PROLOGUE

221 2 2
                                    

PROLOGUE

<Terrence’s POV>

“Knight...” tawag niya sa akin.

“Princess. Buti naman andito ka na.” Dali dali kong sabi sa kanya.

“Bakit? Bakit mo ba ako pinalabas? Alam mo namang magagalit si Daddy pag lumabas ako. Gabi na kasi.” Sabi niya habang lumilingon sa bahay nila.

“Ahh.. Princess. Kasi... aalis na kasi kami. Lilipat na kami ng bahay. At sabi ni Ma, malayo daw ‘yun dito.”

Nalungkot siya. “Ha? Alis ka? Iiwan mo ako? Sabi mo di mo ako iiwan.” Naluluhang sabi niya.

“Ui, wag kang umiyak. Di naman kita kakalimutan eh.”

“Pero.. pero...” umiiyak na siya.

“Wag ka ng umiyak. Kahit naman wala ako, may iiwan ako para sa’yo.” May kinuha ako sa bulsa ko.

Tumahan siya sa pag-iyak. “Eto oh..” Pinakita ko sa kanya ang hawak kong necklace.

“A..ano  ya..yan?” tanong niya.

“Puso ko.” Hugis puso ‘yung pendant.

 “Haaaaa?! Baka mamatay ka. Wag na.”

 “Ikaw talaga. Di naman talaga to ang tunay na puso ko. Pero habang malayo ako, ito muna ang puso ko na iiwan ko sa’yo.” Pinunasan niya ang luha niya.

 “Halika. Isusuot ko sa’yo.” Lumapit siya sa akin at isinuot ko na sa kanya ang necklace.

 Ngumiti ako sa kanya. “Wag ka ng umiyak, okay? Wag ka na ring malungkot. Alam mo naman ayokong umiiyak ka.”

 Ngumiti na din siya sa akin.

 “Honey..” tawag ni Mama. “Kelangan na nating umalis.”

 “Princess, alis na ako. Pasok ka na.” Tumango siya at naglakad na papasok sa bahay nila. Naglakad na rin ako papunta sa kotse namin.

 “Knight!” Lumingon ako. Tumatakbo siya papunta sa akin.

 “Mamimiss kita.” Sabay halik sa pisngi ko. At tumakbo na siya pabalik sa bahay nila.

~

Nagising ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Panaginip lang pala. Namimiss ko na ata talaga siya. Almost 18 years na din nung huli ko siyang makita.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon