[Chumy]
Nasa nursery room po ako ngayon, with my 'lil bros: Sun and Moon. Ako po muna magbabantay dito sa twins kasi busy silang lahat. Si Yaya, doing household chores and nagluluto rin po ng dinner namin. Habang sila mommy at daddy? Ayun, nag-aadik na po sila......
....sa PokemonGo.
**
Habang busy nga po sila mommy at daddy maghanap ng pokemon sa labas ng bahay. I'm doing my homework po, sa art class ko. Kaya makalat ang mga crayons, water colors and pastels. At pati po 'yung twins makalat din po, ang gugulo din po nila.😭
"Ugh! Sun, wag mo pong kainin yan. It's crayons, hindi yan lolipop! And Moon, nooooo!! Wag yang drawings ko! Ughhh!!"
Dahil po naiinis na ako, kasi hangkulit na po ng twins. Tumayo ako at sinilip sila Daddy sa may bintana ng kwarto. At ayun, natanaw ko po sila. Magkaharap tapos seryosong nakatingin sa kanya-kanyang phone. Kaya tinawag ko po sila.
"Mommy, Daddy!!" Sigaw ko, pero ganun pa rin po sila. Seryoso, at hindi nila ako pinansin.😔
"Hay. Ang hirap magpalaki ng magulang..😞"
**
[Rj]
"Ako ang makakahuli sa kanya, love."
"Wag kang kampante, mahal. Pokemon ko yan."
Kasalukuyan kaming nagpapaunahan makahuli kay Piccachu sa labas ng bahay, nang tinawag kami ni Chum mula sa bintana ng nursery room. At dahil seryoso nga kami, di namin pinansin yung bata. Sorry nak, si Meng kasi ayaw patalo.
"Yes! Ako nakahuli!"
Tuwang-tuwa ako kasi finally, nasa level 5 na ako! Wooot!
"Ughh!! Kainis. Sa'kin dapat yun eh."
"Hehe. Sorry, mahal. I got picca."
Aasarin ko pa sana si Meng, nang tawagin ulit kami ni Chum.
"Daddy, Mommy!! Ang twins po!"
"O, narinig mo yun? Mga anak mo, Ricardo tawag ka."
"Luh! Anak ko lang? E, sino ba ang mommy? Sino ba dapat ang nag-aalaga ng baby?"
"Oo na! Urghh!! Wag kang makalapit-lapit sa'kin mamaya ah?!" Banta nito sa'kin, sabay walk-out at pumasok na sa loob. Kahit kelan talaga, pikon 'tong asawa ko eh.
One and a half hours later...
Pagkatapos kong makahuli pa ng isang rare pokemon sa may garden, nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay. Nakakapanibago lang kasi ang tahimik. Pati yung mga bagets, walang imik.
"Uhm, parang I smell trouble ah?"
Kaya, sinilip ko sila sa nursery. Magkakaharap yung tatlong magkakapatid, pero wala ang asawa ko. Pero pagpasok ko sa loob, nagulat yung tatlo kasabay ng pagkagulat ko sa itsura nila.
Punong-puno ang mga ito ng colored pastels at water color sa mukha at katawan."JUS.KO.PONG MAHABAGIN..MEEEEEEENG!!!" Sigaw ko, pero hindi sumagot si Meng.
"Letsugas! Charmelita, nak. Anong kumusyon 'to?!"
"Daddy, naglalaro lang po kami."
"Oo, nak. Pero kasi...juskopo talaga! Asan ang mommy nyo?"
"Nasa C.R po, may pokemon daw po kasi 'dun."
"Uggghh!!MEEEENNNGG!!"
"Yes, love--aray!!" Biglang sulpot nya sa likod, sabay ng pagkakauntog ng noo nito sa pinto. Naglalakad kasi, ang mata nasa phone. Yan ang napala.

BINABASA MO ANG
US, FINALLY...
Fanfic"We're all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness-and call it love-true love." - Robert Fulghum, True Love