Third | Twins + One

4.2K 191 30
                                    


[Maine's POV]

I feel so weak, gabato ang pawis ko. Dry na dry ang lalamunan ko. Nararamdaman ko ang sakit every 5mins. hoping na mabawasan na, after nila akong turukan ng gamot.

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng eyelids ko, parang gusto ko ng matulog. Pero hindi pwede, I want to hear first the cry of my twins, pati ang boses ni Rj. I need him. Natatakot ako, I want someone to hold me, at mga kamay niya lang ang gusto kong mahawakan ngayon.

"Rj...nasan kana? Love, dumating ka na please.."

Salita sa isip ko, na hindi ko maisatinig. I felt the tears rolling down on my cheeks, pero kahit na natatakot ako kailangan kong magpakatatag. For the twins.

Pero hindi lang pala ako ang naghihinagpis ngayon, meron pa palang isa sa kabilang higaan ang nakiki sabay sa sakit na nararamdaman ko.

"Mike, AAAARGGH!! Ang sakit...uhhh.."

"Coleen?!"

Mahinang sambit ko, habang dahan-dahang iginagalaw ang ulo ko sa gawing kanan, at hindi nga ako nagkamali. si Coleen nga at ang tarantang asawa na si Mike.

"Babe, kaya mo yan. Kunting tiis pa, mailalabas mo na ang anghel natin. Mahal na mahal kita."

Sabi nito sa nakangiwing asawa, sabay halik sa noo. Pero bigla akong napapikit ng maramdaman ko nanaman yung sakit.

"Aaah..Rj.."

This time, umiiyak na talaga ako. Bakit ba kasi ang tagal niya?!

"Sis? Meng?"

Tawag ni Coleen sakin, hilam ng mga luha ang mga mata kong tumingin sa kanya ulit.

"Sis?"

Nagkatinginan kami sa mata at parang nawala ang sakit nang napangiti ako bigla, halos parehas yata kami ng pagkaasim ng mukha ngayon.

"Pati sa panganganak, lakas natin maka sistersgoal!"

"Sira ka kasi, sino ba may sabing makisabay ka sa'kin?"

"Loka! Sa sobrang kaba ko sayo."

"Wag na kayong magsalita, kailangan nyo yan. Babe, nanjan na si Doc." Singit ni Mike sa usapan namin.

At mukhang mauuna pang manganak sa'akin si Coleen. Kinakabahan na ako, kanina pa nabasag ang water bag ko. Dapat nanganganak na ako ngayon, pero hindi.

"Coleen, pakatatag ka girl. Kaya mo yan.."

"Ikaw din, girl. Dalawa ang iluluwal mo. AAAHHHHHGGGHH!! THIS.IS.IT...NAAAAHHH!!"

Biglang sigaw ni Coleen, kasabay ng contraction ko din. Sunod-sunod na ang sakit na nararamdaman ko.

"Doc...asawa koooohhh? Asan..RJ!!!!AAAHHHHGGGHH!"

And after that scream, everything went black. Basta the last sound I heard was...

"Meng? Meng? Nandito na ako, mahal."

Finally, he's here.

***

[RJ]

After kung makausap sa phone si Yaya at si Chum, taranta na akong nagdrive mula sa airport papuntang hospital kung nasaan si Maine.
Sa St. Luke's daw siya dadalhin nila Mike at Coleen sabi ni Yaya. Pero naipit ako sa traffic.

"FUCK!!"

Di ko na napigilang mapamura, at masuntok ang manibela. Kung kailan nagmamadali ako tsaka pa...shit talaga!
Dali-dali kong tinawagan si Daddy, for back up. Maine need someone there.

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon