Fourth | Addition

4.1K 204 10
                                        

A/N: So we're on the fourth Chapter of this book. At sana makasama ko pa kayo hanggang sa dulo. I would like to take this oppurtunity to say, thank you for non stop support: through reading my sabaw updates, for the likes and most specially sa  nakakaantig damdamin nyong mga comments. Hindi man po ako madalas mag-reply, pero you know guys it really means a lot to me. Swear!

Unbeta-ed update.

***

Nakaramdam ako ng hilo, pagkatapos kong maihatid ang mga bata sa school. Mabuti nalang nandito na ako sa resto, 

"Diyos ko, Mam Maine!!"

Huling salitang narinig ko, bago tuluyang magdilim ang mga paningin ko.

BLAGH!

***

"Mam Maine, kumusta po pakiramdam nyo?" Tanong sakin ni Rem, secretary ko, nang magmulat ako ng mga mata. Nakahiga ako sa couch sa opisina, medyo nahihilo pa rin, pero keri na. Unlike kanina.

Nginitian ko muna si Rem, bago ko sya sinagot, "Maayos na Rem, salamat."

"Naku mam, yung kaba ko kanina nang mahimatay kayo, e walang mapaglagyan! Susmaryosep! Ano po bang nangyari at bigla kayong nahimatay?"

May hint na ako, pero hindi pa ako sigurado. I need to be sure.

"Sorry Rem, kung nag-alala ka. Pero okay nanaman ako, no need to worry about. But...Um, Rem. Can you do me a favor?"

"Sus, oo naman po. Ano po yun?"

"Pwede bilhan mo ako ng PT?"

***

Habang hihintay ko ang pagbabalik ni Rem mula sa drugstore, okupado ang isipan ko ng mga eksena noong nagdaang mga araw.

"Meng, huy..kausapin mo kaya ako, 'wag yung ganyan."

"Hindi mo na ako mahal, Rj. May ibang babae ka na, ano? kaya na-late ka ng uwi. Pati calls ko dine-decline mo, mga text ko hindi mo rin sinasagot."

"Jusko naman, love. Ano ba naman yang pinagsasabi mo. Nagstart na yung shoot ng tumawag ka. Hindi na rin ako sumagot sa text mo kasi, nandito na rin ako sa bahay 'nun. Tsaka, three minutes lang akong late oh? and besides, alam mo ba kung bakit ako na-late?"

"Dahil may babae ka nga, at hindi mo na ako mahal. Hihiwalayan mo na ako."

"Tsk! Eeeek! Mali. Humarap ka nga kasi sa'kin ng makita mo."

"Ano naman mga yan?!"

"Edi yung mga favorites nyo ng mga kids..." Singsong ni Rj tsaka inilabas ang balot ng hawhaw, mikmik, honey at kung ano-ano pa. 

Kababawan, yes. Pero napangiti ako.

"Thank you, love." 

"Tampo ka pa? Kiss mo nga ako ng marami kung hindi na?"

I did. Hinila ko siya pahiga sa kama namin, and start kissing him passionately.

"Ang hot mo kapag naka-pout ka, i can't even."

"Talaga ba?"

"Opo, kaya wag na mag-isip ng kung ano-ano ah? Dahil hindi mangyayari ang mga yun. I already found the most precious gem, bakit pa ako maghahanap ng bato, sige nga? Tsaka, mahal na mahal po kita, asawa ko. Always put that in mind."

"Mahal na mahal din kita, Rj. Ang emo ko lang lately, pati nga ang mga kids nasusungitan ko na. Baka masyado lang akong stress sa trabaho, pero salamat  ah? hindi ka sumasabay sa tantrums ko."

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon