"Dad?"
"Yes, princess?"
"May father and kids program po kami sa school."
"Uhm, okay. Exciting yun. May naisip kana bang gagawin natin?"
"You sure? Wala kang work?"
"Um, let's see. Kelan ba yan baby?"
"Sa Friday po."
"Friday? Ay, may photo--"
"Sabi ko nga po. You're not free.😔"
"Try kong ipa-move--"
"No. It's okay, Dad. Nandyan naman sila Tito pogi at Tito Nongnong. Sila na lang po." *walkout*
"Luh, teka chu--..chum."
***
"Ma, nagtampo ata sa'kin panganay mo."
"Eh, kasalanan mo naman kasi. Hindi mo man lang maisingit sa schedules mo ang activities nila sa school."
"Ma, pati ba naman ikaw?"
"Oo Ricardo. Kaya mag-isa ka dito sa kwarto, tabi-tabi kaming matutulog ng mga anak ko." *walkout*
"Uso ba walkout ngayon? *sigh*"
***
"Dad, daan tayo McDo please?"
"Sun, may pagkain sa bahay. Dun na lang. Kaya ka nangangayayat eh."
"Dad please?"
"Moon isa ka pa, mamantika ang fries bawal sa puso mo."
Hindi na nakipagtalo pa ang dalawang bagets. Tahimik na naupo na lamang ang mga ito sa backseat at nakasimangot. Medyo na guilty si Rj habang pinagmamasdan ang itsura ng dalawa sa rearview mirror.
He sighed.
***
"Ya, paki handa na ang pagkain. Gutom na yung dalawa."
"Pak ser! Teka lang---"
"Di po ako gutom."-Sun *lakad papuntang kwarto, nakasimangot, walang lingon-lingon*
"Di po ako kakain."-Moon *ginaya ang ginawa ng kakambal*
Nagkatinginan lang sina Yaya Pak ay si Rj.
"Anyare ser? Problem solving in the Barangay?! Tatawagan ko ba si Kapitan del Baryo?"
Rj sighed. Nagkamot ng ulo sa mga tanong ni Yaya pak at nag-walkout din.
"Hay Faulkerson's mahapdi kayo sa bangs atechewa! Ayaw nyo lumafang, edi meh na lang. Kalowka!"
***
Nagmuni-muni si Rj sa kwarto nilang mag-asawa. Masyado na ata syang insensitive, para hindi mapansin ang kakulangan nyang time sa mga anak at asawa. Tinawagan nya ang manager na si Mama Ten para ipa-move ang photoshoot sa friday, para makabawi kay Chum. Pagkatapos 'nun ay tinawagan nya rin ang McDo para magpadeliver ng gustong pagkain ng kambal. Nagbihis na rin sya para masinsinang kausapin ang mga ito, bago pa man dumating ang asawang si Meng galing sa resto.
Inuna nya si Chum.
Knock. Knock. Knock.
"Chum?"
"Yes Dad. Come in po." Walang ganang sagot nito. Bakas ang lungkot sa tono, habang bine-braid ang buhok ng paborito nyang barbie doll.
"Can we talk?"
"Sure."
"I already cleared my schedule sa Friday, walang work si Daddy that day."
Biglang lumiwanag ang mukha ni Chummy. Maluha-luhang yinakap ang ama.
BINABASA MO ANG
US, FINALLY...
Fanfic"We're all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness-and call it love-true love." - Robert Fulghum, True Love