First | Born

7.1K 198 45
                                    

(A/N: Since May 1 is Labor day. Paanakin na natin si Maine. 😊)

Time check:
October 24, 2019
3AM

Di na makatulog si Maine, dahil pabalik-balik sya ng banyo. Maya't maya nakakaramdam siya na naiihi o di kaya napopo.
Dahil di nga sya makatulog ulit, pinagmasdan nya lang ang kyut na mukha ng asawa.
Napangiti ito ng biglang may naisip na kalokohan.
Dahan-dahan syang bumaba ng kama, kinuha ang lipstick nya tsaka ponytail.
Habang tulog na tulog ang asawa, dahan-dahan nya itong inayusan. Itinali ang buhok, linagyan ng lipstick.

"Chamy, ganda ni Daddy oh?"

She chuckled.

"Hahaha"

Napamulat naman si Rj sa biglang bungisngis ng asawa.

"Uhmm..love, aga pa ah?"

Rj said, on his husky voice

"Wahahaha"

[Haaay, iba talaga ang epekto ng dilig sa kilig. Hehe]

*♡*♡*♡*♡*
[Us, Finally : First | Baby]
*♡*♡*♡*♡*

3:30AM

"Luh, mahal!napa ihi kana kakatawa kaya?!"

"Uy!wag kang nambibintang ah?"

Sabay tingin sa damit nya. Basa nga Ito.

Nagkatinginan ang mag-asawa. 😨♡😨

"Mahal, I think my water bag just broke."

"Gahd!Mahal, manganganak kana!"

Biglang bumaligwas sa pagkaka higa si Rj at tarantang tumatakbo pa roon, pa rito. di alam kung ano ang kukunin at alin ang uunahin.

"Baby things ni Chamy, love..Aarrgh!aray..."

"Oo, teyka--wait, mahal. Ano pa ba?!susmaryosep!Rj, think!"

"Magdamit ka muna!leche--Aaaah."

"Oo, tama!"

Tumakbo ulit ito sa closet at nagdamit. Di namalayan ang ipit nya at lipstick. Pati ang baliktad na suot na damit.😂

"Tara na love, jusko!hold on muna. Chamy, maya kana lumabas baby, naku!"

Sukbit ang Chamy's bag, binuhat nito si Maine pababa ng bahay ng biglang may nakalimutan.

"Wait love, yung susi ng koche."

"JUSKO RJ!BILIIIIIS!harukooooo!!"

Ibinaba nito si Maine sa couch sa salas at patakbong umakyat uli ng hagdan, muntik ng masubsob ang mukha nito ng matalisod kakamadali.

At ilang segundo pa ang lumipas bumaba na ito dala ang susu ng koche, suot ang baliktad nyang tsinelas na iron man.

4:00AM

"AAAARGH!RJ, love....masakit naaaah...."

Pawisang sigaw ni Maine sa passenger seat ng sasakyan habang medyo mabilis na ang patakbo nito sa sasakyan papuntang St. Lukes Hospital.

"Love, hold on. Malapit na tayo. Wag mo munang ilalabas si chamy."

"Huhhhh..nay...."

Umiiyak ng tawag nito sa ina. He took her hand na nanlalamig na and he kissed it.

"I will call her later love. Wag kang mag-alala."

She's gripping on their interwined fingers, ramdam na ramdan ni Rj ang sakit na nararamdaman nito sa bawat pag piga nito sa mga kamay nya. Tinawagan nya muna ang daddy nya sa phone to inform them at magbilin.

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon