"....may sumpang dala ang kambal sa pamilya natin, nak."
"Ah? Sumpa?anong sumpa?!"
****
"Ma--" Natigilan si Daddy Bae sa tangkang pagsagot sa tanong ni Rj ng marinig nila ang malakas na sigaw ni Riza sa labas.
"Kuyaaaaaa!!!Dad!Laaa!!"
"Bakit Riza? Ba't namumutla ka? Anong nangyari?!" Sunod-sunod na tanong ni Rj dito.
Mas ramdam niya lalo ang tindi ng kabog sa dibdib niya ngayon."Si Ate Meng..*gulped, hard breath* si Ate Meng dinugo!"
"HAAAAH!!"
Sabay-sabay na reaksyon ng tatlo at saglit na nagkatinginan, bago kumaripas ng takbo si Rj papuntang cottage.
"No! Hindi ako naniniwala sa sumpa. Walang sumpa! Si God lang ang paniniwalaan ko. Si God lang."
[Rj's POV]
__________
"Meng!?Love!"
Nag-aalalang hinanap ng mga mata ko si Meng and I'm so schoked na makita siyang nanghihina na naka upo, habang umahagos ang dugo sa binti niya.
Hindi na ako nag-aksaya ng kahit isa pang segundo, binuhat ko agad ang asawa ko at sinakay sa kotse.
"Daddy sama po ako! Si Mommy ko po..😭"
Umiiyak na pagmamakaawa saakin ng panganay ko.
"Chum, I need to bring mommy to the hospital. Diyan kana muna kay yaya. Ya, paki padala gamit ni Meng sa hospital kila Daddy."
Mabilis na bilin ko kay Yaya Pak habang yakap at hinahalikan ang umiiyak na panganay ko. Alam kong na trauma ito dahil sa nangyari, pero nandiyan naman sila Nanay to calm her down. Mabilis kong pinaharurot ang kotse, para dalhin si Meng sa pinakamalapit na hospital.
"Love, kapit lang please..on the way na tayo sa hospital."
Nasabi ko habang hawak ang kamay niya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, habang tinitingnan ang maputlang itsura niya. Gulong-gulo ang isip ko.
"Lord, kayo na po ang bahala sa mag-iina ko.."
I am sobbing in tears habang nagmamaneho, pinipilit kong kalmahin ang sarili ko ng pisilin ni Maine ang mga kamay ko.
"Love..."
Mahina at may garalgal na boses nitong tawag saakin.
"Love, wag kang mag-alala papunta na tayo ng hospital. Hold on."
"Ang kambal mahal."
"They will be safe, love. You're gonna be safe, I'll promise. Wag kana munang magsalita, save your strength. Kapit lang ah? Mahal na mahal kita."
Tumango naman ito, and I kissed her. Pangpakalma.
"Mahal na mahal din kita.."
Lumuha na din ito habang isinandal ang ulo sa back rest. Kailangan kong maging matatag, para sa mag-iina ko. Be brave Rj, walang mangyayaring masama.
BINABASA MO ANG
US, FINALLY...
Fanfikce"We're all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness-and call it love-true love." - Robert Fulghum, True Love