CHAPTER THIRTEEN

32 0 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

<Gwen’s POV>

Just like what I’ve thought. Di ako masyadong nahihirapan sa new work ko. If I may say, nag-eenjoy pa nga ako eh. So far, Terrence is being so nice to me. Akalain mo ‘yun? Nung una ko kasi siyang nakita, nung nagkabanggaan kami, inisip ko talaga na hinding hindi kami magkakasundo. Napaka niya kasi. ‘Yun pala ako lang ‘yung masungit. Yeah, inaadmit ko, ang sungit ko, lalo na sa kanya. And he’s really cool. Kahit I’m just working for him, he’s always treating me as his friend. Swerte ko nuh? :)

And now, I’m walking my way to his office.

Kumatok ako at pumasok. Hindi ko na hinintay na papasukin niya ako. Haha. Abuso eh, noh?

“Good morning, Sir!” Bati ko with my super bright smile. Good mood eh. :)

“Hey!” Bati niya. Hmmmf. Di man lang tumingin. Sayang naman ‘yung ngiti ko. Bleh! :p

“You seem happy. May nangyari ba?” dagdag niya. Che! >.<

“Happy? Paano mo nalaman? Di ka naman nakatingin.” Tumingin siya. Naka-smirk at taas ang isang kilay. Narinig niya siguro ‘yung edge sa voice ko.

“Sinusungitan mo na naman ba ako?” May something sa voice niya. Parang he finds it funny na nagsusungit ako sa kanya.

“Nope.” Sumimangot lang ako.

“Ooo-kay.” ‘Yun lang sabi niya. Ganun ba siya kabusy ngayon? Di niya ako kinukulit ngayon eh.

Kinuha ko na lang ‘yung notebook na nasa bag ko. Tapos sinabi ko sa kanya ‘yung mga gagawin niya for today. Inisa-isa ko sa kanya.

“...and lastly, you have a meeting with the heads of the marketing dept. and customer services dept.”

Mukha ngang ang dami niyang gagawin today. That means, ang dami ko ding dapat gawin. Assistant niya ako eh.

“Woah. That seems to say that I’m going to have a rough day, huh?” narinig niya pa lang ‘yung mga gagawin niya eh parang napagod na siya.

“Suko na? Ang weak mo naman pala.” Hahaha. I just love teasing him about sa work niya. Masyado kasi siyang seryoso eh.

“Suko? Ako? I don’t even know that word.” Then he gives me a smile. Nice! Kelangan niya lang ng support. I can do that. Ako naman ang assistant niya. I should at least help him feel determined, right? :)

<Terrence’s POV>

“Suko? Ako? I don’t even know that word.” Sabi ko. I just love the way she encourages me. Kahit di niya directly sinasabi. Okay na din. Alam ko naman na hinahamon niya lang ako. She knows me well enough kahit di pa ganun katagal kaming magkakilala. I think I already know her all my life.

“Here.” Sabay abot ko sa kanya nung invitation card.

“Ano to?” Inabot niya ‘yung card. Kunwari may binabasa ako sa table ko. Binuksan niya ‘yung card. Sinisilip ko lang siya. Chinicheck ko magiging reaction niya.

“Ooh. Eto ba ‘yung invitation dun sa ball? ‘Yung saan ka ipapakilala as the new owner and CEO?”

“Ah, yeah.” Tampa busy pa rin ako. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya eh.

“Ohw.. maganda ang design at color.” At ‘yun lang talaga napansin niya. Ang hardcore niya talaga. >.<

“’Yun lang?”

“Anong ‘yun lang’?” Tanong niya. Mukhang di niya nga gets. Hayy. Ang slow.

“Seriously?! I’m asking you to be my date on that ball!” Naman!

“Ahhhh... WHAT?!?” nagloading pa.

“So? Be my date?” I looked at her with hopeful eyes.

Nakatitig lang siya sa akin. She’s thinking. Ganyan siya eh.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon