Fourth | Panalangin : [Liwanag]

2.2K 140 17
                                    

Masayang nagtatampisaw si Sun sa gilid ng isang masagana at mayamang batis. Nakangiti ito habang inaabot at nilalaro ng mga paa niya ang iba't-ibang laki, uri, at kulay ng mga isda na lumalangoy roon. Umuugong ang malakas niyang tawa sa paligid dahil sa naramdamang pagkiliti ng kumpol ng maliliit na isda ang mga paa nya.

"Mukhang masaya ka na dito.." sabi ng isang lalaki sa likuran niya.

Napalingon si Sun at magiliw na nginitian ito, "Opo."

"Hindi mo na ba nais na makasama ang pamilya mo? Ang mommy at daddy mo, kapatid mo at ang iba pa?"

"Syempre po gustong-gusto. Pwede nyo po ba silang dalhin dito? Para po makita din po nila ang ganda nitong paraiso nyo po! Tapos mags-swimming kami dito nila Ate Chum at kambal, habang sina mommy at daddy nakaupo doon sa damuhan nakangiti sa amin. Kasama din po sina Lolo Pogi, Lolo Tatay, Lola Nanay sina Tito at Tita ko po, pati sina Kuya Matti at Celestine." ani Sun sa kausap na may pakumpas-kumpas pa ng mga kamay sa ere, habang nagniningning ang mga mata sa kasiyahan na binabanggit ang mga pangalan ng mga taong mahalaga sa kanya.

"Hmm...subalit hindi ko sila pwedeng dalhin dito."

Bumakas sa mukha ng bata ang lungkot, "Huh? Bakit naman po?"

Umupo din ang lalaki sa pangpang, at kagaya niya, inilusong din nito ang mapuputing mga paa na may magkabilaang peklat sa malinis na tubig ng batis. Kitang-kita nila ang malinaw na repleksyon ng isa't-isa mula roon, habang kinakawag ni Sun ang mga paa na tila ba lumalangoy. Subalit pagkaraan, biglang nabakas sa mukha ng bata ang kuryosidad. Tutok at mataman niya itong pinagmamasdan na tila ba nakita na niya ito, subalit hindi nya matandaan kung kelan at saan.

Muli namang nagsalita ang lalaki sa gitna ng pangingikatis ni Sun, "Sapagka't hindi maaari ang iyong gusto, anak. Sa ngayon, kailangan mong mamili. Nais mo ba rito sa masaya at mapayapang lugar na ito kasama ako at ang Lola mo? o mas pipiliin mong lisanin ang paraiso ko, ipng makasama sila?"

Naguluhan si Sun. Napayuko, napatingala. Marahang tumingin ulit sa umaagos na tubig sa batis, at mula roon, nakita niya ang masasayang alaala nila ng dalawang kapatid, ng kanyang mga magulang at iba. Samahan na bagama't hindi perpekto ay puno naman ng pagmamahalan sa isa't-isa. Hindi namalayan ng bata ang sunod-sunod na pagpatak ng masagana niyang luha na humalo sa malinis na tubig ng batis, saka garalgal ang boses na nagsabi.

"I, I choose...to be with them. Baka po hinahanap na nila ako, at nag-aalala na po sila sa akin." Disididong deklarasyon ni Sun, habang inaangat ang sariling mga paa mula sa pagkakalubog sa tubig. Niyakap niya ang lalaki, hinalikan sa pisngi. Nginitian siya nito habang hawak ang magkabila nyang balikat, "Sige na anak, humayo ka at magpakabait. Basta huwag mo akong kakalimutan."

Malugod at buong tamis itong nginitian ng bata pabalik, "Oo naman po, friends na po tayo e. Bye po. Salamat!" anya, at mabilis na tumakbo papalayo sa lalaking tanaw pa rin siya mula sa pagkakaupo nito sa gilid ng batis. Nakangiti, habang kinakaway ang isang kamay nitong may pelat sa gitnang bahagi ng palad.

***

"Meng? Meng...gumising ka, nak." ani ng pamilyar na boses sa pandinig ni Maine.

Napamulat siya, "Ma? Mama Rio?"

"Oo, nak."

Biglang bumakas ang pagkabahala sa mukha ni Meng, "Ma, si Sun...si Sun po--"

"Shhh..."ginagad nito ang magkabilang kamay niya at pinagsiklop sa kanya, "He's fine. Nakabalik na siya. Kaya ikaw bumalik ka na rin, hinihintay ka na nila. Nilang lahat, pati ng bagong miyembro ng pamilya natin."

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon