.R, sakto naman pagdating ni Doc.
Nagkaron ng kunting chika, kamustahan, on panel interview about sa mga changes na nangyayari sakin at samin ni little peanut. Until pinahiga na nya ako to start the ultra sound.
Pero nagulat kami ni Rj ng inangat ni Doc ang damit ko ay bigla namang sumipa si little peanut. Mas excited pa pala syang mameet kami. Buti nalang laging handa si Rj, he captured the moment.😊"Seems like happy din si baby na makita kayo. Hehe."
Sabi ni Doc, habang sinusukat ang tiyan ko.
"...😢"
"O, love anyare sayo?"
Pasinghot-singhot ang asawa ko habang pinagmamasdan ang pic sa phone nya.
"Ang cute ng paa nya, love. Parang paa ko lang, ang haba."
"Uhhh..lika nga?"
Yinakap ko sya. Ramdam ko ang tuwa nya. Sino ba naman ang hindi.
Habang nagdadrama kami ni Rj, Pinahiran ni Doc ng gel tiyan ko and put some aparatus on top of my tummy."Meng, Rj mas maiiyak pa kayo dito. Looked at your baby, she's so adorable."
Mesmerized na sabi ni Doc, sabay kaming napatingin ni Rj sa monitor.
BINABASA MO ANG
US, FINALLY...
Fanfiction"We're all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness-and call it love-true love." - Robert Fulghum, True Love