CHAPTER TWO

53 0 0
                                    

CHAPTER TWO

<Terrence’s POV>

BOOOGSH! Nabigla ako. May bumangga sa akin.

“Aaaaaah!” Nagkalat ang ilan niyang mga gamit sa daan. Pinulot ko na lang para sa kanya.

“Araay..” sabi niya. Nakatingin ako sa kanya, pero nakayuko siya eh. Di ko makita mukha niya.

“Miss, are you okay?” tanong ko sa kanya. Tumingala siya at minulat ang kanyang mga mata.

Wow. Ang ganda ng mga mata niya. Brown. But not just ordinary color brown. Hindi ko madescribe, parang...

“Sa tingin mo okay lang ako?! Of course I’m not okay! Bakit ba di ka tumitingin sa dinadaanan mo?” Woah.

“Okay. I’m sorry. Pero wait lang miss, ah. Di ka rin naman nakatingin.” Sagot ko sa kanya.

“Anong hindi?! At paano mo naman nasabi yan eh di ka nga nakatingin.”

“Kasi kung nakatingin ka, di mo ako mababangga.” Natahimik siya. Napatingin siya sa watch niya.

“OMGGGGG! I’m so late. Akin na nga yan.” Kinuha niya ang gamit niya sa akin.

“Kasalanan mo to eh! Hmmmpf!”

Tumakbo na siya palayo. Grabe. Ang sungit ng babaeng ‘yun.

******

At the company...

Papasok na ako sa company. Our company is a five star hotel and restaurant. This is one of the leading hotel and restaurant in the country. It has a few branches in different cities throughout the country. Wala naman talaga akong balak na i-manage ang company ng family namin. Di nga related sa pagmamanage ng company ang pinag-aralan ko sa college. But now, wala na akong choice at nangako ako kay Mama na di ko papabayaan ang company nung araw na pumanaw sila ni  Dad. That was the night of my graduation.

*flashback*

At the hospital...

“Ma.. please. Don’t leave me, please.” Duguan si Mama.

“Ter..rence, honey..” Nahihirapan si Mama sa pagsasalita.

“Ma, please. Be strong. You can’t leave me.” I can’t help but cry. Dead on arrival si Dad. Hindi ako pwedeng iwan ni Mama.

“Listen.. Listen honey. I have a favour to ask. You.. take care of the company.”

I’m holding her hand. “Ma...”

“Please, Terrence.. you’re.. th-the only one I can tr-trust..”

“O-okay, Ma. I promise.” I try to steady my voice.

“Good. That’s my so-sso—son. I.. love you, we love you.”

“I love you, Ma.” I whisper. And she was gone.

*end of flashback*

“Sir.” Nabigla ako. Di ko man lang napansin na may mga tao na  pala sa harap ko. Nakapila sa magkabilang side. Parang gumagawa ng daan.

“Manager Mia?”

“Yes, sir. Akala po namin di na kayo darating. Sabi po kasi samin ng butler niyo, si Mr. Roxas, eh naglakad-lakad daw po kayo.”

“Oh. Yes. I’m sorry for that. Nawili ako and I forgot the time.”

“You don’t have to worry about that, sir. Let’s go. The employees are waiting for you.”

“Ok.” Kinakabahan ako. Pero hindi ko dapat ipakita sa kanila. ‘Yun ang laging sinasabi ni Dad, I should always have that aura of authority so that people will respect me.

******

Natapos na rin ang pagpapakilala ng ilang managers and different heads of each departments. Nauhaw naman ata ako dun. Nakakapagod pala. Gusto ko ng pumunta sa office ko. Now, I know kung bakit laging gustong matulog ni papa pagkarating niya pa lang ng bahay.

“Sir, do you need something?” tanong ni Mia.

“Just a bottled water.”

“Ok, sir. Ipapadala ko na lang sa office niyo.” Paalis na sana ako.

“Gweneth! Come here.” Tawag ni Mia. Napalingon ako sa kung sino ang tinawag ni Mia.

“Ma’am Mi...a?” Okay. So dito nagtatrabaho si miss sungit. At mukhang naaalala niya pa ako dahil mukhang nagulat siya. Hmmm. Ngumiti lang ako sa kanya.

“Please get Mr. Morris a bottled water. Bring it to his office. Immediately!”

“Oh! Ah, yes ma’am Mia. ” Tinaasan pa ako ng kilay bago tumalikod. At talaga naman. Napakasungit ng babaeng ‘yun.

******

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon