Fourth | Lenten Special : [Panalangin]

2K 116 9
                                        

Binabasahan ni Meng ng kwentong pambata si Baby P sa kwarto nila ni Rj nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto.

Knock! Knock! Knock!

Kasabay ng matinis na boses ng panganay nila ni Rj na si Chumy, "Mom?"

"Yes, nak, pasok ka."

Binuksan ni Chum ang pinto ng kwarto at sinalubong naman siya ng matamis na ngiti ni Meng.

"Mom, tanong po ni Daddy, kung ano daw po gusto niyong meryenda ni baby liit." anito habang papalapit sa nakahigang ina, at naupo ito sa tabi niya pagkatapos.

Hinimas ni Meng ang pisngi ng anak habang nag-iisip kung ano nga ba ang gusto niyang kainin, "Ang daddy mo?"

Natigilan si Chumy sa paghalik sa tiyan niya ng marealize nito ang sinabi ng ina, "Luh. Si Daddy ang gusto mong meryenda po?"

Natawa si Meng sa pagkagulat sa mukha ng anak, "Hindi. What I mean is, kung ano na lang ang ihahanda ng daddy mo. Wala naman kaming gusto ni baby e...sa ngayon."

Tumango-tango naman si Chumy, "Ah..okay. Noted po, mom. Sige baba na po ako--"

"--wait nak." putol ni Meng sa paalam ng anak, at saglit na binuhat ang likod mula sa pagkakasandal sa unan, "Sasama na ako sa iyo sa baba." dagdag pa niya, habang bumangon ng dahan-dahan mula sa kama.

Inalalayan naman siya ni Chumy sa pagtayo, "Kaya pa po?" tanong nito dahil nakita ang bahagyang pagngiwi ng ina.

"Kaya pa naman, nak. Medyo mabigat na nga lang si baby natin ngayon." anya dito habang nakahawak siya sa balikat ng anak at naglalakad na sila palabas ng kwarto.

"Mabigat ka na nga, mom. 'Wag ka na kaya po magmeryenda, para di na lumaki pa si baby sa tiyan mo?"

Natawa ulit si Meng, "Kunti lang nak. Hindi din naman pwede, hindi kumain si Mommy e. Magugutom si baby. Wag mo 'ko alalahanin, kaya pa ni mommy, okay?"

Ngumiti sabay tango naman si Chum, "Okay po."

"Pero nak, hindi yata magulo ngayon? Asan 'yung mga kapatid mo pala?" tanong ni Meng kalaunan, habang pababa sila ng hagdan.

"Nasa labas po, naglalaro ng basketball."

"Hmm..with yaya?"

"Hindi po. Nasa laundry room si Yaya yata po e."

"Hala! Baka lumabas ang mga 'yun sa gate. Delikado pa naman ngayon ang panahon, daming nawawalang bata according sa news." mothers instinct, biglang kinabahan si Meng sa naisip, "Nak, puntahan mo si Yaya tell her na tignan muna yung dalawa at papasukin na rito sa loob para sabay-sabay na tayo magmerienda."

Malugod namang tumango si Chumy sa utos ng ina, "Sige po, mom. Dahan-dahan ka po papuntang kitchen, okay po?"

Nginitian ni Meng ang anak, saka hinalikan sa noo, "Yes baby, go ahead na."

Mabilis namang tumakbo si Chumy para sundin ang utos nito.

***

"Ya?"

"Yes Chumy baby? Anong kemerlo eklat natin?"

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon