Third | Deals with Lies (2)

3.1K 147 8
                                        

Kasalukuyang nasa shooting ngayon si Rj, para sa bago niyang pelikula. Halata dito na wala sa utak ang mga scenes na ginagawa, nakakailang take na sila pero hindi nito makuha ng tama ang mga eksena. 'Yung tipong physically nandiyan, pero parang wala naman dahil naglalakbay ang isip sa kawalan.

"CUUUUUT!!!" Inis na sigaw ng Direktor, after several not good takes.

"Rj, what's wrong!? Ang simple lang 'nung scene oh? Susmaryosep naman oo!" Dugtong pa nito, na halos padabog na linapag sa upuan ang script.

"Sorry po Direk."

"Ah, Direk. Pwede po bang humingi muna ng break? Kausapin ko lang." Singit ni Mama Ten sa usapan.

"Okay. Mukha ngang kailan nya. Guys, 30minutes break muna! Rj, gusto ko pagrolyo na camera mamaya nasa wisto kana?! Hindi lang ikaw ang pagod dito."

"Yes, Direk. Pasensya na ulit, may iniisip lang."

"Oh sya, Ms. Ten, ikaw na bahala sa alaga mo."

"Yes, Direk. Salamat." Sabi ni Mama Ten, sabay talikod ng direktor sa kanila. Naglakad ang dalawa patungong tent, at tahimik na umupo si Rj sa butaka. Pinikit ang mga mata habang tinatanong sya ni MT.

"Rj, ayus ka lang? May sakit ka ba? Alam mo bang wala ka sa sarili mo kanina pa?"

"Ma. Pagod lang. Sorry, can I take a nap for a while?"

"Hay naku, bata ka. Kaya di nababanat mukha ko sayo eh. Pa-stress ka masyado. Sige, magpahinga ka. Gisingin nalang kita after 25mins."

"Thanks, Ma." Maikling sagot ni Rj dito, sabay akap sa ironman throw pillow niya.



After 25minutes....



"Maine, love, please...'wag mo kong iwan please..'wag nyo akong iwan!Chum...Sun. Moon..No..please.." Hikbi ni Rj, habang nakapikit. Binabangungot ito

"Huy, Rj! Gising huy! Gising!" Yinuyugyog siya ni MT sa balikat upang magising. Bigla namang napamulat ito, at bumangon sa butaka.

"Ano bang nangyayari sayo?"

"Ma, si Maine, ang mga anak ko. Iiwan nila ako. Ma..ayoko. Hindi ko kaya."

"Ano ka ba?! Kumalma ka nga! Nanaginip ka lang, wag kang paranoid. O, tubig."

Ininom muna ni Rj ang tubig na inabot sa kanya ni MT, bago nagsalita ulit.

"No Ma, you don't understand. Maine, will gonna hate me. I lied to her Ma about this scene. Ang alam niya walang ganito. Walang bed scene. Ma...kaya hindi ako makapag-concentrate kasi nga nag-aalala ako na baka--"

"Eh, syonga ka pala talaga kasi. Ba't ka nagsinungaling? Maiintindihan naman 'nun. O ngayon, di mas pinalala mo ang sitwasyon? Gunawa ka ng sarili mong multo?"

"Ma naman, you're not helping."

"Eh, ano ba gusto mo gawin ko? I-congratulate ka kasi nagsinungaling ka?"

"Eeehhh...Ma. Anong gagawin ko? Magagalit yun sigurado."

Magsasalita sana si MT ng pumasok ang isang staff sa tent, nagbilin na maguumpisa na ulit ang shooting after a few.

"Ganito ah, ayusin mo na ang scene kanina para isang take na lang at makauwi ka ng maaga. Prepare something, ipagluto mo maging sweet ka. Then, aminin mo na. Tanggapin mo kung ano man ang consequence nito. In case na mag-alsabalutan call me, ako ang kakausap." Mahabang advice sa kanya ni MT. Huminga muna ng malalim si Rj at tumango. At muli silang naglakad palabas ng tent, para ituloy ang shooting.




Samantala....



Naghahanda ng merienda si Meng sa kusina with Chum ng may mag DM sa kanya ng picture ni Rj, hinahalikan ng isang babae sa ibabaw ng kama habang kumot lang ang nakatakip sa katawan. Naniniwala siyang isa lamang itong scene sa pelikula, pero ang hindi niya matanggap, dahil alam nyang hindi magagawa ni Rj ang ganito sa kanya. Ang hindi niya lang matanggap ngayon ay yung pagsisinungaling niya at hindi pagsabi ng totoo. Inilihim niya rito na may ganun pala.

Muntik ng mahulog ang phone ni Meng sa loob ng pitsel na tinitimplang juice for the kids. Napatulala sya. Pinipigilan ang pag agsak ng luha sa mga mata. Nahalata ito ni Chummy, kaya nagtanong.

"Mom, are you alright? Are you angry?"

"Ah--uhm. No-no anak, why? Wala naman dapat ikagalit."

"Talaga po? Eh, bakit tinatadtad mo po yung cake?"

Biglang natauhan si Meng nang makita ngang lasok-lasok na ang cake na merienda sana nila.

"Ah..eh, sorry nak. Ayus lang ako, Gagawa na lang si mommy ng sandwich ah? Wait lang."

Pagkasabi 'nun, linapag ni Maine ang phone sa mesa at tumalikod para kumuha ng tinapay sa kabinet.  Without minding na pwedeng pakialaman ng anak ang phone niya. Kinuha ni Chum ang phone, hindi naka-lock. Pagpindot...

 Pagpindot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"🙈🙊 ugh.😡"

Padabog na umalis si Chummy sa kusina at nagpunta sa garden dala ang phone ng mommy niya. Planong kumprontahin at pagalitan ang ama dahil sa nakita.

(A/N: Patay kang Rj ka. Sa dalawang heneral ka ngayon magpaliwanag.😅)

"Hello daddy!"

(Huy, hi Chum nak. Nasa shooting pa si Daddy, ba't napatawag ka? May problema ba si mommy? And bakit parang galit ang ka ata?)

"Yes daddy, I'm mad po. Super mad! And mommy too. Um, hindi. She's angry with you pala!"

(Huy, hala sya! Bakit baby? Anong ginawa ni daddy sainyo?)

"Really daddy, you don't know po? Eh, ano yung pekytur mo po na may nagkiss sa'yo?! Nakita ko daddy. May kakiss ka na girl. And mommy saw it too."

(Teka nak ah, teka. Isa-isa lang. Anong picture? Can you send it to me, nak?)

"...."

(Nak, chum. Still there?)

"Rj, it's me. Mamaya na tayo mag-usap. Bye."

(Teka, Maine. Love..sanda--)


End call....





A/N: 😱 Lagot ka Daddy!

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon