Problem Solving #2: Pa'no ihahandle ng mag-asawang Faulkerson ang isyu tungkol sa pagsisinungaling ng isang anak?
***
👶☀: Maaga po ako nagwake up, para manlaro ng zombie tsunami. Shhhh..wag mo kayo maingay ah? Secret lang po, kasi magigising si kambal ko. At pag nagising siya, magte-tell siya kila mommy at daddy. Then, magagalit po sila saakin. 30 minutes lang po, bago ako mag-prepare for school.
*Dahan-dahang tumayo si Sun sa kama niya, pinigilang makagawa ng ingay habang binubuksan ang drawer ng sidetable para kunin ang netbook. Pagkakuha, mabilis itong nagtago sa ilalim ng comforter para buksan ang app ng zombie tsunami sa alas singko ng umaga.
An hour after....
Knock! Knock!
Katok ni Meng sa pinto, at dahan-dahan binuksan.
👩: Sun, Moon? wake up sleepy heads...prep na po for school.
👶☀: [Paktay! si Mommy ko! What to do? Ayaw ko magpasok sa school ko today, kasi...ummm...basta.😳]Sun's thoughts, sabay pindot sa sleep mode ng netbook para mawala ang ilaw. Dahan-dahan inilabas ang ulo under the comforter, at nagkunwaring bagong gising. Naghikab. Kinusot ang mga mata.
👶☀: Morning mom...😪
👩: Morning nak, pakiss nga si mommy?😙mwuah! Bangon na.
👶☀: 😙mwuah! Ah..mom..pwede di po ako mangpasok sa school ko po today..[tinatamad po ako...]
👩: Huh? Bakit po nak? You're not feeling well ba?
👶☀: Umm..ye-yes po. Mansakit po ang..[alin nga ba ang masakit?💡] teeth ko, mom. Opo. teeth ko po masakit.
👩: Ganun ba? Let me see nga? Umm..wala namang sira ba't kaya sumasakit? Pero sige, you stay at home with yaya, okay? but after kong maihatid si ate mo at si Moon sa school pupunta tayong dentist. Papatingnan natin 'yang teeth mo.
👶☀: 😲😰De-dentist po???? Mom..mommy, umm..hindi na po pala masakit ipin ko. My head po pala ang masakit.
👩: Sun...yung totoo, nak. Alin ba talaga ang masakit? Ipin o ulo?
Hindi na sumagot si Sun, instead, nagpout ito tsaka isinilid ulit ang sarili sa ilalim ng comforter.
👩: Sun, nak. Hindi po pwede ang ganyan..dahil sa ayaw mo lang pumasok ng school eh, gagawa ka ng kwento at magsisinungaling sa'kin.
👶☀: .....
Panahimik ng bata kay kay Meng.
👶🌜: Goodmorning mom..😪
👩: Goodmorning Moon..😙mwuah. Lika, bangon na?
👶🌜: Karga po, mommy?
👩: Ugh! Ambigat ng patortor ko... Sun, kayo ni Daddy mo ang mag-usap okay? Sa ayaw at sa gusto mo, papasok ka.
Pagkasabi 'nun ni Meng, lumabas na sila ni Moon sa kwarto. Palihim naman na umiyak si Sun sa ilalim ng comforter, guilty dahil sa pagsisinungaling.
**
Gising na rin ang panganay na si Chum na kasalukuyang inaayusan ni Yaya Pak, si Moon naman tapos ng paliguan ni Meng at nakaupo na sa dining for breakfast. Sya namang pagbaba ni Rj na nakaayos na din.👶🌜: Morning daddy!😙
👨: Morning my mighty patortor! O, asan yung isa?😚
👩: Yun nga love, nasa ilalim pa rin ng comforter. May hangover pa ata over the weekends, at ayaw pumasok ng school. Nagawa pang magsinungaling sa'kin at nagsakit-sakitan. Kausapin mo nga muna yun? Alam mong hindi pwede ang ganyan.
👨: Um, okay. Pakiss ko muna, ulit?
👩: Clingy mo po asawa ko, kakahalik lang kanina eh.
👶🌜: Oops! Alam na this.🙈
👨:💏 Tsup. Sorry..bitin eh.
👩: Maharot ka lang talaga sa umaga, siya puntahan mo na yun at malalate na sila. And take this, saba con milo baka ganahan pumasok pag nakita 'tong favorate nya.
Ngumiti lang si Rj sa asawa sa sinabi nito dahil totoo, habang tinutulak-tulak ito ni Meng paakyat ulit bitbit ang saba con milo para kay Sun. Napailing-iling na lang si Meng at binalik ulit ang atensyon sa nakatakip pa rin ang mukhang si Moon.
👩: Moon, kain na. Rated G na ulit, wala na si Daddy.
***
Pagpasok ni Rj sa kwarto ng twins, nakita nito ang anak na nagmumukmok sa kabilang dulo ng higaan nya. Halata sa mukha nito guiltiness dahil sa nangyari, habang pinapasok ang dalawang tuhod sa maluwang na sando nito.
👨: Sun, nak? Goodmorning..
👶☀: Daddy..*singhot plus pout*
👨: Umm..may problema ka daw sabi ni Mommy?
Tanong ng ama sa anak, sabay upo sa tabi nito pagkalapag ng saba con milo sa higaan ng bata. Kumuha ng isang piraso at sinubuan ito.
👶☀: Sorry po...I lied. Hindi na po ako uulit.
👨: Papasok kana sa school?
👶☀: Opo.
👨: Lika nga, lapit ka kay Daddy? Alam mo nak, bad yung magsisinungaling ka para lang makuha ang gusto mo. Wag mong ite-take for granted ang pag-aaral kasi alam mo ba na maraming bata ang gustong-gusto makapag-aral pero they can't? Isipin mo nak na maswerte kayo kasi nag-aaral kayo, ang bawat matutunan mo sa school ay makakatulong sayo sa paglaki mo. Diba gusto mong maging pilot?
👶☀: Opo Dad.
👨: For you to become a pilot someday kailangan mo munang malaman at mapagdaanan ang mga basics. Take things step by step. At ang pagsisinungaling is a big no, no nak. Nalulungkot si Papa God pag nagsisinungaling, pati rin kami ni Mommy mo kasi parang ang nangyayari hindi kami good mommy at daddy sainyo.
👶☀: No dad, you're good po. Mommy too. Lablab ko po kayo, daddy ko.😢 Sorry po...
Tuluyan ng umiyak si Sun, habang nakayakap sa ama. Ramdam ni Rj na nakuha na nito ang leksyon na gusto nyang ipaunawa sa anak. At dahil sa nangyari, kailangan niya na ring umamin sa asawa.
👨: [Pa'no ko aaminin, in a way na hindi sya magagalit? Baka pag nalaman niya, mag-alsa balutan sila ng mga anak ko pauwi ng Bulacan. Damn, Rj. Think.]
Umm...ano kaya ang lihim ni Mr. Faulkerson?
BINABASA MO ANG
US, FINALLY...
Fanfic"We're all a little weird. And life is a little weird. And when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall into mutually satisfying weirdness-and call it love-true love." - Robert Fulghum, True Love