Fourth | Panalangin : [Warning]

1.5K 118 22
                                    

A/N: Alam ko sa kalagitnaan ng pagbabasa nyo ng update na 'to, may iba sainyong tataas ang kilay, magrereklamo at ku-kwensyunin ako; and worst mababash. Pero uunahan ko na kayo. This plot nagging me ilang gabi na, isulat ko raw sya. Ano man ang meron sa likod nito, siguro it's a way to reminds us. Basta. Maging open-minded lang kayo guys, okay? Salamat.

***

[Sun]

Nasa clinic kami ngayon ng isang child psychiatrist. Nag-alala sila mom and dad sa pagwawala ko kagabi. Hindi pa rin ako nagkukwento.

Dalawa lang kami ng doctor dito sa room, pinapa-drawing niya ako ng mga bagay na gumugulo sa isip ko. Maybe, this is Papa Jesus way to heal me. To say it. Kaya ni-draw ko 'yung dreams ko kagabi.

"Sun, pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin nitong ni draw mo?" The doctor asked me. Ni tingnan ko siya sa eyes niya.

"Doc, if I say it po, maniniwala ka po ba sa akin?"

She smiled at me, "Yes, baby. Naniniwala ako. You can tell me everything."

Sumaya at gumaan ang pakiramdam ko. Kaya nagkwento ako agad-agad. Pero... pero after I said everything, I saw in her eyes the doubt. She lied at me, hindi siya naniniwala. I sigh.

After namin mag-usap ng doctor, lumabas na ako ng room. It's mom and dad's turn na to talk to her.

"You okay, dude?" Tanong ni daddy, habang ginugulo ang hair ko.

I nodded and smiled. Kunting smile lang, "Yes po," sagot ko, while mommy hugs and kisses my cheeks. She's the sweetest. Pero naiiyak ako.

"Awww... Baby, bakit?" Mommy asked. I'm just sniffing.

"Oo nga, 'nak. Tell us. Mommy and Daddy will always here to listen. 'Wag kang matakot."

I'm sniffing while wiping my tears off. Nitignan ko lang muna sila. They're waiting...

"Mommy, Daddy... after na lang po ako magkukwento, pagkatapos nyo po kay Doc. Kausapin daw niya po kayo."

Mom & Dad, took a deep sighed. Bago sila nag-look sa isa't isa. Mommy smiled at me, at hinimas ng thumb nya cheek ko. Si Daddy naman, pinisil hands ko. Problemado sila sa 'kin, I feel it.

"Sige 'nak, kausapin muna namin ni Daddy mo si Doc, punta ka muna dun kay baby Heaven and Yaya Pak sa labas ah?"

"Okay po. Labyu Mom, Dad." I said, and hugged them. They hugged me back. Mahigpit.

"Labyu too, 'nak." sabay na sabi nina Mommy at Daddy sa 'kin, nagbitaw na rin ako sa yakap tapos naglabas na ako ng door.

***

Nakaupo kami rito sa labas ng clinic. Hinihintay namin matapos ang usap nila Mommy at Daddy kay Doc Martha. Hawak ko ang isang kamay ni Baby Heaven, while looking to Yaya.

"Ya, may twitter ka po?"

"Opcors bebe boy. Gusto mo follow kita?"

"Eh wala pa po ako 'nun. Bawal po sabi ni Mommy."

"Aw, huhuwaaa! Oo nga naman, masyado ka pang bagets para ma-expose sa social media. Pero bakit mo naitanong?"

"May ipapa-tweet po sana ako. Ilan po na-follow sa 'yo, Ya?"

"Madami-dami na rin. Kinakarer ko na ngang maging FaulkerYaya para magka-blue check na rin. Pak na pak 'yun, grabedad. Eeeh..i iz excited por dat. Pero sige, ano ipapa-tweet mo."

"Ano po... Hmm.. repent."

"Teka, type ko. Re..pent, ito lang ba?"

"Meron pa po. Pray and ask for forgiveness of your sins, surrender yourself into him."

"Okay, copy dat. Pero jusko bagets, 'di kaya mabully ako ng mga kabaklaan sa tweet na 'to? Mygas. Bible verse anetch! O, sinong propeta ang i-ctto ko?"

"Yan po sabi ni Papa Jesus sa 'kin."

Muntik ng mabitawan ni Yaya phone niya dahil sa sinabi ko. Isa rin ba siyang 'di naniniwala sa 'kin?

"Eeeeeh... Kaloka kang bata ka, 'wag kang ano. Kinikilabutan ako sa 'yo oh?"

"Yaya, nagsasabi po ako ng totoo. At kung naniniwala ka po sa 'kin, iti-tweet mo po 'yan, para po malaman nila. Babalik na po siya."

Sa pag-ulan ng maraming bulalakaw.

***

Napasukan ng mag-asawang Faulkerson si Doc Martha sa opisina niya na umiiyak.

"Doc? Ayos lang po kayo?" Ani Meng.

Dali-daling nagpunas ng basang pisngi nya ang doctora, "Y-yes, I'm fine. Pasensya na kayo. Take a set." Mwestra nya sa bakanteng upuan sa harapan ng desk nya, saka inabot sa mag-asawa ang isang papel nang makaupo na ang dalawa. Ang drawing ni Sun.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Kay Sun po 'to?" Kunot-noo na tanong ni Rj.

"Yes, Mr. Faulkerson. At base sa explanation nya sa 'kin, it's a rapture."

"Rapture, Doc? Ang lalim naman yata ng word na 'yun para sa drawing nung bata. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa anak ko, pero at his age, normal lang na maging malikot ang isipan nila. Baka namana lang niya pagiging writer ko, o pagiging artista namin pareho." Sabi ni Maine, denying the fact, na sa murang edad ng anak ay navi-visualized na nito ang pagkagunaw ng mundo. Ginagad ni Rj ang kamay ng asawa, to calm her.

"Love, kalma muna. Pagsalitain muna natin si Doc, baka may explanation ang lahat."

Maine took a deep breathe and nodded. Nagpatuloy ang Doctora.

"Sorry, Mr.&Mrs. Faulkerson pero nung umpisa, ganyan din ang tingin ko. Na dala lang ng trauma sa pagkakakidnap sa kanya, at pagka-aksidente. Pero..." Natigilan muna ng saglit ang Doctor sa pag-espleka nang mangiyak-iyak ulit ito.

"Pero kasi... bago lumabas ang anak nyo ng pinto, may sinabi siya sa 'kin and it moves me."

"Ano po 'yun? Ano pong sinabi ng anak ko?" Ulirat ni Meng.

"He didn't saw me in his dream. But she saw my 13yr.old daughther, yakap ang aso niya. And when I asked kung ano ang pangalan ng anak ko and her dog, he said it correctly. At malabong malaman ng anak nyo 'yun kasi nasa Canada ang anak ko with his dad. At imposibleng alam nyo rin 'yun."

Parang biglang nabalutan ng yelo ang buong kwarto dahil sa tindi ng lamig at kilabot na nanunuot sa mga katawan nina Rj at Meng. Napayakap na lang sila sa isa't isa. Parehong dinapuan ng panghihina at walang gustong magsalita sa sinabi ng doctora.

Totoo man o hindi ang pangitain ng anak, isa lang ang sinisigurado ng dalawa. Sama-sama nilang haharapin ito.

***




P.S:

Let me know, kung kailangan ko pang isulat ang susunod. Kung hindi na. Alam nyo na guys: repent, pray and ask forgiveness, surrender everything to him.😊

US, FINALLY...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon