Maagang natapos ang printshoot ni Rj that day, for his new product endorsement. Kaya naisipan nitong daanan sa Concha's Taguig branch ang asawang si Maine.
"Hi po sir. Goodafternoon po." Bungad na bati sa kanya ng mga crew na nandun.
"Goodafternoon, nandito ba si Misis?"
"Ay sir, umalis po. About 3 hours ago. Nagkasalisihan kayo. Nagmamadali nga po eh." Sagot ni Rem, ang head crew ng concha's.
"Huh? Bakit nagmamadali? 'San daw pupunta?" Sunod-sunod naman na tanong ni Rj, medyo worried dahil sa narinig.
"Sa school po ni Chum, tumawag po kasi yung bata umiiyak."
"Ah ganun ba? Sige susundan ko na lang. Ikaw na muna bahala rito, Rem."
"Yes boss."
"Thanks."
Pagkatapos tapikin sa balikat ni Rj si Rem, naglakad na ito palabas ng resto. Sumakay ulit sa jaguar at nagdrive papuntang school ni Chumy. Along the way, minabuti nitong tawagan ang asawa para makibalita sa nangyari.
Love Dialling....
Nagring. Sinagot.
"Hello love, how's chum? Umiyak daw? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ni Rj.
(Hey! Kalma, okay? Chum is fine now, binully ng kaklase kaya biglang napatawag sa akin kanina. Pero okay na, nakausap ko na yung adviser niya as will as yung batang intsik na nambully sa kanya.)
"What?! Sa ganda ng princessa binubully nila. Anak ng--! Sinong batang yan ng matiris?!"
(Hahaha! Love, is that you?! Kelan kapa naging war freak? As I said nga, okay na. May crush lang yung bata sa prinsesa mo kaya, kinukulit. Tsaka away bata 'to, huy! Makisawsaw ba? Btw, pauwi na kami. Where you na?)
"Eh, ayoko kasing nalalaman na umiiyak mga ladies ko. Alam mo yan, maghahalo talaga ang puti sa de color. I'm on my way sana papuntang school para puntahan kayo, pero since sabi mo na pauwi na kayo. Diretso na ako sa bahay."
(Um, okay. Aga mo ata mag-pack up ngayon? Anyway, kita kits na lang sa bahay. Nakausap ko na rin si Riz na sya na muna tumao sa Taguig, tulala pa rin kasi 'tong anak mo eh.)
"Oo nga eh. Kaya naisipan kong daanan ka sa Taguig, pero nagkasalisi tayo. Pakausap nga kay Chum, love?"
(Sige.....)
Chum nak, kausapin ka daw ni Daddy mo? Narinig ni Rj na sabi ni Meng sa kabilang linya, sabay hawi sa manibela papuntang SLEX.
(Hello, Dad.) Matamlay na sabi ni Chum, sa kabilang linya.
"Hi, princess. Umiyak ka daw sabi ni Mommy mo? Pwede mo bang ikwento kay Daddy, kung ano ang nangyari?"
(Opo Dad, grabe sya saakin po.😢 Kaya pala nawawala mga things ko po sa bag kasi kinukuha nya. Even my hello kitty erasers po, daddy. Eh boy naman po siya. Ayaw ko naman po magsabi na gay sya kasi bad po yun diba daddy?)
"Yes nak, and then, what happened."
(Yun po, nung magsusulat na po ako ng assignments ko po yung sofia pencil ko naman po ang nawala. Tapos nangkita ko nanggamit po niya, kaya nikuha ko po. Kasi I know na saakin po yun. Pero ayaw nya po imbigay sa'kin. Nag-tug of war pa nga po kami, tapos yun po nihatak ko ng malakas pero nimbitawan nya nampaupo po ako sa sahig kaya nantawanan ako ng iba namin na classmate. Nang-iyak na lang ako kasi nahiya ako, tapos masakt po daddy ang butt ko.)
Naaawa si Rj sa anak dahil napagdiskitahan ito, pero the way chummy making kwento to his dad the whole story. Hindi maiwasan ng ama na mapatawa dahil sa kakyutan magkwento ng anak.
(Dad, pati man po ikaw nangchuckle sa pagumpog ng butt ko?😢)
"Rj! Umayos ka, narinig ko din na tumawa ka?! Wag kang magdeny!" Singit ni Maine.
"No baby. I mean yes, napatawa ako pero yun ay dahil ang cute mo magkwento. At hindi dahil sa naumpog ang pwet mo sa sahig. And love, Meng. Paki-kiss and hug naman ang prinsesa natin for me please? Tsaka nak, sorry if akala mo pinagtatawanan kita. Hindi po ganun yun, okay? Labyu chum. Wag kana malungkot. Hindi kana gugulihin nun for sure, kasi kinausap na ni Mommy mo."
(Umm...sana nga po--mommy, your driving po. Tama na magkiss.)
"Hahaha sorry nak, sabi ni Daddy eh. Tsaka ang cute mo talaga kasi. Kaya ka nga crush ni Vino diba? And you're blushing when he said that!"
(No kaya mommy--eeee..mommy!)
Narinig ni Rj na harutan convos ng mag-ina sa kabilang line.
"Hey! Hey! Anong crush mommy?"
(Dad, wala po yun. Bye po.)
Call dropped.
"Si Meng talaga, pati anak niya siniship. Grade 1 palang yung bata. Susmaryosep! Pero kailangan kong mameet yung bubwit na yun as soonest. Hindi pwedeng ganun. Mabuti na yung bata pa, meet the father in law na dapat. Ganun!"
Chum: Hay.😥😩 Pati ba naman parentals, mga bullies?

BINABASA MO ANG
US, FINALLY...
Fanfiction"We're all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness-and call it love-true love." - Robert Fulghum, True Love