Fourth | Depression

3.6K 173 5
                                        

Napapansin ko ang pagiging masungit ni Meng, these past few weeks. Naiintindihan ko naman na marahil dala lang din ng pagbubuntis niya, pero pati mga bata napagbubuntunan na niya e. Maging ang masayahing si Yaya Pak, nadatnan ko sa kusina nung isang araw umiiyak. Ang rason, hindi malasado ang prinito niyang itlog. Hay.

Kaya para hindi tuluyang malayo ang loob ng mga bata sa kanya, pinasama ko na muna yung tatlo kasama si Yaya Pak sa resthouse namin sa Batangas for one week kila Daddy. Holiday naman, so wala ding pasok ang mga bata. And kailangan ko din kausapin si Meng.

"Mga brad, wag makulit kay Lolo Pogi ah? Tumatanda na si Lolo, hindi na yan tatagal sa habulan."
Bilin ko sa kambal kong anak, na kinakunot naman ng noo ni Daddy na nasa passenger seat. As much as possible ayaw kasi nito naririnig na tumatanda na siya. Hahaha!

"Aray ko naman, nak. Kalabaw lang tumatanda, ano ka ba?! Yakang-yaka ko yang mga bubwit mo, di ba mga apo? Turuan ko pa kayo mag-back stroke e."

Nagkatawanan na lang kami sa pagmamayabang ni Daddy. Nakipag-high five naman ang kambal sa lolo nila, si Chum na nakasimangot kanina dahil ayaw iwanan ang mommy niya, ngayon naka bungisngis na rin.

"Riz, alam kong di papipigil 'tong si Daddy. Tulungan mo na lang sa mga bata, okay? Susunod na lang kami ni Meng."

"Sus, kahit di mo naman sabihin kuya, to the rescue pa rin naman ako palagi. Pamangkin ko kaya ang mga yan."

Kahit nagkakagulang na rin 'tong si Riza, sweet at maalaga pa rin. Kaya walang rason kung bakit hindi nga naman mai-inlove ang bunsong lalaki nila Meng na si Dean sa kanya.

"O, hala. Magpaalam na kayo sa daddy nyo at aalis na tayo." Sabi ni Dad, sabay yakap din sa'kin ng tatlo.

"Dad, sunod kayo ni Mommy, okay? And don't mind about Seb and Thirdy, kami na nila Tita Ganda ko ang bahala sa kanila." Bilin ni Chum, she's always be the sweetest ate of the family.
I kiss her booth cheeks and smiles.

"Yes Ate Chum, we will. And thank you po."

She just smile back and nod.

"Bye Dad, labyu! Paki sabi kay mommy, hindi po ako nagtatampo." Hirit naman ni Moon, napagalitan kasi ito ni Meng, nang inunahan siya ng bata sa baked mac na niluto ni Yaya Pak para sa kanya.

"Ako din po Dad, lab ko kayo ni mommy. And we understand naman po, kung bakit may mood swings si Mommy." Ang open minded na kuya ng pamilya, si Sun. Simbulo talaga siya ng positivity.

"Mommy and I love you also kids, for always. Lagi nyo tatandaan yan. Bye na, baka magkaiyakan pa tayo dito. Ingat kayo."

I heard their soft chuckles, bago tuluyang isinara ni Riza ang pinto ng van.

"Bye Kuya, hintayin namin kayo ni Ate Meng."

"Nak, pasensya lang. Alam mo naman ang kiliti ng asawa mo, dun mo umpisahan." Pahabol na bilin ni Dad, napailing-iling na lang ako. Iba naisip ko eh.

"Yes dad, Riza. Bye."

Sabay-sabay pa silang kumakaway habang nakasilip sa bintana, when the car move away.

***

Samantala....

Nakatanaw lang si Meng sa papalayong van na sinasakyan ng mga anak, mula sa bintana ng kwarto nilang mag-asawa. Lumuluha habang kausap ang Ate Nikki niya over the phone.

"Ate Nik, galit yata sa'kin ang mga anak ko, dahil sa pagsusungit ko. Umalis sila ng hindi man lang nag-goobye o humalik sa'kin."

