Third | Forgiveness

3.9K 172 18
                                        

...continuation of Deal with Lies.

From shooting location, mabilis na pinaandar ni Rj ang sasakyan nya pauwi. Ito na yung kinatatakutan nyang scene sa buhay niya. Ang magalit si Meng sa kanya, and worst makipaghiwalay.
Muli nyang tinatawagan ang phone ng asawa, pero nagriring lang ito. Hindi niya sinasagot.

"Meng please. Answer the phone."

The number you are calling is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Napasuntok at napamura, habang mahigpit ang pihit sa manibela, nang marinig ang boses ng operator.

"Damn! Ugh!!"

Wala na itong nagawa, kundi bilisan na lang ang pagmamaneho. Hindi nito alam kung pano nya narating ang Laguna ng kalahating oras lang, na dati-rati ay isa o isa't kalahating oras.

"Maine?!" Tawag nito sa asawa pagbungad pa lang ng pinto, walang sumasagot. Wala ding ingay, maging ang mga bata. Kinabahan siya. Dumadagundong ang puso niya na umakyat ng hagdan, papuntang kwarto nila. Nandun siya. Si Meng, nakaupo sa edge ng kama. Hawak ang phone.

"Love?"

"Nandiyan kana pala. Mabuti naman." Walang emosyon na sabi nito sa namumutlang si Rj. Mabigat ang paghinga na parang galing sa gyera ang itsura. Tumayo si Meng sa kama at nagtungo sa closet. Naghesterical na si Rj. Biglang sinugod ito ng yakap mula sa likod at umiyak ng todo, habang nakasiksik ang mukha sa leeg ni Meng.

"Meng, please... Don't.. leave me. Hindi..ko..kaya. Let me explain. pag..pag-usapan natin muna.. Please?" Hikbi ni Rj between sobs.

Hindi gumalawa si Meng. Huminga muna ito ng malalim, tsaka nagsalita.

"Then explain. Bakit ka nagsinungaling?"

"Sorry..it's not my intention, love. Alam ko kasing..magagalit ka."

"What made you think na pag hindi mo sinabi eh hindi ako magagalit? Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon? Sa ginawa mo, you know what parang hindi mo na rin ako nirespeto." She said, at pilit na inaalis sa bewang niya ang mga braso ng asawa na mahigpit na nakakapit. Pero hindi nya maalis.

"No. Wag mong isipin yun. Nirerespeto kita, Maine. Love. I am. Natakot lang ako. After 2 years Meng. Ngayon lang ako nagka-movie ulit after nung satin. Akala ko, laos na ako. And really out of the industry, then this movie project came. Totoo ang sinabi ko sayo na action lang 'to, love. Pero biglang may nagbago sa script na nabasa mo noon. And ito nga, may bed scene. An intimate scene."

"Kaya mas pinili mong wag sabihin ganun ba? Pinagmukha mo akong tanga. Akala mo ba, hindi ko maiintindihan yun? Rj naman. Alam ko ang pinagdadaanan mo everyday. Na yung dating fame na meron tayo noon eh unti-unti ng nawawala. Akala mo ba hindi ko nararamdaman yun, ah? Ramdam ko Rj, dahil asawa mo ako at mahal kita."

Tuluyan ng natanggal ni Meng ang braso na nakayakap sa kanya. Pinilig nya ang katawan nya paharap dito. Nakayuko lang si Rj, walang patid sa pag-iyak. Hindi naman sya totally galit dito, nagtampo oo. Pero naiintindihan nya na kung bakit nito nagawa 'yun. At tinilungan sya ni Chummy para marealized yun.

***

After ko putulin ang tawag ni Rj kanina, napaluhod akong umiiyak at pabagsak sa lupa. Nakikiiyak man sakin ang panganay ko, matapang nitong hinahagod ng paulit-ulit ang likod ko.

"Mom, stop crying na po..daddy won't do that to us, swear! Baka po edited lang po yan nung mga bashers niya po."

Ewan ko, pero medyo natawa ako sa sinabi ng anak ko. Napaisip kong pa'no na sa edad nyang 8yrs.old eh alam na nya ang 'bashers'.

"Nak..how did..you..know that?" Tanong ko sa kanya between sobs.

"Kay yaya po. Sa twitter. Mom, I know it's hurt. Kasi ako po nahurt din ng slayt na makita ko. Pero...I never doubt daddy. Kasi alam ko, mahal na mahal ka po niya and kami po nila twins. At hindi nya po kayang gawin na ipalit tayo sa ibang girl."

Mga salita na nagmula kay Chummy na hindi ko inaakalang maririnig ko mula sa isang bata. Bata na wala pang karanasan sa usaping relasyon na ganito. Isang bata na masuring inanilisa at pinagtimbang-timbang ang mga bagay at ito nga ang resulta. 'FORGIVENESS'

***

Hinawakan ni Maine ang magkabilang pisngi nito at inangat. Nagkatinginan sila sa mga mata. Parehas luhaan at binabasa ang isa't-isa.

"Sorry..sorry..sorry.." Paulit-ulit na sabi ni Rj, kasabay ng pagpunas ni Meng sa mga naghuhunaang luha nito sa pisngi.

"Shhh...pinapatawad na kita."

"Talaga?"

Tumango lang si Meng at ngumiti. Pinunasan din ni Rj ang pisngi nito na basa ng luha, gamit ang mga palad nya.

"Hindi na kayo aalis ng mga anak natin?"

"Aalis? Bakit aalis?"

"Kayo. Mag-iimpake ka dapat diba?"

Napatawa si Meng.

"Hindi noh. Bakit akala mo ba mag-aalsa balutan kami ng mga anak mo dahil lang dun? Uhm, oo inaamin ko, sumagi sa isip ko kanina. Pero pag ginawa ko yun, babatukan lang ako nila nanay na iwanan kang hindi man lang kita kinakausap. Bakit natakot ka ba?"

"Super!" Mabilis na yinakap ni Rj ang asawa. Mahigpit. At siniil ang mga labi nito pagkatapos.

"I love you. Sorry ulit. Hindi ko na po uulitin yun. Promise."

"I love you too, kaya nga di kami nag-alsabalutan diba? Kasi ayaw ka naming iwan."

"Oh love.." Muli pa sanang hahalikan ni Rj ang asawa ng pigilan sya nito. Dahil nakita nya yung tatlong bagets, patong-patong ang mga ulo na nakasilip sa pinto.

"Later na. May audience. Rated SPG kapa naman humalik."

"Hehehe. Okay. Pero mamaya ah? Patay ka sa'kin."

"Sinong may sabing tatabi ka?"

"Luh!"

"Yan ang parusa. Kaya take it or leave it."

"Grabe sya.😢"

"At isang linggo yan."

"WHAT THE---😭😭😭"

👩👶👶👸: 😄😆😛

**FIN**

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon