CHAPTER TEN
<Terrence’s POV>
“Wow.. Ang ganda naman dito.” Sabi niya. Niyaya ko kasi siyang pumunta dito sa may tabing-dagat.
“Ngayon ka lang ba nakapunta dito?”
“hmm.” Sabay tango niya.
“Wala kasi akong time pumunta sa iba’t ibang lugar.” Nakatingin siya sa malayo.
“And why is that?”
“Kasi nung nag-aaral pa ako, bahay, school, part time, at bahay lang ako. Tapos ganun din nung nakagraduate na ako.”
“Nagpapart time ka nung student ka pa?”
“Yep! Kelangan eh..” tumigil siya sandali sa pagsasalita.
“Nung namatay kasi si papa..”
“I’m sorry to hear that.” Di ko ‘to alam ah.
“Okay lang. Matagal na ‘yun. Nag-iwan naman si papa ng educational fund para sa akin. Pero usually para sa tuition ko lang ‘yun at supplies sa school.”
“So, kelangan ko magwork para may extra money ako. You know.. para sa mga gusto kong bilhin. And nahihiya din kasi ako kay Auntie Andy, nakikitira kasi ako sa kanila.”
“Auntie Andy? Siya ba ‘yung dapat papakasalan ng papa mo?” Sinabi niya nga sa akin na di natuloy ‘yung kasal ng papa niya pero di niya sinabi na wala na pala ang papa niya.
“Oo. Siya nga. Haiii. Sorry. Dapat nag-eenjoy tayo dito eh.”
“No worries. Ok lang naman sa akin. Sabi ko nga sa’yo, you can tell me anything, anytime, anywhere.”
“Hmmp!” Sabay palo sa braso ko. “Bakit ba ang bait mo sa akin? Gaya nga ng sabi mo, ang sungit ko sa’yo.”
Nginitian ko lang siya. “Bakit nga ba? Haha.”
“Ang ewan mo talaga!” Tumingin na siya ulit dun sa malayo. Pinikit niya ang mata niya.
Buti na lang dinala ko siya dito. She seems to relax.
*flashback*
“Terrence!” Bigla siyang pumasok sa office ko. Hawak-hawak niya ang dibdib niya at mukhang hinihingal.
“Tumakbo ka ba papunta dito?”
“Aii naku. Wag ka ng magtanong. Halika na.” Hinila niya ang damit ko.
“Ok ka lang ba? Mukhang hingal na hingal ka.”
“I’m fine. Bilis na. Kain na tayo, okay?”
******
At some resto..
Umorder na kami sa waiter at humingi siya ng malamig na tubig.
“Mukhang uhaw na uhaw ka ah..” sabi ko.
“Eh ikaw daw tumakbo, di ka mauuhaw?” So, tumakbo nga talaga siya.
“Bakit ka naman tumakbo? Binibiro lang naman kita na kelangan mong bumalik agad.” Di man lang mabiro ‘to. Hahaha.
“Alam ko naman ‘yun.” Tugon niya.
“Oh. Bakit ka pa tumakbo? Tingnan mo napagod ka lang.”
“Eh ikaw naman kasi. Di ka pa kumakain. Syempre nag-aalala ako sa’yo. Ayokong mahilo ka, sumakit ang tyan mo o magkasakit ka.” Tuloy-tuloy siya sa pagsasalita.
“Talaga?”
“Talagang ano?” nagtatakang tanong niya.
“’Yung sinabi mo. Na nag-aalala ka sa akin.”
Naubo siya bigla at namula. Hindi siya nagsalita agad.
“Ahm! Sinabi ko na diba?! Edi yun na!” Nagagalit na naman siya. Hahaha. Ang cute niya talaga.
“Eh bakit ka ba nagagalit?”
“Di naman ah.”
“Haha. Ok. Sabi mo eh.”
“Saan na ba ‘yung pagkain? Ang tagal naman..”
“Gwen..”
“Oh?”
“Punta tayo sa may beach tapos nating kumain.”
“Ahh. Okay.” Wow. Pumayag siya. She’s being really good to me today. :)
*end of flashback*
Dahil pumayag siya. So, andito kami ngayon sa may beach. Mukha namang masaya siya.
Binuksan niya ulit ang mata niya. Nakatingin lang ako sa kanya buong time na andito kami. Pero di man lang niya ako sinusulyapan.
“It’s so beautiful..” sabi niya ulit.
“Yeah.. Really beautiful.” You’re so beautiful.
Bigla siyang tumingin sa akin. So, nagkatinginan ang aming mga mata. Woah! I know this may sound corny pero kung ako lang masusunod, gusto kong tumigil na lang ang oras. I want to touch her face. Pero alam kong di pwede. Masisira lang ang moment na ‘to kung may ginawa akong ikakabigla niya.
BINABASA MO ANG
Just Another Story
RomanceWhen love strikes, it struck you hard. Please read. Medyo boring ang first few chapter, slow kasi ang progress ng story nila. Pero magiging okay din 'to. HAHA! :) Feel free to leave comments, guys! Thanks. :3