CHAPTER TWENTY

25 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY

<Gwen’s POV>

Dahil andito siya, I let myself cry. Kung bakit, di rin ako sure. Siguro dahil mabait siya. Siguro dahil alam kong di niya ako papabayaan. Siguro dahil I trust him enough to let him help me and let him protect me. I don’t really understand. I just know that I can show him this side of me. The weak side of me.

“Terrence..” Medyo choke ‘yung pagkakasabi ko ng pangalan niya. I’m already crying na kasi. He touched my cheeks and wiped my tears gamit ang thumb niya. Pero mas umiyak ako sa ginawa niya. Nababaliw na talaga ako.

Sino ba ang hindi mababaliw kung isang araw pag-uwi mo eh ikakasal ka na sa isang tao na pwede mo na maging tatay sa edad tapos di mo pa kakilala.

I hugged him. Wala na akong pakialam sa iisipin nila auntie o Billy. Wala na din akong pakialam kung anong iisipin niya. I know he doesn’t mind. Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko.

<Terrence’s POV>

Sabi ko na nga ba, may something talaga na mali. Buti na lang di ako umalis. Nung nakita ko ‘yung mga kapitbahay nila na nakikichismis sa labas ng bahay nila, naisip ko na pumunta na lang sa bahay nila.

Narinig ko about sa 5 million na utang ng auntie ni Gwen and about sa magiging maganda daw ang buhay ni Gwen at mabibili niya ang gusto niya. Di ko narinig lahat ng pinag-usapan nila, pero may hinala ako. Naglakad ako papunta kung saan nakaupo si Gwen. Nakatalikod siya sa akin. At di rin ako napansin ng ibang tao na kasama dun ni Gwen..

Bigla siyang tumayo at humarap sa akin. Mukhang nagulat siya na may tao sa likod niya. Tumingala siya. Then she started to cry.

“Terrence..” Pinunasan ko ang mga luha niya. Pero mas umiyak pa siya. Please stop crying. Niyakap niya ako. Sobrang higpit. Nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya. Ano bang nangyayari dito? Kung tungkol lang sa utang, I know hindi iiyak si Gwen ng ganito. Sana lang mali ang hinala ko..

“It’s going to be fine..” Bulong ko sa kanya. Nakatingin lang sa akin ‘yung mga kasama ni Gwen sa bahay. Nagtataka siguro sila kung sino ako.

Kinuha ko ang phone ko then dialled my butler’s number. Sumagot siya agad. Talagang maaasahan.

“Hello,  sir.”

“Mr. Roxas.. Please prepare 5 million pesos. I want it in cold cash. Then, dalhin mo na lang sa address na itetext ko sa’yo. Thanks.”

“Right away, Sir.” End call.

Hinawakan ko ang kamay ni Gwen. Dadalhin ko siya sa pag-alis ko. Di ko siya iiwan sa mukhang mga hudlong na lalaking ‘to at sa auntie nyang sugarol.

Di naman pumalag si Gwen. I think she really wants to leave.

“Wait. Where are you taking my wife?” Sabi nung matandang lalaki. Wife ka dyan? Gusto mong mamatay ng maaga? She’s my girl!

“Shut up!” Sigaw ko sa kanya. Tiningnan ko ang auntie ni Gwen.

“Don’t worry. Your 5 million will arrived before this day ends.”

Hinila ko na ulit si Gwen. Dinala ko na siya sa car at nagdrive na ako papunta sa house ko. Tumigil siya sa pag-iyak. Nakatingin lang siya sa labas ng car window. Hindi ko siya kinausap pero di ko binitiwan ang kamay niya. Nakarating na kami sa house. Dinala ko siya sa room kung saan siya natulog kanina.

“Halika. Umupo ka muna. Do you need something? A glass of water may be?” Tumango siya so lumabas muna ako para kumuha ng tubig.

Bumalik din naman ako agad. “Here.” Kinuha niya ‘yung water. Medyo nanginginig siya. That’s may be because she cried. Ininom niya.

“Gusto mo bang mapag-isa?” Di siya sumasagot. Silence means yes, right?

Kahit ayaw ko siyang iwan mag-isa, pero kung gusto niya. I need to respect that. Tumayo na ako at pumunta sa door. Pero before ako tuluyang makalabas eh hinila niya yung dulo ng damit ko.

Napalingon ako. “Wag mo akong iwan..” I won’t. You should know that.

Then she started crying again. Harder this time. She collapsed on the floor. I closed the door back and just hugged her. She hugged me back.

Di kami nag-uusap. Umiiyak lang siya. Hinayaan ko lang siya. Di ako nagtanong. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi. Knowing that she needs me is more than enough. We stayed like that for an hour or more may be.

“Bakit ba ang bait mo sa akin?” Tanong niya.

“I think you should know it by now..” Tumingin siya sa akin na parang wala talaga siyang idea. Urgh! Kahit kakatapos niya lang umiyak, she’s still cute. Ngumiti na lang ako.

“I like you, Gwen. I really really like you.” Mag-eexplain pa sana ako na di naman dapat magbago kung anong meron kami. Na di niya kelangang mapressure sa sinabi ko. Na ok lang sa akin kung di niya ako gusto. Pero nung tumingin ako sa kanya tulog na siya.

Napangiti ako. “Di mo naman siguro sinadyang matulog during my confessions, right?” Tinulugan niya ako. Narinig niya kaya? Hayyy. You’re really unbelievable, Gwen.

Hinayaan ko muna siyang matulog sandali sa balikat ko. Maya-maya eh binuhat ko na siya papunta sa bed niya.

Pinahiga at kinumutan ko siya. Tapos umupo ako sa side ng kama sa tabi niya. Nakasandal ako sa head board ng kama. Hawak hawak ko ang kamay niya. Tapos pumikit na ako.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon