Fourth | Panalangin : [Kulimlim]

1.8K 120 13
                                    

Ang pagpapatuloy...

"Pre, panigurado mataas ang bid ng lamang loob ng batang 'to! Anak ng AlDub e!" narinig ni Sun na sabi ng isa sa mga lalaking dumukot sa kanya.

"Oo nga, pre. Tumataginting na kalahating milyon 'to malamang." sagot naman nung isa na walang mapagsidlan ang saya sa mukha.

Pero natigilan ang mga ito sa gitna ng kanilang tawanan nang pabulyaw na magsalita si Sun, "I hate you! YOU AND YOU! Lahat ka'yo! Lagot kayo sa mga pulis, at sa daddy ko!"

Bigla siyang sinabunutan ng isa sa tatlong mga lalaki, sanhi para mapaigik siya sa sakit. Pinandilatan, pero nanunudyo ang ngisi nito sa kanya, "Pulis? Daddy mo? Kung mahahanap nila kami...at hindi pa namin nawawakwak yang tiyan mo." anito at pagkatapos isinalansa siya nito sa kinauupuan.

Tuluyan ng umiyak si Sun dahil sa sobrang takot, umiiyak siya habang tinatawag ang mga magulang.

"Mommy..D-daddy...please h-help me...Daddy...s-save me, p-please..." palakas ng palakas ang iyak niya habang sunod-sunod na hinahampas ang bintana ng van.

Narende ang isang kidnapper sa iyak niya kaya sinigawan siya nito, "Tumigil ka! Walang silbi yang pag ngawa mo dyan!"

Pero hindi huminto si Sun, bagkus mas lumakas pa ang hiyak niya.

"Ayaw mo talagang tumigil ah?! Halika dito!"

Bigla siyang hinablot nito, binusalan ang bibig at iginapos ang mga kamay. Wala ng nagawa ang bata kundi manginig sa takot.

"Sayang ka. Pogi mo sanang bata e, kaso mamatay ka ng maaga." sabi nung kidnapper na gumapos sa kanya, bago siya iniwanan sa backset.

Impit na umiiyak si Sun sa kinauupuan, hindi na niya marinig pa kung anuman ang pinag-uusapan ng mga kidnappers nya. Iyak lang siya ng iyak. Basang-basa na rin ang mukha niya ng pinaghalong luha at pawis.

"Papa Jesus...I know you love me, I know you will save me from this bad guys...Papa Jesus, save me please..gusto ko pa po makita sina mommy at daddy, ate chummy, si kambal at si baby liit. Please Papa Jesus, tulungan mo po ako makatakas. Amen."

Taimtim niyang dalangin sa pagitan ng sunod-sunod na pagsigok at pagsinghot. Natigilan lang siya, nang biglang may dumapo na puting mariposa sa balikat niya. Kasabay 'nun ang pagtirik ng van na sinasakyan nila.

"Taragis naman oo! Ba't ngayon ka pa umaberya!" ani nung driver, sabay suntok sa manibela.

Bumaba naman ang dalawa sa tatlong kidnapper ni Sun sa van, upang tignan ang sira ng sasakyan. Yung isa sa may makina, at yung isa naman ay sa may gulong nakatingin.

"Anak ng teteng! Overheat na butas pa ang goma! Pambihira naman oh?!" reklamo nung isa. Kaya bumaba yung driver ng van, sabay-sabay nitong inalis ang suot na bonet sanhi para mamukhaan sila ni Sun isa-isa.

Sunod niyang nakita ay ang paglipad ng mariposa at pagdapo nito sa ulo ng nag-iisang kidnapper na nagbabantay sa kanya sa loob. Kapagkuwan...

"Iihi lang ako, dito ka lang. At 'wag kang magbabalak na tumakas, dahil sa liit mong yan wala kang kawala dito sa baril ko. Maliwanag?" banta nito sa kanya habang pinapakita ang kumikinang nitong 45mm na baril. Sunod-sunod naman siyang tumango habang bakas pa rin sa mukha ang matinding takot. Mabilis ng lumabas ang lalaki sa van. Sa malakas na pagsara nito ng pinto sa gilid, ay sya namang pagbukas sa gawing likuran ng isa sa kasamahan nito upang kunin ang reserbang gulong para sa nabutas. Tahimik lang na nakamasid si Sun sa ginagawa nito, hanggang sa maibaba ang gulong at maisara ang pinto. Subalit, hindi nito napansin ang pagkaipit ng lubid sa may saradura sanhi para hindi ito masara ng maayos. Umawang ng kaunti ang pinto kasunod ay ang bulong sa tenga ni Sun na parang dumaan lang na hangin, "Tumakas ka na...tumakas ka na..."

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon