CHAPTER SEVEN

37 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

<Gwen’s POV>

 Haiiiiii...

*flashback*

“Babe, kain na tayo. Gutom na ako.” Yaya ko sa kanya. Change topic. Haha.

Tumalikod na ako. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Nakaharap na ako sa kanya. Nakatingin siya sa floor.

“Babe?” Sabay taas ko sa chin niya para nakatingin siya sa akin.

OMG! Wrong move! >.< Ang lapit naman ata ng mga mukha namin. Nagkatinginan kami. Ang bilis naman ata pulse ko. Gwen! Relax. Wala tong malisya. Oh my. Di ako makapagsalita.

“Sorry.” Bigla niyang binitiwan ang braso ko at umatras.

*end of flashback*

My gosh! Ano ba? Paulit-ulit ko na lang naaalala. T.T Di ‘to tama eh. >.<

“Gwen..”

“Ayy! Chicken!” Nakakagulat naman eh.

<Terrence’s POV>

“Gwen..” Andito siya sa may stairs sa fire exit. Nakita ko kasi siyang pumasok dito kaya sinundan ko siya.

“Ayy! Chicken!” nagulat na sabi niya.

“Sir.. ai, este. Terrence.” Pagtatama niya. Sana sabihin niya ulit ang pangalan ko.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Mukhang nagulat talaga siya.

“Well, uhmm... Nakita kasi kita na pumasok dito kaya sinundan kita.”

“Ahhh..” Aba. Tahimik siya ngayon ah. Himala. Umupo na siya ulit sa stairs. Umupo din ako sa tabi niya.

“Mukhang malalim iniisip mo bago ako pumasok dito ah..” mukhang malalim nga talaga iniisip niya. Nakatingin lang siya sa may window.

“Haiiii..” buntong-hininga niya.

“Gwen, ok ka lang ba?” Mukhang di niya naman ako naririnig. Ang bingi lang.

Hinawakan ko siya sa braso. “Gwen!”

“Hmmm?” Tumingin siya sa akin.

“Sorry. Di na naman ba ako nakikinig?” :(

“May problema ka ba?” Ngumiti siya. Pero alam ko pinipilit niya lang ‘yun. Kahit ilang beses ko pa lang siya nakitang ngumiti, alam ko kung kelan totoo ang ngiti niya.

“HAHA. Ako? Wala. Ok na ok ako.” Akala niya ba maniniwala ako sa kanya.

“Gwen.. kahit di pa tayo matagal na magkakilala, you know you can tell me anything. I’ll be your friend if you need one.”

Tinitigan niya lang ako. Nag-iisip na naman siya. Ganito kasi siya pag nag-iisip eh.

Huminga siya ng malalim. “Alright.”

“Good. Spill the beans.”

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon