Fourth | Panalangin : [Nightmare]

1.4K 109 11
                                    

Naalimpungatan si Meng, dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto nilang mag-asawa. Kasabay nang garalgal na boses ni Chummy mula sa labas ng pinto, habang tinatawag sila. Umiiyak ito.

"Mommy, Daddy! Mom...Dad..."

Dali-daling napabangon si Meng sa tabi ng tulog na asawa, at tinignan ito. Pagkabukas nya ng pinto, nag-aalala at tarantang mukha ng panganay na anak ang bumungad sa kanya. Napayukod siya at niyakap ito, saka paulit-ulit na hinagod ang likod.

Muli nyang hinarap ang anak. Pabuka na sana siya ng bibig upang tanungin ito, pero naunahan na siya ni Chummy.

"Mom, si Sun po. Iyak nang iyak at takot na takot. Hindi ko po mapatahan."

Salaysay ng bata sa kanya sa pagitan ng pagpunas ng mga luha.

"Bakit daw? Ano ba ang nangyari?"

"Di ko po alam, mom. Ayaw po magsalita."

Napasinghap si Meng. Tumayo mula sa pagkakauklo at pinayakap sa bewang nya ang anak.

"Tara, puntahan na 'tin siya."

Saka sila naglakad, papuntang kwarto ng kambal.

Napasukan nya ang kambal na magkayakap sa ibabaw ng kama ni Sun. Inaalo ni Moon ang kapatid, at nakikiiyak din dito.

"Awww.. Sun, 'nak, what happened baby?" Ungot niya habang papalapit sa dalawa.

Kumalas naman si Moon sa pagkakayap sa kapatid at tumabi nang tuluyang makalapit ang ina.

Bigla siyang sinalubong ng mahigpit na yakap ni Sun, kasabay ng malakas nitong pag-iyak; salitan sa pagtawag sa kanya.

"Mommy... mommy ko..."

Hindi rin mapigilan nina Chum at Moon ang mapaiyak ulit dala ng awa sa nangyayari sa kapatid.

"Shhh... yes po... nandito na si mommy, baby. Kaya tahan na..." Alo ni Meng dito, pero mas lalo lang lumakas ang iyak nito.

Bumaling siya sa panganay na si Chummy, "Ate Chum, 'nak. Pakikuha naman po si mommy ng glass of water para kay Sun, please."

Pasinghot-singhot na tumango si Chummy sa kanyan, "O-opo..."

Binalingan niya rin ng tingin si Moon na parang hinihika na sa sobrang pag-iyak. Nararamdaman niya rin ang bigat na dinadala ng kakambal, "Moon, baby, okay lang si kambal mo ah. Nandito na si mommy. Samahan mo mun si Ate Chum mo sa kitchen. Drink water also okay po?"

Sunod-sunod na tango rin ang sagot ng isa sa kambal na anak sa kanya, "O-opo, M-momm..le-lez go, A-ate.."

Pero bago pa man makalabas ng kwarto ang dalawa. Ginagad nya muna ang mga ito palapit, at binigyan ng mahigpit na yakap at tig-isang halik sa noo.

Masakit sa dibdib na makita silang tatlo nang ganito, Dios ko. Ang daya ng asawa ko. Dapat nakikidrama din siya rito eh.

Ani Maine sa isip, habang yakap si Sun at inuugoy ito; mahina niya rin itong kinakantahan ng lullaby. Her mother's way kung paano mapatahan ang mga ito kapag ganitong balisa. Unti-unti namang nag-subside ang pag-iyak ni Sun pagkaraan. Sumisinghot-singhot na lang ito.

"Nak, are you feeling okay now?" Tanong ni Meng, habang panaka-nakang hinahalikan ang ulo ng anak. Marahan namang tumango si Sun, mula sa pagkakaunan nito sa dibdib niya.

"Pwede ka na bang magkwento kay mommy?" Dagdag pa niya, pero umiling-iling naman ngayon ang bata.

Mas hinigpitan na lang ni Meng ng husto ang pagkakayap dito, saka hinayaan na lamang muna. Magkukwento rin ito sa kanya, kapag handa ng pag-usapan.

Pumasok na rin ulit si Chummy sa kwarto dala ang isang baso ng tubig. Pero hindi na nito kasama si Moon.

"San si Moon?" Tanong nya sa panganay.

"Nasa room nyo po ni Dad. Pagkatapos po uminom ng tubig at kainin 'yung tirang brownies sa ref, inantok po bigla. Kaya hayun, tumabi po kay Daddy."

Sa wakas, napangiti rin si Meng. I think he's okay na. Mabuti naman.

"Hmm... ikaw? Okay ka na? Sorry kung natakot ka kanina."

Naupo si Chum sa tabi ng ina, at sinilip ang kalmado na't tulog na kapatid sa pagitan ng pagkakayakap ng ina.

"Yes po, mommy. Don't mind me, I'm fine. Pero... mom, si Sun po okay na rin? Bakit daw po siya umiyak? Bad dreams? Same bad dreams po ba?"

Nginitian ni Meng ang anak. Pagkaraan umiling-iling ito.

"I dunno, Ate. Maybe yes, maybe another nightmares. Hindi rin sa 'kin nagsalita. Hayaan na muna na 'tin. Magkukwento rin 'to. Baka mamaya paggising, makulit na Kuya Sun na ulit siya."

Chummy sighed.

"Yes, mom. I hope so. Sana hindi na 'yung mga bad guys ulit ang dahilan. Naaawa na ako sa kanya, mom."

Ramdam ni Meng ang pag-aalala ng panganay sa nakakabatang kapatid. Pero gayunpaman mas nangibabaw ang paghanga niya rito. Hinawakan nya ito sa pisngi saka marahang hinaplos.

"He's okay, 'nak. Don't worry. And thank you for being a good Ate and daughter to us ng daddy mo ah? I'm so proud of you. I love you. Mahal namin kayo ng daddy nyo."

Maluha-luha naman si Chummy sa narinig.

"Opo, mommy. Thank you. I love you rin po, and I promise to be brave always and not so iyakan na."

"Hmm... it's okay to cry, Ate. Halika nga? Give me some hug din." Ani ni Meng sa anak, at agad namang sinunod ng bata ito.

"Sya, balik ka na 'dun sa kwarto mo, tulog ka na rin at madaling araw pa lang. Ako na bahala rito sa kapatid mo."

"Okay, mom. Mornights. Labyu ulit." Sabi ni Chummy after kissing her mom on the cheek.

"Mornights. Labyu too."

At sa paglabas ni Chummy sa kwarto, naisipan rin ni Meng na pumikit na rin at matulog sa tabi ng anak. Pero... bagama't nakapikit ang mata ng bata, gising naman ang diwa nito. Gising at binabalikan sa isip ang masamang napaginipan.

O pangitain?

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon