Maine's POV
Puro bulaklak ang paligid, iba't-ibang uri, iba't-ibang kulay. May maliit, may malaki. Pinikit ko ang mga mata ko para damhin ang samyo ang mabangong amoy sa paligid. Nakakarelax, parang...parang hindi ako nanganak.
Anak?
Minulat kong muli ang mga mata ko ng maalala kong nanganak pala ako at dapat nasa hospital ako ngayon. Pero...
"Anong lugar 'to?nasaan ako?patay na ba ako?!"
Bigla kong nasambit ng tingnan ko ulit ang paligid, parang nasa paraiso na nga talaga ako. Mag pe-freak out na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"Maine.."
Tinig ng isang di pamilyar na boses mula sa likod ko. Bahagya akong umikot para tingnan kung kaninong boses iyon, pero isang babaeng naka upo sa bench na may blurd ang mukha ang nakita ko.
"Sino po kayo?nasaan po ako?bakit po ako nandito?"
Sunod-sunod kong tanong sa babae.
Kahit di ko maaninag ang mukha nya alam kung naka ngiti sya saakin. Mga ngiting nakita ko na kung saan pero hindi ko matandaan.
"Wag kang matakot, anak. Nanaginip ka lang. Hinatid ko lang ang apo ko, Meng. At dinalaw kita mula dito sa panaginip mo, para makausap ka at magkakilala tayo."
"Teyka po, naguguluhan po ako. Anak?sino po kayo?"
Tumayo sya at lumapit saakin, habang naglalakad sya papalapit unti-unti ko ng napipigura ang mukha nya. Suot nya ang kaparehas na damit sa larawan na nakita ko sa picture frame, sa bahay nila. Sa bahay nila Rj sa Laguna. At siya...siya ay...
"Mommy Rio?"
Tanong ko para makormperma ko na sya nga. Ngumiti ulit ito at hinawakan ang mga kamay ko.
"Oo, anak. Ako nga. Ako ang mommy ng asawa mo, kinagagalak kitang makilala, Meng. Matagal na kitang sinusubaybayan. Matagal ko na rin kayong pinagtatagpo ni Tisoy ko, at masaya ako na sa wakas natupad na rin ang misyon ko."
"Ma, a-ano pong ibig nyong sabihin?"
"Ako ang sanhi ng paglalapit ninyo ni Tisoy, Meng. Kayo ang misyon ko kaya nandito pa ako sa lupa at pagala-gala. Pero ngayong dumating na ang susi sa bagong yugto ng buhay pag-ibig ninyo, kailangan ko na ring bumalik kung saan ako nararapat."
"Teyka Ma, ang gulo. Di ko maprocess..a-anong susi?"
"Si Chamy, ang apo ko. Ang anak nyo ni Tisoy ang susi sa bago nyong buhay mag-asawa, hinatid ko lang sya papunta sainyo. At ngayon, kailangan ko ng bumalik. Pero bago yun.."
Yinakap ako ng mahigpit ni Mommy Rio. Kahit di ko makita ang mukha nya mula sa likod ko, ramdam kong naka ngiti sya at masaya. Iba ang init na naramdaman ko sa katawan ng yakapin nya ako. Init ng pagmamahal ng isang nangungulilang ina sa anak, at ina sa asawa.
"Meng, ipahatid mo sa asawa't mga anak ko ang init ng yakap ko sa kanila. Paki sabi, mahal na mahal ko sila. At Meng, maraming salamat sa dalisay na pagmamahal mo sa Tisoy ko. Malaki na ang pinagbago nya ng dahil sayo. Alam kong may takot at pangamba ka diyan sa puso mo, anak. Pero wag kang mag-alala, ang pag-ibig mo sa pamilya mo ang magpapawala ng lahat ng yan. Isa kang mabuting anak, Meng. Kaya tiyak kong magiging mabuti ka ring magulang kay Chamy at asawa kay Tisoy."
Habang sinasabi nya ang lahat ng iyon, unti-unti siyang kinakain ng liwanag at ang huling linyang natatandaan kong sinabi nya ay..
"Paki sabi kay Tisoy, mahal na mahal ko siya..."
BINABASA MO ANG
US, FINALLY...
Fiksi Penggemar"We're all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness-and call it love-true love." - Robert Fulghum, True Love
