CHAPTER THIRTY-THREE
<Gwen’s POV>
Pagdating ko sa resto, wala pa si Terrence. Naghanap na ako ng mauupuan. Maya-maya dumating na din siya.
“Kanina ka pa?” Tanong niya.
“Hindi naman. Kakarating ko lang din.” Sagot ko sa kanya. Wala man lang kiss? See? Nagbago siya. Dahil ba ‘to sa pagreresign ko? T.T
<Terrence’s POV>
“Kamusta ang job hunting?” tanong ko sa kanya. Namimiss ko na siya. Hindi ko na kasi siya nakikita sa office, nasanay pa naman ako na lagi siyang andun.
“Nakakapagod pero nag-eenjoy ako.” Sabi niya.
“May tumawag na ba sa’yo?”
“Wala pa nga eh. Ang hirap na talaga maghanap ng trabaho ngayon. Hmm, Terrence. Mag-order na tayo, gutom na ako.” Alam kong sinadya niyang i-change ang topic.
“Okay. Ano bang gusto mong kainin?” Tanong ko sa kanya. Niyaya ko siya ngayon maglunch, medyo nagiguilty ako sa ginagawa ko. Medyo cold ako sa kanya this past three days. Hindi naman ako galit sa kanya, iniisip ko lang ang wish niya. Kung di niya ginamit ‘yun para pumayag ako na magresign siya, ibig sabihin, mas grabe pa ‘yung hihilingin niya.
“Kung ano ‘yung sa’yo.” Owww. She smiled. I feel my heart melting.
Tinawag ko ‘yung waiter tapos nag-order na ako para sa aming dalawa. Nakatingin siya sa akin. Nag-iisip siya. Diba nga ganyan siya mag-isip.
“What is it?” tanong ko sa kanya. Gusto ko malaman anong iniisip niya.
“Something’s wrong.” Seryosong sabi niya.
“What do you mean?”
“Nothing..” sagot niya. I can see sadness in her eyes and I know what’s making her feel like that. ME. I’m going to give her a clue.
“Tell me your wish.” She looks confuse. Just tell me. It’s eating me, it’s making me worried. Paano kung hilingin niya na maghiwalay kami? Or hayaan ko na lang siya? Alam ko, ang negative ko.
“It’s that the problem?” Tanong niya. She’s good in reading between the lines.
“Hmmm?” Kunwari di ko gets tanong niya. But I know exactly what she’s referring to.
“Nothing. I’ll tell you my wish mamaya sa bahay.” Kinakabahan tuloy ako.
Dumating na ‘yung food namin. Kumain kami ng hindi nag-uusap. Kasalanan ko ‘to. Bakit ba ang drama-drama ko? She wants to have a career, bakit ko siya pipigilan? Tsk.
“Uuwi na ako. Kita na lang tayo sa house.” Tapos tumayo na siya at umalis. Hinabol ko siya then grab her hand.
“Hatid na kita.” Hinila ko siya papunta sa car pero hinila niya ang kamay niya sa akin.
“Hindi na. Kelangan mo ng bumalik sa office. Magtataxi na lang ako.” Sabi niya. Ngumiti siya pero alam kong pilit lang ‘yun. Alam ko kung kelan totoo ang smile niya or hindi. I need to stop this drama. Sinasaktan ko lang siya sa ginagawa ko.
“Gwen..”
“Okay lang, Terrence. Pumunta ka na sa office, okay? I’m fine.” Tapos naghanap na siya ng taxi at sumakay dun. Pag nagpatuloy pa ‘to, masisira talaga kung anong meron kami. I should stop my drama.
<Gwen’s POV>
Umiyak ako nung medyo malayo na ang sinasakyan ko kay Terrence. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko eh. T_T Di niya na ba ako mahal?
BINABASA MO ANG
Just Another Story
RomanceWhen love strikes, it struck you hard. Please read. Medyo boring ang first few chapter, slow kasi ang progress ng story nila. Pero magiging okay din 'to. HAHA! :) Feel free to leave comments, guys! Thanks. :3