"Shhh...Menggay, ano ka ba? Nag-o-overthink ka masyado. Natakot lang sa'yo ang mga yun, pero magalit? Hindi nila magagawa yun. Mahal na mahal ka nila, Meng, nakikita naman how they grown up sweet and kind."

"Pero Ate Nik, nasigawan ko sila. Ang sama kong ina."

"Umayos ka nga, Menggay! Kung pwede lang ipasok 'tong kamao ko sa screen ng phone ko, ginawa ko nang makunyatan kita. You're having your pregnancy tantrums, natural lang na mag-init agad ulo mo."

"I-I don't know what to do, Ate. Para akong nanganganay. Ganito ba talaga 'to? Natatakot ako."

"Menggay, makinig ka. It's normal okay, wag mong i-stress ang sarili mo. Nandiyan na yan, masaya ka naman sa bagong baby nyo diba?"

"...."

"Huy, masaya ka naman diba?!"

"O-oo naman, Ate Niks. It's just that..."

Bumuntong hininga si Ate Nikki, sa kabilang linya.

"Ganito, pag-usapan muna ninyo ni Rj ano mang gumugulo sa'yo, Okay? Hindi yung kung ano-anong tumatakbo diyan sa isip mo."

"Okay, Ate Niks. Salamat. Bye na, paakyat na din si Rj."

"Sige. Usap tayo mamaya. Bye."

Soon as maibaba ni Meng ang tawag, napaangat ang tingin ni Rj sa kinaruruunan niya. They met gazes, at halata sa mga mata ng asawa ang pag-aalala.

Muli syang bumuntong hininga. At naglakad, paupo sa edge ng kama.

***

[Rj]

Nakayuko sya at nakatingin sa sahig habang umiiyak, nang mapasukan ko sya sa loob ng kwarto. Ano bang nangyayari? Bakit ganito?

"Mahal?" Marahang tawag ko sa atensyon niya, at umupo sa lapag. Ipinatong ko ang baba ko sa hita niya, habang pinupunasan ang basa niyang pisngi ng isa kong palad.

"I-I'm sorry love..."

"Shhh...bakit ka naman nagso-sorry? Dahil napagalitan mo ang mga kids, pati si yaya?"

Tumango lang siya. Lumuhod ako sa harap niya, held her chin up at tinignan ko siya sa mata.

"Love, naiintindihan namin. Actually, nag-aalala nga yung tatlo sa'yo. Panay habilin na sa'kin bago umalis yung van, na sabihan daw kitang hindi sila nagtatampo sa'yo although napagalitan mo nga. They know mahal, na part lang yun ng pagbubuntis mo sa kapatid nila.  Nakakatuwa nga how open-minded they are sa kabila ng mga edad nila."

Kinabig niya ako bigla payakap sa kanya, at lalong lumakas ang hikbi niya. Ang bigat sa pakiramdam ng eksenang ito, naluluha na rin tuloy ako. Hinayaan ko na muna siya ng ilang minutong ganun, at mukhang nakatulong naman dahil umaliwalas na ang mukha niya.

"Okay ka na?"

"Hmm..y-yes, love. Salamat. And sorry ulit, if at first hindi lubos yung kaligayahan ko nang malaman kong buntis ulit ako sa pang-apat natin."

"Ayos lang, gaya nga ng sabi ko kanina. Naiintindihan ko, hindi madaling magbuntis at maging ina. Kaya nga naisip kong huminto na sa pag-aartista para magabayan ka ng maiigi sa pagbubuntis mo ngayon."

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko, parang kokontra ata sa desisyon ko.

"Pe--pero mahal, sigurado ka?"

Tinumba ko siya pahiga sa kama, kiniliti ko ang tungki ng ilong niya gamit ang ilong ko.

"Yes love. Sigurado ako. Ready na akong maging full time dad, for our kids and full time husband for you. Kaya huwag ka ng mag-alala, okay? Kasangga mo ako as always. Mahal na mahal kita, Meng."

"Mahal na mahal din kita, Rj. Sabihin mo, how can I make it up to you?"

"Alam mo na kung paano, mahal.😏"

After that sweet chuckles of my wife, sweet moans naman niya ang sunod kong narinig na pumuno sa loob ng kwarto naming mag-asawa.

****

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon