Short unbeta-ed update pordalab.
***
Finally, natapos na rin ang depression ng asawa kong si Meng, at ngayon masaya naming sasalubungin ang pasko na buo, masaya at stress free.
Stress free nga ba?
"Love, yung barbecue paki paypay. Naku yung bine-bake ko! Yaya, yung mga bata pakibihisan na!" Sunod-sunod na sabi ng asawa ko, na panaog-pareto sa kusina. Nahihilo na ako sa kanya.
"Hey, teka, mahal. Stop muna!" Pigil ko sa kanya, habang hawak ang magkabilang balikat niya.
"Bakit ba? Busy ako, mahal. Teka lang."
"Mrs. Faulkerson, baka nakakalimutan mong buntis ka po. Makalamyerda ka o? Baka mapano ka nyan. Umupo ka nga, ako na rito."
"No. Kaya ko love, ano ka ba? Tsaka wag kang mag-alala, nakikisama si baby natin. Excited rin ata for christmas eve."
"Pero---"
"Mwuah! Kaya ko po. Sige na, you make paypay na the barbecue. Baka masunog."
"Conyo misis is life! Isang kiss pa nga?"
I grabbed her by the waist, dragged her closer and kiss her. Sarap.
"..."
"..."
"I love you, Meng."
"I love you too, sarap mo naman."
"Hmm...wag na kaya tayo magluto?"
"Loko, hindi pwede. Huy, sunog na yung barbecue!"
"Hala, oo nga, shit!"
"Halik pa more kasi!"
"Mamaya ka talaga sa'kin, Mrs. Faulkerson."
***
"5, 4, 3, 2, 1!!! Merry Christmas!!"
Sabay-sabay nilang sigaw, pagpatak ng alas dose, sa loob ng bahay ng mga Faulkerson sa Batangas. Pagkatapos nun, ay kanya-kanya silang halik at yakap sa isa't-isa.
"O sya, doon na tayo sa dining at magsikain na. Mukhang masasarap 'tong niluto nyo mga anak." Komento ni Daddy Bae.
"Of course, Dad! Made with love yan, diba, mahal?" Sagot ni Rj, sabay halik sa asawa sa labi.
"Ewww..." Chorus na reaction ng tatlong bagets, habang takip ang mga mata. Dahilan para magtawanan silang lahat.
"Kayo talaga, o, magsikain na." Sabi ni Meng, na agad namang sinunod ng mga bata.
Masaya kaming nagkukwentuhan, tawanan, asaran habang pinagsasaluhan namin ang handang noche buena. Ang sarap pagmasdan kapag kompleto ang pamilya, kung nandito nga lang sana si mommy, mas masaya pa.
"Love, wala ng laman plate mo. Lechon, gusto mo pa?" Kuha ni Maine sa atensyon ko, ganun na ba ako katagal nagmumuni-muni?
"Yes love, balat please.."
"Yan. Kunti lang ah? Ang fluppy mo na, baka sa susunod na pasko, ikaw na ang katayin." Pang-asar ng asawa ko, nagtawanan naman ang lahat. Hay, ang macho ko pa nga e.
"Grabe ka sa'kin, ano? Parang hindi ko lang alam na mas gusto mong pinipisil dad bod ko."
"Sobrang laki na kasi. Pero, o, eto kain pa. Hayan." Ani ni Meng, sabay subo sa'kin ng lumpia.
After 'nun, balik kwentuhan ulit kami, habang sinusulit ang handa ngayong gabi.
***
"Daddy, can I open my gifts na?" Ani ni Sun sa'kin. Gumaya naman sina Chum at Moon.
"Ayos lang sa'kin, pero ask Mommy first. Kukunan niya ata kayo ng pics sa polaroid nya e. Alam nyo naman si Mommy nyo, pagdating sa mga ganap na ganito."
"Okay Daddy, ask ko po si Mommy. Mga bros, dun na kayo sa salas, hintayin nyo ko dun okay? Wag madaya, sabay-sabay tayong magbubukas."
"Yes Ate!" Sagot naman ng kambal sa ate nila.
Hay. Ang lalaki na nila. Next year, apat na silang babalutan ko ng regalo. Ay lima pala, kasama si Meng. Speaking of regalo, ano kaya inihanda ng asawa ko sakin?
***
After the gift opening and several rounds of kantahan sa platinum karaoke, e tinamaan na rin ng antok ang pagod ang lahat.
"Chum, nak. Guide your lil bros na lang muna sa kwarto nila, okay? Mag-aayos lang ako dito." Bilin ni Meng sa panganay namin, pagkatapos nilang humalik at yumakap sa bawat isa sa amin for a goodnight kiss.
"Yes, mom. Ate duties."
"Goodnight po. Lamyu all!" Antok ng sabi ni Sun.
"I second the motion. Lamyu three po." Ani ni Moon, at sunod-sunod na silang pumanhik sa kwarto nila.
"Meng, love, ikaw pahinga ka na din. Puyat ka na."
"Oo nga te, kaya na namin 'to ni Kuya."
"Hmm..sige, kayo bahala. Love, sunod ka na lang pagkatapos nyo."
"Yes mahal, wag mo ko masyadong mamiss, okay?"
"Ang korne mo kuya! Ewww!"
"Hahaha! Opo. Akyat na ako, night Riz. Dad, tulog na rin po kayo."
"Oo nak, update muna ako sa twitter friends ko. Kachat ko rin tatay mo."
"Ah okay, sige po."
Kinindatan muna ako ni Meng, tsaka ito tumalikod at umakyat ng hagdan.
"Riz, patulong ka na lang kay Kuya RD ah? Maniningil pala ako ng regalo kay ate mo, ako lang wala e."
"Naku kuya. Parang ibang regalo naman ang gusto mo, alam na this. Oo na, sige na. Go!"
"Napaka-supportive mo talaga bunso! Lamyu! Hehehe! Dad, tama na twitter uy! Goodnight."
"Tse! Akyat na dun. Tumbong mo atupagin mo, wag ako."
Pamilya ko nga sila. Alam na alam e. Hay! Jun, kobra time.
***
"Meng?"
"Pasok, love. Mrs. Santa is waiting.."
"Huy! Oh my..."
"Ready ka na sa Christmas gift ko, love?"
"Kanina pa, mahal! Aalisin ko na ang ribbon ah?"
"Sure..."
"Tangina! Jingle bells time!"
***
BINABASA MO ANG
US, FINALLY...
Fanfic"We're all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness-and call it love-true love." - Robert Fulghum, True Love