Third | Pluviophiles

3.5K 153 6
                                    

A/N: Photo credits to @sonjsway via twitter.

***

Malakas ang ulan, kulog at kidlat nang araw na yun. Kaya malungkot na nakatanaw sa bintana ang kambal ng mag-asawang Faulkerson.

"Love, kawawa yung dalawang bagets o? Di makapaghabulan sa labas."

"Oo nga eh, kanina pa yan dyan. Aliwin kaya natin?"

"May naisip ka bang game?"

"What if..."

"Car racing!!" Sabay na bulalas ng mag-asawa at mabilis na gumawa ng artificial race track.

"Yan, okay na. Kunin ko na yung toy car."

"Sige mahal,"

//

"Sun, Moon. Want some race?" Tanong ni Rj sa mga anak, habang nakasakay sa toy motorbike ni Sun.

"Moon, nak. Kampi tayo, and Si Kuya mo naman kay Daddy. Ano game?" Segunda naman ni Maine, habang naka sakay sa toy car ni Moon.

Nabuhayan naman ang dalawang bata, at excited na tumakbo sa parents nila.

"Yey! Team kami ni Daddy! Dad, gamlingan mo po ah? Inche-chel ko po ikaw!" Sun.

"Mom, yokenmekit po, too big po si Daddy sa motol bike po. Kaya ponsyur po himdi po sila magwiwin." Moon.

"Narinig mo yun daddy, mananalo daw kami. Kaya, humanda ka. Kasi tatalunin ka namin ni Moon, diba nak?"

"Yes, mommy ko!"

"As if papatalo kami nitong, parekoy ko. Diba, Sun?"

"Opo naman daddy ko! Kaya 'tol sowly, kami magwiwin. Belat!"

"Bleh! Wen.wel.se.." Balit pang-asar ni Moon sa kakambal.

"Oops, kids game lang 'to. Be sports dapat kung sino man ang manalo okay?" Awat ni Rj sa namumuong tensyon sa pagitan ng kambal.

"Pero love, ano premyo ng winner?"

"Umm..sa bagets, anything. Kung ano man ang wish ng mananalo. Sa atin naman...alam mo na yun. *kilay moves*"

"Loko. Kailangan pala talaga namin ni Moon manalo, kasi dehado ako malamang sayo. Hahaha"

"Oo, kaya. Game na!"

//

Habang si Chummy...busy magkulot ng buhok nya. Umandar ang pagkakikay sa tag-ulan.

"Ya, bakit maingay sila? Anong meron?"

"Hay naku, baka nagjujumbagan nanaman sila with your little brolets! Hayaan mo na sila, okay na tayo dito sa beauty bonding moments natin."

"Yes yaya! Pak na pak ganitey ang churva peslak ko chuwariwap! Wahahaha! Lels."

"Shutangela!! Na-adoption eklat mo na mga wordings ko, kaloka ka iha ng dragona lmao! Huhuwaa!! Bwahahaha."

At masayang kumendeng ang dalawa sabay aper! Juskong mahabagin chum..😥

//

*broooooom**beep, beep, beep*

Umaarangkada na ang mag-asawa sa race track, mula salas paikot sa dining table papunta sa garahe kung nasaan ang finish line. Malapit na si Meng sa pinto, nang sumumemplang si Rj sa motor nito, kaya natumba sya sa asawa.
Nagtawanan ang kambal.

"Bwahahaha---Ooops! Halaaa!!" Sabay na sabi ng dalawa ng hinalikan ni Rj si Meng.

"Ugh! Sinadya mo yun noh?! Madaya ka!" Biglang nahiya si Meng sa paghalik ng asawa sa harap ng mga anak nila, kaya simpleng singhal ito kay Rj.

"Uy di noh?! Malaki lang talaga kasi ako sa motor ni Sun kaya na out balance. Pero yung totoo, mahal. Nabigla ka sa halik ko noh?" Depensa ni Rj habang pabulong na sinabi ang last line. Sabay wiggle brows.

"Tse! Iwan ko sayo! Get off...ugghhh!! Bigat mo..." Reklamo niya.

"Ayaw. Kiss mo muna ako?"

"Eeeeehhh...si Daddy amblezy! Hekhek!" Sabat ni Sun, habang humahagikhik. Si Moon naman, namumula na sa kilig. May pagmamanahan ang mga 'to, sigurado!

"Ayoko. Mga bata oh?! Pektusan ko anit mo Ricardo! Alis na please?"

"Fine." Biglang galaw ni Rj sa ibabaw nito pero sumimpleng nakaw halik ulit sa asawa bago tumayo. Dahilan para maghabulan ang mga ito, hanggang sa makalabas ng bahay. Sa ulanan.

"Aray! Meng!! Hahaha! Tama na! Shit! Ang sakit mo mangagat! Letsuuugaaaas!!Aray!!"

"Yan! Bastos ka kasi!😏"

"Akala mo ah, di ako gaganti?! Halika dito!"

"Waaahhhhh!!!" Mabilis na naghabulan ang mag-asawa sa labas ng bahay habang nagtatawanan. Pinipilit ni Rj na maabot ang asawa para magantihan, pero mabilis tumakbo si Meng. Nainggit naman ang dalawang kambal kaya naki habol na rin ang mga ito.

"Tol, ang saraaaaapp ng ulan...weeeh!!" Nakapikit na sabi ni Sun sa kakambal, habang nakatingala sa langit at nakanganga. Ginaya naman ito ni Moon, na itinaas pa ang mga kamay.

"Hehehe oo nga..."

Dahil sa kakaikot ni Moon at Sun habang nakatingala,nawalan naman ang mga ito ng balanse at napahiga. Sabay lang silang nagtawanan, nakikihagikgik kay Maine dahil nahuli din ni Rj.

"Hay. Napagod ako.." Nahiga si Rj katabi sa tabi ng kambal. Nakapikot din tulad ng mga ito habang nakanganga.
Dahil ang sarap panoorin ng mag-aama sa ganung ayus, nainggit din si Maine at nakihiga.

Samantala, mula sa room ni Chum natanaw nito ang naghaharutang parentals at lil sibs. Kaya...

"Yaya look. Nagpaulan sila! Join ako!!"

Tumakbo din ito palabas ng bahay, habang naka make up at tumatalbog-talbog pa ang kulot na bangs.

"Heyyyyy!!! Hahahaha! Weeeeh!!"

Masayang sigaw ng prinsesa ng Faulkerson habang tumatakbong paikot sa nakahigang mga magulang at kapatid.

Sya namang tayo ng kambal at hinabol ang ate nila, nakigulo na rin ang mag-asawa pagtayo ng mga ito. Naghalo-halong tawanan, kulitan, habulan ang nangyari ng maulan na araw na yun.
Hanggang sa....

BOOOGSSSH!

Nadapa si Yaya Pak, dahil sumunod sa ulanan ng naka high heels.

"Bwahahahahaha!!" Sabay-sabay nilang tawanan. Kaya habulan ulit ang peg, pero ang putikang si Yaya Pak ang taya.


US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon