[Maine]
Napangiti ako sa PT result ko early this morning. The long wait is over, kasi...finally, two vertical lines!😁
"Love?"
"Mahal, nasa bathroom. Wait lang."
Wait, itatago ko muna 'tong test result. I-surprise ko na lang siya mamaya.
"At bakit kung makasigaw e, wagas?"
"Sakit ng ulo ko, love. Naduduwal pa ako. Can you call Ma Ten, parang di ko kayang mag shoot ngayon."
Hmm..sya yata ang maglilihi ngayon. Hahaha! Buti naman, nang maexperience nya.😊
"Okey mahal, pahinga ka muna diyan. Tawagan ko lang si Ma Ten, magluluto na rin ako ng breakfast. Ano palang gusto mong kainin?"
"Ikaw sana, kaso..bleurgh!"
"Uy, hala! Sa banyo mahal dali, takbo!"
"Bleurgh! Bleurgh!"
"Mahal, are you okey? Dalhin na ba kita sa hospital? Ipapa-confine na ba kita?"
"No. I'm go--bleurgh!"
Ang sama ko, kasi, tuwang-tuwa ako sa pagduduwal ng asawa ko. Hahaha! Erm, sorry, love. I can't even.
"Wait, kukuha lang ako ng tubig. Pagkatapos mo diyan, mahiga ka na. Di na muna ako papasok sa EB today para maalagaan kita."
"Thanks mahal..😩"
"No worries, love. I love you po.😊"
"I love you mo--bleurgh!"
***
Medyo humupa na rin ang pagduduwal ni Rj, naglalaro na sila ni Chum sa kwarto nito ngayon. Nag-iisip ako kung pa'no ko sasabihin kay Rj na buntis ako (ulit).
"Hi madam, ba't aligaga garci ka dyan?"
Kagulat naman 'tong si yaya. Parang kabute, bigla na lang sumusulpot. Sasabihin ko sa kanya, para may makatulong ako sa surprise.
"Ya, kasi ganito yun..E, gusto kong i-surprise si Rj."
"Oh, I love surpreyza!ano yun madam?spluk mo na daliiii.."
"Ganito kasi yun..buntis ako."
"Huhuwaaah!! Junksbdjdndkdnhdb"
Susmaryosep! Ang ingay, surpresa nga eh. Binusalan ko tuloy ng talong sa bunganga.
"*cough*Grabe ka madam sa akin. Talong talaga?! Wala na bang mas matigas?"
"Ang ingay mo kasi eh. Tsaka, maka react ka parang hindi sanay sa talong ah?! Anyway, nag iisip ako kung pano ko sasabihin sa kanya. Gusto ko kasi yung mapapalundag sya sa saya, yung boom sabog! Ganoin!"
"Madali lang yan madam, bibili ako ng pla-pla sabay sa pagsabi mo ng "Surprise!!" boom sabog to the hi--aray! Makabatok madam?!"
"Puro ka kasi kalukuhan. Seryoso na ya, pa'no ba?"
"May naisip ako madam, halika ibulong ko.."
So hayun na nga, mukhang okey naman ang idea ni yaya pak kaya yun na lang din ginawa ko. Sana masurprise nga sya.😊
***
Nasa dining area kami, eating breakfast. Panay kilay language kami ni yaya, nakakatawa talaga ang isang 'to. Nakakatakot lang baka sa sobrang tuwa ko, sya ang maging kamukha ng anak ko. Papatayin akong tiyak ni Rj. Hahaha!
"Love, after breakfast laro tayo. pinoy henyo."
"Oo ba. Basta sa kwarto tayo."
Hayan nanaman ang kilay niyang maharot. Umagang-umaga eh. Sarap ishave.😒
BINABASA MO ANG
US, FINALLY...
Fanfic"We're all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness-and call it love-true love." - Robert Fulghum, True Love