CHAPTER NINETEEN

28 0 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

<Gwen’s POV>

*continue flashback*

Inabot ko ang cheeks niya. Hmmm. Ang lamig pala ng palad ko. Ngayon ko lang naramdaman, ang init kasi ng pisngi niya.

Pinatong niya ‘yung kamay niya sa kamay ko na nasa pisngi niya. Bakit ganito? Kung possible lang umalis sa dibdib ko ang puso ko at magtatalon dito ngayon, eh ginawa niya na.

“Bakit ka ba andito sa labas? Kanina pa kita hinahanap. Bigla ka kasing nawala..” Inialis ko na ‘yung kamay ko sa pisngi niya pero di niya binitiwan. Hinihimas niya lang gamit ang thumb niya.

“.. huli kitang nakita na kausap mo si George.” Kilala niya?

“Gwen, alam mo bang nag-alala ako na bigla ka na lang nawala.”

At naisipan ko ding magsalita. “Sorry, nahihilo lang kasi ako at ang init-init sa loob kanina.”

“Okay ka na ba?”

“Oo. Hihihihi..” Bakit ba kanina pa ako giggle ng giggle?

“Halika. Tulungan kitang tumayo.” Hinawakan niya ako sa braso. Pero na-outbalanced ako.

“Oooopsie! Hihihihi..”

“Lasing ka ba?” Paano naman ako malalasing eh punch lang naman ‘yung ininom ko diba?

Tiningnan ko ‘yung balikat niya. Parang ang sarap humiga dun. Pinatong ko ‘yung ulo ko sa shoulder niya.

“Uwi na tayo..” tapos pinikit ko na ‘yung  mata ko.

*end of flashback*

Oh my goooooosh..! Lord, help.. T.T Nakakahiya na talaga kay Terrence. Iiiiish. Iiish!

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa – ” Tinakpan ko bibig ko. Di dapat ako sumigaw. Baka marinig ako ni Terrence at pumun –

“Gwen!” Sabay bukas sa door. Okay. It’s too late sa pananahimik ko. -.-

Mukhang di ko na maiiwasan ang kahihiyan na ginawa ko. Paano ba?

“Bakit ka sumigaw?” Think fast, Gwen.

“Sigaw? Ahh. Wala lang. Hehe.”

Mas lumapit siya akin. “Okay ka na? Masakit ba ang ulo mo?”

Wow. Paano niya nalaman? “Oo.. medyo. Bakit ba ‘to?”

“Di mo ba naalala ang nangyari kagabi?” Aha.. tama! *Lightbulb please!* ‘Yun na nga, magkukunwari na lang akong walang maalala.

“Ha? Oo! Di ko maalala ang nangyari kagabi.. hehe.” Keep it up, Gwen.

“Bakit..? Ano bang nangyari pagkatapos mong magsalita dun sa harap? Ang last ko kasi na naaalala eh ‘yung ang dami mong kausap.” Wow. Ang talino ko!! Hahaha.

“Di mo ba talaga maalala?”

<Terrence’s POV>

Di niya ba talaga maalala? Tsk! Ang saya ko pa naman kagabi.

“Kahit konti? Wala talaga?”

“Yep.” Sabay tango. “Ano bang nangyari? May ginawa ba akong nakakahiya?” tanong niya.

Nope. Pinasaya mo nga ako. Inisip ko nga na baka gusto mo na rin ako. Ito talaga gusto ko sabihin pero ito na lang sinabi ko. “Haha. Wala naman. Nakakatawa lang. Sino bang tao ang nalalasing sa dalawang baso ng punch? Ikaw lang.”

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon